Hango sa kasalukuyang sitwasyon ng impeksiyon na dulot ng Novel Coronavirus sa Prepektura ng Shiga, Ang antas ng alerto na kung saan mayroon itong apat(4) na yugto ng alerto ay ibinaba mula sa Pang-pangalawang (2) alerto papuntang Pang-unang(1) alerto.
Hinihiling namin ang inyong kooperasyon upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon tulad ng mga sumusunod.
Hinihiling namin ang inyong kooperasyon upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon tulad ng mga sumusunod.
1 Masusing mga hakbangin laban sa impeksyon
- Tiyakin na ang mga pangunahing hakbangin sa pagkontrol sa impeksyon ay isinasagawa. (Paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng maskara, pag-iwas sa tatlong 3C’s siksik na mga lugar/sitwasyon, atbp.)
2 Tungkol sa pagsuot ng Mask/Maskara
Mga sitwasyong kinakailangan magsuot ng Maskara
- Sa mga lugar na walang sapat na bentilasyon
- Kung may sintomas ng ubo at sipon, o kaya kung nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon
- Kung ang isang tao ay nasa ilalim ng kategoriyang nagkaroon ng malapitang ugnayan
- Kung nagkaroon ng malapitang paguusap-usap
- Kahit sa labas kung nasa pang-maramihang tao
Mga sitwasyon hindi na kinakailangan magsuot ng Maskara
- Kapag nasa labas at may sapat na distansiya mula sa ibang tao
- Kapag nasa loob at kapag may sapat na distansiya ng 2metros at walang pag uusap-usap
- Kapag nag eehersisyo sa labas na lugar at loob na lugar
- Mga kabataan sa maagang edukasyon(Preschooler)
- Kapag nasa labas iwasang hindi magkakasalu-salubong sa labas
3 Tungkol sa mga kainan/salu-salo
- Dapat kumain sa mga sertipikadong restawran/kainan.
4 Tungkol sa pagpapabakuna
- Sa mga hindi pa nakapagpapabakuna ng pang-ikatlong dosis, mangyaring isaalang-alang ang pagpapabakuna.
- Kung ikaw ay 60 taong gulang o mas matanda, at mga 18-59 taong gulang, na may pinagbabatayan na medikal na kondisyon, o sinabihan ng iyong doktor na ikaw ay nasa mataas na panganib ng malubhang karamdaman, mangyaring isaalang-alang ang ikaapat na dosis ng bakuna.