Ang mga antas ng pamantayan para sa mga abiso sa impeksyon sa COVID-19 sa Prepektura ng Shiga ay magbabago mula sa isang 4-antas na sistema (antas 1-4) patungo sa isang 5-antas na sistema (Antas 0-4).
Ang kasalukyang antas ay 0.
- Ibalik ang pang-araw-araw na buhay habang tinitiyak ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas!
1 Magpatupad ng masusing mga hakbangin upang makaiwas- impeksiyon.
- Tiyakin ipatupad ang mga pangunahing hakbangin sa pag -iwas-impeksiyon (Maghugas ng kamay, Magsuot ng face mask, Umiwas sa 3C’s na mga siksik.)
- Sa loob ng tahanan, ugaliin ang wastong tuntunin sa pag ubo, Panatilihing maaliwalas at madalasang bentilasyon ang lugar, dis-impektahan ang ibabaw ng mga lugar na ginagamit ng pangkalahatan tulad sa mga hawakan ng pintuan kahit na nasa loob ng bahay.。
- Maibayong pag iingat sa 「Limang sitwasyon」 na makakadagdag-peligrong mahawaan kung makikipag ugnayan sa ibang mga tao maliban sa kapamilya (sa mga kainan, mga tirahan na magkakasama-sama tulad ng mga dormitoryo, mga pampublikong lugar katulad ng mga pahingaang lugar/ kuwarto at iba pa.) Lalong-lalo na iwasan ang bahagiang paggamit ng mga baso at ng iba pang mga kagamitan. At magsuot ng face mask habang nag uusap-usap kahit na nasa oras na ng hapag-kainan.
- Mas pag ibayuhin pa lalo ang pag iingat kung pupunta sa mga lugar kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga taong may impeksiyon.
- Manatili at magpagaling sa loob ng tahanan kung nakakaranas kayo ng mga sintomas kagaya ng lagnat.
- Ipagpatuloy ang pagtupad sa pangunahing mga hakbangin-iwas impeksiyon kahit na tapos ng mabakunahan.
- Gamitin ang Apps para sa pag iwas-impeksiyon sa COVID-19 tulad ng “Moshi-sapo Shiga” at ang Apps sa pagkumpirma kung nagkaroon ng malapitang kontak na (Contact Confirming App) “COCOA”.
2 Tungkol sa Pagsasalu-salo
- Kung magsasalu-salo kumain sa mga kainan na sertipikado para sa kaligtasan iwas -impeksiyon mula sa corona.
- Mangyaring gumawa ng mga paraan upang mabawasan ang panganib mula sa impeksyon, tulad ng pagsuot ng maskara pagkatapos kumain
3 5 na sitwasyon na tumataas ang peligro na mahawaan ng impeksiyon
- Pagsasalu-salo na may kasamang inuming alak.
- Mahabang oras ng pagsasalu-salo sa malakihang grupo.
- Pag uusap -usap na walang suot ng mask.
- Pagsasama-samang paninirahan sa maliit na lugar.
- Paglipat ng lokasyon tulad ng mula sa lugar ng trabauhan patungo sa lugar ng pahingahan.