Ang Pamunuang Pampamahalaang Nasyunal ay nagpahayag ukol sa Pagdeklara ng Estado ng Kagipitan(State of Emergency) para sa pitong ( 7 ) mga Prepektura:
Tokyo, Saitama, Chiba , Kanagawa, Osaka, Hyogo at Fukuoka.
Hindi kabilang dito ang Shiga.
Itinutuon po namin ito sa dalawang layunin upang mapigilan ang sitwasyon na maging Malala:
- Ipinapatupad ito upang maiwasan ang paglaganap ng Virus.
- Isinasaayos ang sistema upang makapagbigay ng pangangalagang pang-medikal na nakatuon doon sa mga pasyenteng may malubhang sintomas
- Iwasan ang pag punta sa mga lugar na may mataas na bilang ng may mga nahawaan lalong-lalo na sa mga lugar na ito. Tokyo, Saitama, Chiba, Kanagawa, Osaka,Hyogo at Fukuoka.
- Pangalagaan mabuti ang kalusugan upang makaiwas sa virus sa pamamagitan ng wastong paghugas ng kamay,wastong asal sa pag ubo at pagbahing at pagkuha ng wastong pagkain at pagtulog.
- Iwasang gumawa ng mga pangyayari na kung saan nakakalimutang sundin ang “Tatlong C” sa loob ng inyong pang araw-araw na pamumuhay pati na hanggang sa trabaho: Ang mga espasyo/lugar na masisikip at malapitan at kung nalalagay ka sa malapitang-pakikisalamuha sa ibang tao, umalis kaagad sa lugar na iyan.
- Kung maysroon kang sintomas ng ubo at sipon at lagnat na 37.5℃ na patuloy na tumagal ng 4 na araw o mahigit pa,matinding pagkapagod,parang nauubusan ng hininga at nahihirapang huminga.makipag-ugnayan lamang sa Sentro para sa mga Nagbabalik –bayan at sa mga taong nagkaroon ng malapitang-pakisalamuha sa mga taong may impeksiyon.
*Kung hindi kayo nakakapagsalita ng wikang hapon maari po kayong makipag-ugnayan sa Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga.
Magtulungan tayo at gawin po nating lahat ang atiing makakaya.
MIKATSUKI TAIZO Punong Goberndaor,Lalawigan ng Shiga
Abril 7, 2020
Desk ng konsultasyon
Sentro para sa mga nagbabalik-bayan at para sa mga taong nagkaroon ng malapitang-pakisalamuha sa mga taong may impeksiyon.
Tanggapan ng Parmasiya at Pag –iwas sa mga Nakakahawang Sakit, Kagawaran Para sa Pangangalaga ng Pampublikong Kalusugan at Kapakanan, Pampamahalaan Prepektura ng Shiga.Telepono: 080-2470-8042 (24/7, pati rin mga walang pasok na mga araw)
Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga
Telepono: 077-523-5646 (Karaniwang mga araw mula 10:00 a.m ~ 5:00 p.m)Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
(Nakahandang mga Wika : Inglis(English),Portugal, Espanyol, Tagalog, Vietnam, Indonesia,Intsek, Koreano, Thai, Nepal, Russia, Hindi)
Paalala po: Para sa mga katanungang may relasyon sa COVID-19,mangyaring tumawag po, o mag email,iwasan pong pumunta ng personal sa aming tanggapan.