Huwag patalo sa Coronavirus!! Proyektong Suportang Pambata
Mensahe mula kay Gobernador MIKAZUKI Taizo ( Marso 18, 2020)

Magandang araw sa inyong lahat. Ako po ay si MIKAZUKI Taizo ang inyong Gobernador dito sa Shiga.
Kahina-hinayang ang pagsasara ng mga paaralan dahil sa paglaganap ng virus sa nakakahawang sakit na bagong coronavirus, naiintindihan ko rin na karamihan sa inyo ay nalulungkot dahil lahat kayo ay hindi nakapagdiwang ng inyong pinakahihintay na araw ng pagtatapos at hindi rin kayo nagkaroon ng pagkakataong makita ang inyong mga kaibigan nitong huling pang ika-3 na termino ng pasukan,dahil diyan ako po ay humihingi ng paumanhin sa lahat.
Hinihikayat ko po ang lahat na magtulungan po tayong labanan at makaiwas sa nakakahawang sakit na ito at upang makaiwas sa impeksiyon nito ,bumuo po kami ng Proyektong Suportang Pambata upang masugpo ang Coronavirus na ito!
At maging makabuluhan sana ang mga oras ng inyong pananatili sa bahay habang wala pang pasok sa paaralan , matuon sa iba't ibang gawain at mga aralin, ipinapakilala ko sa inyo ang [Proyektong Suportang Pambata! !] [Hindi Patatalo sa Coronavirus!!] at ang mga sumusunod na mga programa nito.

1 Programang Pangluto: Paano gumawa ng gulaman sa gatas !

Sa Prepektura ng Shiga nakakagawa tayo ng maraming gatas.At dahil sa pansamatalang wala kayong pasok sa paaralan ipapakita namin sa inyo sa Homepage ng Prepektura kung paano gumawa ng gulaman gamit ang gatas na karaniwang iniinom ninyo sa paaralan. Gamitin ang gatas na mayron kayo sa Bahay at gawaan ninyo ng gulaman ang inyong pamilya at ang mga kaibigan para masaya nilang pagsaluhan ito.

2Namnamin at ibahagi ang mga alaala ng Tagsibol na Panahon

Panahon ng Tagsibol ,Ngayon. kahit na medyo mahirap lumabas sa panahong ito,gumawa ng paraan na lumabas minsan namnamin ang panahon kung saan makikita mo ang mga kulisap,pagsibol muli ng mga tanim, paghuni ng mga ibon at marami pang ibang makikita mo sa panahong ito, gumawa ng mga alaala,kagaya pagkuha at pagguhit ng mga larawan ,paggawa ng mga tula at ipadala ito sa amin, may nakahanda kaming espesyal na regalo para doon sa mga napiling sumali.

Sa ngayon karamihan sa mga matatanda ay hindi malayang nakakalabas upang makaiwas sa sakit na dulot ng coronavirus,at halos ang mga tao sa buong mundo ay nakakaranas ng ubo,sipon at lagnat, Magtulungan po tayo para makaahon sa kahirapan na ito at ng maibalik sa normal ang ating pamumuhay,kagaya ng masayang pamumuhay sa paaralan,sa komunidad,masayang maglaro ng sama-sama,masayang pag aaral
「Huwag Patatalo sa Coronaviruc!!Proyektong Suportang Pambata」、Sali na kayong lahat.
Maraming Salamat po.

Kaugnay