Ipinahayag nitong ika-3 ng Abril taong 2020, ang paglabas ng kaso ng mga taong nahawaan sa parehong iisang lugar dito sa prepektura ng Shiga.
Upang mapigilan ang paglaganap, hinihingi po ang inyong kooperasyon na sundin ang 4 na tagubilin na ito.- Maari po lamang huwag pumunta sa mga lugar na kung saan may mataas na bilang ng mga nahawaang tao,kagaya sa mga lugar na Hokkaido, Saitama, Chiba, Tokyo, Kanagawa, Aichi, Kyoto, Osaka,Hyogo,at Prepektura ng Fukuoka.
- Upang makaiwas sa virus,ugaliing maghugas ng kamay,Ugaliing umubo at bumahing sa wastong pag aasal (may etiketa) 、Kumain ng mga wastong pagkain kumuha ng wastong tulog.
- Huwag pumunta sa mga lugar na 「Masyadong kulob/hindi maaliwalas」「Masyadong matao/siksikan」「Masyadong malapit/dikit-dikit」ang「3dapat tandaan」kung maari iwasan ang pagpunta sa mga lugar na ito kagaya ng mga kainan,mga lugar ng para sa pag karaoke,at mga lugar sa panggabing aliwan.
- Kung nakakaranas ka ng sintomas ng ubo,sipon at mataas na lagnat na mahigit 37.5℃ na patuloy ng mahigit 4 na araw, Mabigat ang katawan(sobrang kapaguran),kinakapos ng paghinga o nahihirapan huminga,Seguraduhing tumawag kaagad sa Sentro para sa mga nagbabalik bayan.at para doon sa mga taong nagkaroon ng malapitang pakikisalamuha sa mga taong nahawaan bago bumisita sa inyong lokal na pagamutan. Kung hindi nakakaintindi sa wikang hapon huwag mag atubiling tumawag sa Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga
Mula ngayon gagawin po namin ang lahat ng abot ng aming makakaya ang maipaabot sa inyo ang mga kinakailangang mga impormasyon . sa muli magtulungan po tayong gwin ang lahat sa abot ng ating makakaya.
Abril 3, 2020
MIKAZUKI Taizo Gobernador,Prepektura ng Shiga