1 Mangyaring makipagtulungang makipag-ugnayan at magpasuri kung kayo ay may nakasalamuhang-malapitan

Sa mga taong nasuring positibo

Kung kayo ay nasuri na may impeksiyon ng COVID-19, mangyaring pakisundan ang balangkas ng talangguhit/tsart sa ibaba at ipagbigay alam ito sa taong inyong nakasalamuhang-malapitan
Kung kayo ay nasuri na may impeksiyon ng COVID-19(Balangkas ng tsart)   

2 Tungkol sa Pagsusuri ng PCR sa mga taong may nakasalamuhang- malapitan

Sa mga taong tinawagan na hinihinalaan na may nakasalamuhang- malapitan ay kinakailangan magpasuri

① Mangyaring mag-aplay dito

  Serbisyong tanggapan ng Shiga-net "Tungkol sa aplikasyon para sa pagsusuri para sa mga taong may nakasalamuhang- malapitan" (Wikang hapon lamang)
*Ipapadala sa inyo ang PCR test kit sa pamamagitan ng koreo kaya mangyaring ilagay ang wastong address
*Kahit na mag- aplay para sa pamilya, mangyaring isulat ang bawat pangalan ng bawat isa sa pamamagitan ng pag- aplay ng indibidwal.

② Makalipas ang 2,3 araw, ipapaabot sa inyong tahanan ang test kit

  • I-download ang app para sa pangangalagang pangkalusugan na "HELPO".
  • Ilagay ang code ng imbitasyon sa app. Ang "code ng imbitasyon (na may walong numero)" na nakapaloob sa email ng tanggapan ay ilagay sa app ng HELPO mangyaring, isulat at tandaan ito.
  • Sundin ang mga tagubilin ng app para sa pagkuha ng laway.
  • Kapag nagsusuri siguraduhing kumpirmahin ang "Manwal ng Paraan ng pagsusuri" at mangyaring isagawa ang pagsusuri ayon sa nakasaad dito.

③ kumuha ng laway, ilagay sa pakete at ipadala sa koreo

④ Katibayang papel sa resulta ng pagsusuri (pagkalipas ng 2 araw)

  • Ang resulta ng pagsusuri ay aabisuhan sa App.
  • Kung ito ay napagdududahan bilang "hinihinalaang positibo (natuklasang mikrobyo/virus)", makikipag-ugnayan sa inyo ang sentro ng kalusugan/health center.

3 Tungkol sa pagpapaikli sa panahon ng paghihintay para doon sa mga may nakasalamuhang-malapitan

  • Ang panahon ng paghihintay ay 7 araw ayon sa tuntunin. Kakanselahin ito pagdating sa ika-8 na araw.
  • Para sa mga nagpapanatili ng mga panlipunang tungkulin, maaari itong kanselahin sa ika-5 araw sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pagsusuri sa loob ng 2 araw.

4 Tungkol sa pagsubaybay sa kalusugan ng mga taong may nakasalamuhang-malapitan

  • Kung naabisuhan kayo na may hinala na may nakasalamuhang-malapitan at sa mga taong sumailalim sa pagsusuri, mangyaring subaybayan ang inyong kalusugan sa loob ng 10 araw mula sa araw na huli mong nakasalamuha ang pasyente.

Mangyaring makipag-ugnayan sa amin kung hindi kayo nakakaintindi ng Nihongo/Wikang hapon

Shiga Gaikokujin Soudan Center/Sentro ng Konsultasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga

(Lunes ~Biyernes 10:00am- 5:00pm ※Sarado sa araw ng Sabado, Linggo at mga bakasyon na mga araw)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel