Ukol sa Shiga Intercultural Association for Globalization

滋賀県国際協会

Ang Shiga Intercultural Association for Globalization o SIA (samahan para sa kapakanang pambayan), ay isang kapisanan na itinatag sa hangaring mapalalim ang pandaigdig na pang-unawa ng mga mamamayan ng prepektura, nilalayong iangat ang kaalaman ukol sa pandaigdig na pagtutulungan, aktibong itaguyod ang pakikipag-ugnayang pandaigdig sa malawak na larangan ng ekonomiya, teknolohiya, kultura, at iba pa, at nag-aambag sa pagsulong ng mga lokal na komunidad na makakatugon sa globalisasyon.

※Ang SIA ay mga inisyal ng pinaikling pangalan na Shiga Intercultural Association for Globalization.

Petsa ng pagkakatatag
Hulyo 19, 1979
Kinatawan
G. Kazumasa Hashimoto (Tagapangulo)
Halaga ng mga pag-aari
436,024,550 yen (mula Marso 31, 2019 hanggang sa kasalukuyan)
Bilang ng mga miyembro
Miyembrong mga samahan – 94 na samahan (mula Marso 31, 2019 hanggang sa kasalukuyan)
Indibidwal na miyembro - 294 katao
Lugar
(Punong-tanggapan) Piazza Omi 2F 1-1-20 Nionohama, Otsu City, Shiga Pref. 〒520-0801
TEL 077-526-0931, FAX 077-510-0601
Office hours: Lunes hanggang Biyernes (Sarado sa piyesta opisyal at sa bakasyon sa bagong taon)
8:30 am hanggang 5:15 pm
(Tanggapan sa Hikone): 1435-86 Matsubara-cho, Hikone City 〒522-0002
TEL 0749-26-3400, FAX 0749-24-9356
Office hours Lunes hanggang Biyernes (Sarado sa piyesta opisyal at sa bakasyon sa bagong taon)
8:30 am hanggang 5:15 pm

Mga proyekto

[Mula sa pag-unawa hanggang sa pagsasakatuparan]: isang tema na naglalayong makalikha ng isang masiglang lokal na komunidad kung saan ang lahat ay maaaring mamuhay ng matiwasay.

(Samahan para Kapakanang Pambayan) Ang Shiga International Association ay nagtakda ng isang tema na"Mula sa pag-unawa hanggang sa pagsasakatuparan"sa kalagitnaan ng termeno ng pang-pangatlong plano simula sa piskal ng taong 2021.
Habang may kamalayan sa pakikipag-ugnayang pandaidig, nilalayong maisakatapuran at mapanatili ang isang lipunang kinikilala ang kasaganaan ng pagkakaiba-iba at pagsasama-sama sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na komunidad, organisasyon, negosyo, gobyerno, at mga indibidwal tungo sa pagpapalalim ng multikulturalismo at pandaigdig na unawaan, makabuo ng mga lugar at samahan na magsasakatuparan sa pagpapaunlad ng ugnayang yamang-pang- tao.
Papaunlarin pa lalo ng aming asosasyon upang maaring makasali ang mga indibiduwal at organisasyon sa mga mas praktikal na aktibidad sa kanilang mga lokal na pamayanan.
Batay sa temang ito, isasagawa namin ang mga sumusunod na aktibidad:

Pandaigdig na Edukasyon
Kabilang na ang edukasyon sa paaralan, sinisikap naming palaganapin ang pandaigdig na edukasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng iba’t-ibang oportunidad sa pag-aaral. Nagsasagawa ng pagbuo ng orihinal na mga materyales sa pagtuturo, pamamahala ng mga study groups, pagsasanay ng mga magiging lider at pagtatalaga ng mga tagapagturo.
Pakikipag-ugnayang Pandaigdig
Sinisikap naming paunlarin ang mapagkukunan ng pandaigdig na mga tauhan (global human resources), sa pakikipagtulungan sa mga dayuhang aktibo sa Shiga at sa iba pang organisasyong may ibang larangan at maglaan ng isang lugar na malayang makapagtitipon para sa pakikipag-ugnayang pandaigdig at pagdanas ng ibang kultura. Dagdag pa rito, isinasagawa rin ang mga exchange program kasama ng The Japan Center for Michigan Universities at mga “kapatid na estado at kaibigang lalawigan”.
Pakikipagtulungang Pandaigdig
Pinapaunlad ang pakikipagtulungang pandaigdig sa Shiga sa pagtanggap ng mga technical trainee na buhat sa ibang bansa, at iba pa. Ang mga konsultasyon ukol sa pakikipagtulungang pandaigdig at mga boluntaryo sa ibang bansa ay tinutugunan sa pakikipagtulungan sa JICA Shiga.
Pamumuhay nang Magkakasama ng Iba't-ibang Kultura
Nagtatalaga ng serbisyo ng pagsangguni para sa mga dayuhang residente at nagbibigay ng mga impormasyon sa pamumuhay, suporta sa edukasyon ng mga batang may dayuhang pinagmulan at mga dayuhang estudyante, suporta sa edukasyon sa Nihongo at nagsasagawa ng tulong sa oras ng mga kalamidad.
Suporta sa Paglalakbay sa Ibang Bansa
Nagbibigay ng impormasyon para sa kaligtasan sa ibang bansa, impormasyon ukol sa paglalakbay, sinisikap na siguruhin ang maginhawa at ligtas na paglalakbay at itinataguyod ang pakikipag-ugnayang pandaigdig ng mga mamamayan

Iba’t-ibang Impormasyon ukol sa SIA