Hango sa kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 sa Prepektura ng Shiga, ang antas ng alertong babala na mayroong 4 na antas ay ibinaba mula sa 3 antas patungong 2 antas.
- Mangyaring magsuot ng maskara na angkop sa sitwasyon at okasyon.
Naka-mask Isuot, ok!Tanggalin, ok!Lahat ay ok!! - Hinihingi po ang pakikipagtulungan ng lahat upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Ngayongtaglamig, maghandasapagbakuna, ng COVID-19qualitative antigen test, at gamotsa lagnat/sakitng katawan
1 Gumawa ng masusing hakbang upang makaiwas- impeksiyon.
- Tiyakin ang mga pangunahing hakbang sa pag -iwas-impeksiyon (Maghugas ng kamay, Magsuot ng face mask, Umiwas sa 3C’s na mga siksik.)
- Sa loob ng tahanan, ugaliin ang wastong tuntunin sa pag ubo, Panatilihing maaliwalas at madalasang bentilasyon ang lugar, dis-impektahan ang ibabaw ng mga lugar na ginagamit ng pangkalahatan tulad sa mga hawakan ng pintuan kahit na nasa loob ng bahay.
- Maibayong pag iingat sa 「Limang sitwasyon」 na makakadagdag-peligrong mahawaan kung makikipag ugnayan sa ibang mga tao maliban sa kapamilya (sa mga kainan, mga tirahan na magkakasama-sama tulad ng mga dormitoryo, mga pampublikong lugar katulad ng mga pahingaang lugar/ kuwarto at iba pa.) Lalong-lalo na iwasan ang sama-samang paggamit ng mga baso at ng iba pang mga kagamitan. At magsuot ng face mask habang nag uusap-usap kahit na nasa oras na ng hapag-kainan.
- Mas pag- ibayuhin pa lalo ang pag iingat kung pupunta sa mga lugar kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga taong may impeksiyon.
- Manatili at magpagaling sa loob ng tahanan kung nakakaranas kayo ng mga sintomas kagaya ng lagnat.
2Tungkol sa paglabas-labas
Kung ikaw ay 12 taong gulang o mas matanda, nakatanggap na ng ikalawa, ikatlo, o ikaapat na dosis ng karaniwang bakuna, gumaling pagkatapos ng impeksyon sa Omicron strain, o nagpaplanong kumuha ng pagsusulit, makakuha ng trabaho, o uuwi, mangyaring isaalang-alang ang pagkuha ng isa pang dosis ng Omicron strain-compatible na bakuna bago matapos ang taon!3 Sa kaso ng lagnat, atbp.
- Palaging maghandang magtabi ng antigen qualitative test kit at antipyretic analgesics/gamot sa pagpababa ng lagnat sa lalong madaling panahon!
- Tiyaking nakahanda sa mga impormasyong gaya ng mga telepono ng tanggapan ng konsultasyon at maghanda ng mga pang-araw-araw na pangangailangan
4 Kainan/Salu-salo
- Kumain sa mga sertipikadong ligtas-COVID 19 na mga kainan.
- Gumawa ng mga hakbangin sa pagpapababa ng peligro sa impeksiyon tulad ng pagsusuot ng mask sa panahon ng kainan/salu-salo.
5 Pagsusuri
-
Para doon sa mga walang sintomas ngunit nag aalala kung nahawaan dahil sa mga rason tulad ng nasa lugar na nasa mataas ang peligrong mahawaan ay maaring makapagpasuri ng libre sa mga itinalagang lokasyon para sa pagsusuri.
Lokasyon para sa pagpapasuri
6 5 Sitwasyon na tumataas ang Peligro ng impeksiyon
- Mga pangkalahatang pagtitipun-tipon na may kasamang alak
- Mahabang oras na kainan/salu-salo sa malakihang pangkat/grupo
- Pag uusap-usap na walang suot na face mask
- Pagsasama-samang paninirahan sa isang masikip at maliit na lugar
- Paglipat ng lokasyon mula sa trabauhang lugar tungo sa pahingaang lugar