Pamumuhay nang Magkakasama ng Iba't-ibang Kultura
Nagtatalaga ng serbisyo ng pagsangguni para sa mga dayuhang residente at nagbibigay ng mga impormasyon sa pamumuhay, suporta sa edukasyon ng mga batang may dayuhang pinagmulan at mga dayuhang estudyante, suporta sa edukasyon sa Nihongo at nagsasagawa ng tulong sa oras ng mga kalamidad.
Serbisyo ng Pagsangguni para sa mga Dayuhan
May itinayong serbisyo ng pagsangguni sa pamumuhay para sa mga dayuhang residente sa prepektura. Hinggil sa mga problema sa pamumuhay tulad ng ukol sa paggawa, pangkalusugan at edukasyon, ang mga tagapayong marunong ng banyagang wika ay nagbibigay ng naaayong impormasyon at nagpapakilala ng mga dalubhasang sanggunian. Tumatanggap din ng pagsangguni sa telepono, fax at email (pangangalagaan ang mga kompidensiyal na impormasyon). Nagdaraos rin ng pagpupulong para sa mga interpreter at tagapayo ng mga munisipyo ng prepektura para sa pagpapalitan ng impormasyon, at ginaganap ang kani-kaniyang pagsasanay para sa pagpapabuti ng kakayahan.
”Mimitaro”Pahayagan para sa mga Dayuhan
Ang “Mimitaro” ay isang pangalang ibinigay ng mga boluntaryong tagasulat nito na nagmula sa pinagsamang mga salita na “Mimi” (tainga), na nangangahulugan ng pagnanais na makapaghatid ng mabuting mga impormasyon, at “Taro”, isang pamilyar na pangalang Hapon sa mga mambabasa.
- Isinalin sa 10 wika
- Nihongo (may furigana), Ingles, Portuges, Kastila, Intsik (simple), Intsik (tradisyonal), Koreano, Tagalog, Vietnamese, Indonesian
- Paglalathala
- 4 na beses sa isang taon
Suporta sa Edukasyon ng mga Batang may Dayuhang Pinagmulan
Para sa mga bata at magulang na may dayuhang pinagmulan, kasabay ng pagsisikap naming lubusang makapagbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng ginaganap na Patnubay sa Pagpili ng Kurso sa iba’t-ibang wika, sinusuportahan namin ang mga estudyante sa kanilang gagawing pagpili ng kurso upang sila ay magkaroon ng malawak na pananaw para sa hinaharap pagkatapos ng senior high school at unibersidad.
Pagdaraos ng Career Fair(Patnubay sa Pagpili ng Kurso sa Iba’t-ibang Wika, Workshop sa Pagpaplano ng Propesyon)
Ginaganap ang Patnubay sa Pagpili ng Kurso kasabay ng aming pagsisikap na mapahusay at maikalat ang mga impormasyon sa pagpasok sa paaralan sa iba’t-ibang wika, sa pakikipagtulungan sa Board of Education ng prepektura at mga siyudad. Binibigyan din namin ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng isang malawak na pananaw ukol sa pagiging angkop ng kanilang sariling kakayahan sa isang propesyon at sa pagpaplano sa pagpili ng kurso sa hinaharap.
Pagdaraos ng Kurso ng Pagsasanay para sa mga Supporter ng mga Dayuhang Residente
(Kurso ng pagsasanay para sa mga tagapagturo ng Nihongo sa mga batang may dayuhang pinagmulan) Idinaraos ang pagsasanay para sa mga tagapagturo ng Nihongo sa mga batang may dayuhang pinagmulan nang minsan sa isang taon.
Patnubay sa Pagpili ng Kurso sa Iba’t-ibang Wika (Reference materials sa iba’t-ibang wika・Link)(PDF)(na-update na petsa:10/14/2023)
Iwinastong Edisyon Mga Estratehiya Tungo sa Pagtupad ng Pangarap (Gabay sa Iba’t-ibang Trabaho)(PDF)
Scholarship(suportang-pinansiyal) sa mga Dayuhang Mag-aaral (Biwako Scholarship para sa mga Dayuhang Mag-aaral)
Sa SIA, nagbibigay kami ng scholarship sa pamamagitan ng isang benepisyo, sa mga dayuhang estudyante (international student o ryugakusei) na naninirahan at nag-aaral sa isang graduate school, unibersidad, at junior college sa Shiga. Para sa aplikasyon makipag-ugnayan sa namamahala ng programa para sa scholarship sa kani-kaniyang paaralan.
Buod / Mga Kinakailangan sa Aplikasyon
Iba pa
Pagpapahiram ng mga Edukasyonal na Materyales sa Nihongo at mga Aklat-aralin ng Brazil.
May itinalagang lugar para sa mga edukasyonal na materyales sa Nihongo at mga materyales sa pagtuturo ng Nihongo sa mga batang may dayuhang pinagmulan, mga aklat-aralin ng Brazil, mga aklat na sumusuporta sa pag-aaral at ukol sa pamumuhay ng iba’t-ibang kultura, at ang mga ito ay maaaring hiramin (para lamang sa mga miyembro ng SIA at mga organisasyon, kabilang ang mga paaralan). Malayang magagamit ang serbisyong ito sa International Information Salon ng SIA.
※Mga Ipinahihiram na Materyales sa Pagtuturo(Materyales sa pagtuturo ng Nihongo, mga aklat-aralin ng Brazil, mga aklat na sumusuporta sa pag-aaral, mga aklat ukol sa pamumuhay ng iba’t-ibang kultura)
Suporta sa Pag-aaral ng Nihongo
Kami ay tumutulong, kasama ng Biwako Nihongo Network (mas kilala bilang BNN), sa pagdaraos ng “Kurso ng Pagsasanay para sa mga Tagapagturo ng Nihongo” at ng “Nihongo Speech Contest para sa mga Dayuhan”. Nagbibigay rin kami ng mga impormasyon ukol sa mga klase sa pag-aaral ng Nihongo sa prepektura.
Support site para sa Paglikha ng mga Paaralang Namumuhay nang Magkakasama ang Iba’t-ibang Kultura
Upang matugunan ang pagdami ng mga dayuhang bata na pumapasok sa elementarya at junior high school sa loob ng prepektura taun-taon, aming inilabas ang “Support Site para sa Paglikha ng mga Paaralang Namumuhay nang Magkakasama ang Iba’t-ibang Kultura”, para matulungan ang bawat paaralan sa paghahanda sa pagtanggap ng mga estudyante buhat sa ibang bansa.
Bukod sa paggawa ng “orihinal na iskedyul ng klase”, “mga karatula sa paaralan sa iba’t-ibang wika”, at iba pa, gamit ang 6 na wika (Portuges, Kastila, Ingles, Intsik, Tagalog, Koreano), dito ay maaari ring makita ang listahan ng mga salitang ginagamit sa paaralan na isinalin sa nabanggit na 6 na wika. Sa pagsisimula ng isang bagong semestro, aming nilikha ang site na ito sa hangaring maging maginhawa at panatag ang pag-aaral ng mga dayuhang estudyante sa Japan. Gamitin po ito nang lubusan.
Support site para sa Paglikha ng mga Paaralang Namumuhay nang Magkakasama ang Iba’t-ibang Kultura
Mga Impormasyon sa Pagpapalaki ng Bata sa Iba’t-ibang Wika ng SIA
Sa SIA, aming binibigyan ng suporta ang mga ama at inang nagpapalaki ng anak, sa pamamagitan ng paglikha ng “Mga Impormasyon sa Pagpapalaki ng Bata sa Iba’t-ibang Wika”, na kung saan ang mga impormasyon ukol sa pagbubuntis, panganganak, pag-aalaga ng bata, atbp., ay nasa 6 na wika.
Mga Impormasyon sa Pagpapalaki ng Bata sa Iba’t-ibang Wika ng SIA
Suporta sa mga Dayuhang Residente sa Oras ng mga Kalamidad ・ Paglaganap ng Pagtatayo ng mga Komunidad na may Iba’t-ibang Kultura sa Pamamagitan ng mga Proyekto sa Pag-iwas sa Kalamidad
Sa pagsali ng mga dayuhan sa mga proyekto sa pag-iwas sa mga kalamidad, maaaring magkaroon ng personal na relasyon at ugnayan ang rehiyon at mga komunidad. Gayundin, sa pagkakaroon nila at ng mga dayuhang residente ng pakikipagharapan, upang maging daan para sa isang bagong kamalayan ng mga tao sa rehiyon, ang SIA ay kasamang tumutulong sa pamahalaan, mga lokal na residente at mga international association ng mga munisipalidad sa kanilang pagsasagawa ng mga aktibidad sa pag-iwas sa mga kalamidad.
Emergency Packs sa Iba’t-ibang Wika, Pagpapahiram ng mga Sangguniang Babasahin ukol sa Pag-iwas sa mga Kalamidad, Mga Aktibidad sa Pagkakaroon ng Kamalayan sa Pag-iwas sa mga Kalamidad
Sa mga aktibidad at event ng rehiyon ukol sa pag-iwas sa mga kalamidad, kami ay namamahagi ng mga magagamit na impormasyon tulad ng ukol sa mga emergency packs para sa mga kalahok na dayuhan, upang sila ay magkaroon ng kamalayan at maragdagan ang kanilang kaalaman ukol sa pag-iwas sa mga kalamidad.
Impormasyon sa Pag-iwas sa mga Kalamidad sa Iba’t-ibang Wika
Pagsasanay para sa mga Bumbero ukol sa Gagawing Pakikitungo sa mga Dayuhan sa Oras ng Emerhensya
Ginaganap ang mga pagsasanay para sa mga bumbero upang kanilang mapakitunguhan ang mga dayuhan na ang wika at kultura ay magkakaiba.
Pagpapatupad ng pagsasanay sa pagsuporta sa mga dayuhan sa oras ng kalamidad sa rehiyon ng Kinki at pagsali sa mga study group.
Bilang miyembro ng “Kinki Block Study Group Network sa Pagsuporta sa mga Dayuhan sa Oras ng Kalamidad” na binubuo ng mga samahang internasyonal sa rehiyon ng Kinki, patuloy naming pinalalakas ang panrehiyong kooperasyon, at ginaganap ang paggawa ng isang sistema ng pagsuporta.
Sistema ng Pagtulong sa mga Dayuhan sa Oras ng Kalamidad
Isang sistema ng pagpapa-rehistro ng mga boluntaryong magsasakatuparan ng mga aktibidad sa pagtulong sa mga dayuhan sa apektadong lugar, atbp., para sa mabilis at wastong pagtulong sa kanila, sa oras na maganap ang isang malaking kalamidad sa Shiga at mga katabing prepektura sa rehiyon ng Kinki.