Patnubay sa pangangalap ng mga miyembro ng SIA

Sa pakikipagtulungan ng marami, kami sa SIA ay nagsasagawa ng mga proyekto na naglalayon sa globalisasyon ng Shiga. Ang inyong mga donasyon at membership fee ay ginagamit para sa mga proyektong ito. Kung kayo ay sumasang-ayon sa aming mga proyekto, aming hinihiling ang inyong pagpapatala bilang kasapi.

Kasabay ng pagpapadala sa lahat ng miyembro ng babasahing “SIA” na nagtataglay ng mga impormasyon ukol sa pandaigdig na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan, ihahatid rin namin sa inyo nang mas maaga sa pamamagitan ng mail magazine ang mga impormasyon sa mga event ukol sa pandaigdig na pakikipag-ugnayan, atbp. sa loob ng prepektura. Bukod pa sa mga pakinabang na makukuha sa mga establisyementong kaanib sa SIA sa pamamagitan ng pagpapakita ng inyong ID, maaaring lumahok sa mga events na itinaguyod ng SIA sa mas murang halaga para sa mga miyembro.

Membership fee

Indibidwal na miyembro
taunang bayad para sa 1 membership – Pangkalahatang miyembro: ¥2,000, Estudyante: ¥1,000
Mga samahang miyembro
aunang bayad para sa 1 membership - ¥10,000

Aplikasyon

Punan ang application form sa ibaba at ipadala ito sa pamamagitan ng koreo, FAX o e-mail.

Application form sa pagsali bilang miyembro(docxファイル) Mga impormasyon ukol sa pagsali bilang miyembro(PDFファイル)

Kahilingan para sa mga donasyon

Ang mga proyektong isinasakatuparan ng SIA na tulad ng “Paglinang ng mga Taong May Mahusay na Pandaigdig na Kamalayan”, “Pagbuo ng mga Rehiyon na Magkasamang Namumuhay ang Iba’t-ibang Kultura”, “Paglikha ng Kapaligiran (tulad ng pagtataguyod ng mga gawaing boluntaryo)”, ay itinataguyod ng mga donasyon na galing sa inyo. Hinihiling naming ang inyong pang-unawa at kooperasyon.

Ukol sa mga insentibo sa buwis

Ang inyong mga donasyon at membership fee ay nasasakop ng insentibo sa buwis (pagbawas sa income tax o buwis sa kinikita at pagbawas sa halaga ng buwis).

Upang makatanggap ng refund, kinakailangang mag-file ng tax return gamit ang mga resibo. Ang mga resibo ng natanggap naming mga donasyon at membership fee mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ay nakatakdang ipadala sa inyo sa susunod na taon sa huling bahagi ng buwan ng Enero. Ang “Katunayan na may Kaugnayan sa Pagbawas ng Buwis” ay ilalakip na kasama ng mga resibo.

Para sa mga indibidwal na miyembro (mga nag-a-apply na may 1 membership na pinagsama sa donasyon sa iba pang samahan), o mga miyembro na nasasakop ng mga nakasulat sa itaas subalit wala ang kinakailangang form, i-download at gamitin ang form sa ibaba.

Katunayan na may Kaugnayan sa Pagbawas ng Buwis

Katunayan na may Kaugnayan sa Pagbawas ng Buwis(PDFファイル)