Mula Hulyo 22, 2022 ang panahon ng paghihintay para sa mga nagkaroon ng malapitang-ugnayan/close contact sa may impeksiyon ng COVID-19 ay pinaikli. Naangkop rin ito doon sa mga nauna nang mga araw na nagkaroon ng malapitang-ugnayan/close contact.

Panahon ng Paghihintay para sa mga nagkaroon ng malapitang-ugnayan (Close contact)

  • Ang panahon ng paghihintay ay 5 na araw at aalisin ito pagsapit ng ika-6 na araw
  • Sa pinaikling panahon pagkatapos ng huling araw ng malapitang-ugnayan..Kung ang pagsusuri sa dalawang magkakasunod na mga araw ay nakumpirmang negatibo, maaari na itong tanggalin/kanselahin sa pang- ikatlong araw

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa panahon ng paghihintay para sa mga nagkaroon ng malapitang-ugnayan

  • Ang panahon ng paghihintay para sa mga taong nagkaroon ng malapitang-ugnayan/close contact ay kailangan 5 na araw at (tatanggalin ito sa pagsapit ng ika-6 na araw), simula sa ika-0 na araw (o sa araw na nagsimula ang mga panukala sa pag iwas sa nakakahawang sakit sa loob ng sambahayan dahil sa pagkakaroon ng impeksiyon ng taong kasama sa bahay o (Ang petsa ng pagkolekta ng sample ng taong nahawahan sa loob ng parehong sambahayan na walang sintomas (asymptomatic carrier). (* 1). alinman sa.
  • Kung ang ginamit na pagsusuri sa pangalawa at pangatlong araw ay ang antigen qualitative test kit (*2) at nagkumpirma ito ng negatibong resulta,posibleng isagawa ang pagkansela sa pangatlong araw, hindi alintana kung ang taong ito ay nagpapanatili ng pangangalaga ng kalakarang-panlipunan (Social function) o hindi (sa kasong ito, hindi na kinakailangan pang kumpirmahin ang indibiduwal na desisyon ng pagkansela sa Sentrong Pangkalusugan).
  • Alinman sa mga kaso sa itaas, hanggang sa lumipas ang 7 araw, mangyaring suriin ang sariling kalagayan tulad ng pagtsek ng temperatura ng katawan, at pag iwas na magkaroon ng malapitang pakikipag-ugnayan sa mga taong may mataas na peligrong magkasakit ng malubha kung sakaling mahawaan , tulad ng mga matatanda at sa mga may seryosong medikal na kondisyon (tinutukoy bilang mga taong nasa mataas na peligro). Bilang karagdagan mangyaring sundin ang mga panukalang hakbang sa pag iwas impeksiyon tulad ng pag-iwas sa malapitang-ugnayan sa mga matatanda, sa mga taong may malubhang kondisyong-medikal at sa mga iba pang nasa may mataas na peligro kung mahawaan ng impeksiyon(tinutukoy bilang mga taong nasa mataas na peligro ), mga hindi naman kinakailangang pagbisita sa mga pasilidad pang-matatanda, pasilidad para sa mga taong may kapansanan at institusyong-medikal kung saan maraming mga taong nakaadmit o nakaospital na may mataas na panganib kapag mahawaan ng impeksyon,at pagkain sa mga lugar na may matataas na peligrong mahawaan ngimpeksiyon at ang pagsuot ng mask kung kinakailangan.
    *1 Gayunman, kung ang isang kasama sa parehong sambahayan ay nagkasakit nito,ang petsa kung saan simulang nagkasakit ito (o ang petsa ng koleksyon ng ispesimen kung ang iba pang mga kasamahan sa sambahayan ay walang sintomas/asymptomatic) ay kinakalkula bilang ika-0 na araw. Sa karagdagan, kung ang nahawaang tao ay isang asymptomatic carrier sa oras ng diyagnosis at, ang petsa ng pagsisimula ay kinakalkula bilang araw ika-0. Kung ang taong nahawahan ay asymptomatic sa oras ng diyagnosis at pagkatapos ay nagkaroon ng sakit, ang araw ng simula ay mabibilang bilang araw ika- 0. *2 Sariling gastusin ng pasyente ang paggamit sa Antigen qualitative test kit at dapat na aprubado ito sa ilalim ng Regulasyong batas Pang- Parmasyutiko.

Sanggunian

Dibisyon ng Pagkontrol sa Nakakahawang Sakit_Seksyon ng Pagsisiyasat at Pagsusuri
TEL: 077-528-3584
FAX: 077-528-4866
Email: coronataisaku4@pref.shiga.lg.jp
〇Kung hindi maintindihan ang wikang Hapon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Shiga Foreign Resident Information Center Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga   (Lunes ~ Biyernes 10:00-17:00 *Sarado sa mga araw ng Sabado, Linggo, at pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/counsel