Lugar

Buong lugar ng Shiga

Panahon

Hanggang ika-31 ng Mayo, 2020

Pagpapatupad

Ang panukalang pang-emerhensiya ay hanggang ika-10 ng Mayo,hindi nagbabago

Simula ika-11 ng Mayo , ang panukalang pang-emerhensiya ay ang mga sumusunod:

1. Panawagan (kahilingan) para ihiwalay ang sarili

Mula ika-11 ng Mayo ang , “Manatili sa tahanan” ay magiging“Manatili sa sariling lugar/bayan.Iwasan maglakbay sa buong Shiga at pumunta sa mga bahay-aliwan(bar,nightclubs) at sa mga kainan/restawran.

2. Panawagan para sa pagpatigil sa pagbuo/paggawa ng mga kaganapan

Simula Ika-11 ng Mayo pinapahintulutan ang mga kaganapan na may mas mababa sa bilang na 50 ang mga dadalo nito.
Ang mga Naglalaking kaganapan sa buong Japan ay kinansela,ipinagpaliban muna, hanggat hindi nasusunod ang panukalang kontra-impeksiyon.

3. Panawagan upang limitahan ang paggamit ng mga pasilidad

Ang mga panukala ay magiging maluwag para sa mga sumusunod na mga pasilidad, simula sa ika-11 ng Mayo ayon sa pagkasunod-sunod :
  1. Mga paaralan, museyo, lugar ng mga tindahan(negosyo) na tumugon sa kasalukuyang mga hakbang pang-emerhensiya, at iba pang mga pasilidad na may sukat na mas mababa sa 1,000 m2 ang nasasakupang lugar nito.
  2. Iba pang mga pasilidad
  3. ※Ang tiyempo(pagsasaoras) ng pagbukas muli ng mga iba pang mga pasilidad ay nakadepende sa sitwasyon tungkol sa impeksyon sa Shiga at sa mga hakbang na ginawa ng mga kalapit na prepektura.