Pang-akademiko/ Daan para sa iyong kinabukasan ~Patnubay sa pagpili ng kurso 2023~Ano ang balak mo pagkatapos ng junior high school? ~
Magkakaroon ng patnubay para sa pagpili ng kurso para sa mga batang mag-aaral at sa mga magulang nito na hindi Nihongo ang sariling wika.[Gusto ko sanang magpatuloy ng pag aaral, mga anu-anong klaseng paaralan mayron kaya?] [Mga magkano kaya ang kakailanganing bayarin dito?] at iba pa.
May nakahandang gabay na isinalin sa iba't ibang wika at maglalahad din ng kaniya-kaniyang mga naging karanasan ang mga nakakataas na mag aaral na nasa mataas na paaralan na, kagaya ng patungkol sa pagsusulit sa pagpasok sa mataas na paaralan, scholarship, at iba pang mga impormasyong makakatulong sa iyo at sa iyong pamilya.
Halina at lumahok na!!
Detalye
- Pahayag Buhat sa nakatataas na mga Mag-aaral
- Patnubay sa Pagpili ng Kurso para sa Pagpasok sa Senior High School
- Q&A
Application Form
- Estudyante
Pangalan ng estudyante、Edad, Pangalan ng paaralan, Baitang/Grade, Nais na salin-wika/translation ng dokumento - Magulang. Tagapangalaga
Pangalan ng Magulang. Tagapangalaga, Kaugnayan, ang wika ng inyong interpreter - Address
- Numero ng Telepono
- Pinagmulang bansa
- Sa araw na ito ay may nakahandang tagapagsalin-wika/Interpreter sa wikang Portugal, Espanyol, Intsek, Inglis/English, Tagalog at Vietnam
- May nakahanda din na mga materyales na naayon sa inyong wika!
Ang konsultasyon hinggil sa katayuan ng visa (Osaka Immigration Bureau) ay sabay na ginaganap!
※ Mangyaring umiwas sa paglahok Kung ang temperatura ng katawan ay nasa 37.5 degree o mas mataas pa.
Paalala kung sakaling may darating na bagyo
Kung sakaling may babala patungkol sa bagyo (bofu keihou) sa「Lungsod ng Takashima. At iba pang hilagang bahagi sa lungsod ng Otsu」sa Prepektura ng Shiga sa alas siyete ng umaga (7am) sa Oktubre 22 (Linggo), ang ganap/event ay makakansela.Matatagpuan ang mga impormasyon sa homepage ng Ahensiya para sa Metereolohiko ng Japan
→Ahensiya para sa Metereolohiko ng Japan "KISHO-CHO"
Mga Detalye
Petsa at Oras
2023/10/22 (Sun)
13:30 - 16:00
Lugar
DANJO KYOUDOU SANKAKU CENTER [G-NET SHIGA]
10 minutong lakad mula estasyon ng JR Omihachiman
Address
80-4, Takakai-cho, Omihachiman-shi
Google Map
Bayad sa Paglahok
Libre
Makipag-ugnayan sa Amin
Para sa Katanungan |
Shiga Intercultural Association for Globalization (SIA)
Lun~Biy 8:30~17:15
|
---|---|
TEL |
077-526-0931
|
FAX |
077-510-0601
|
mitsuda@s-i-a.or.jp
|
|
URL |