Pinatupad ng Prepektura ng Shiga ang “Plano ng Shiga sa Pagharap sa Corona” at hinati ang mga bahagi nito sa tatlong antas mula sa maiging pagsubaybay ng sitwasyon para sa sapat na pagtugon tungkol sa “Pagpapatuloy ng mga gawaing pangangalakal” at sa “Mga hakbang na kailangan tahakin sa muling pagdami ng mga taong nahahahawa.” ayon sa mga antas na nilaan para dito.
Special Precautions Phase
- Dahil malaki ang panganib ng pagbagsak ng mga medikal na institusyon at malubhang paglaganap ng pagkahawa at mataas ang posebilidad ng pagkalat ng sakit sa lungsod, kailangan higpitan ang mga limitasyon ng mga aktibidad.
- Ang mga industriya at aktibidad na mahalaga para sa pamumuhay lamang ang pinapayagan na magpatuloy. Ang ibang hindi sakop nito ay pinapakiusapang na magtimpi.
- Kailangan ng pagbabago sa pagkilos (tuntuning 1/5) upang mabawasan ang Effective Reproduction Number ng 80%
- Ang antas na nagpapahiwatig ng panggamba na kumalat nag sakit sa loob o sa mga kalapit na prepektura at ay maaaring humantong sa malubhang paglaganap ng sakit at pagbagsak ng mga medikal na institusyon kung lumubha ang sitwasyon.
- Pagkahigpit ng limitasyon sa mga lugar at aktibidad na may mataas na panganib sa pagkalat, at bahagyang pag-lagay limitasyon sa mga lugar at aktibidad na may mababang panganib ng pagkalat.
- Kailangan ng pagbabago sa pagkilos upang mabawasan ang Effective Reproduction Number ng 50%
- Sapat na tumigil ang pagkalat ng sakit sa loob at labas ng prepektura at habang ipinapagpatuloy ang maliwanag na paghihipit sa aktibidad at pagiingat sa “tatlong siksik na lugar”
- Sa halip na bumalik sa normal na pamumuhay, ipagpatuloy ang mga ginagawang hakbang para sa pag-ingat tulad ng ng pag-iwas sa “tatlong siksik na lugar”, kumuha ng tamang distansya sa ibang tao, pagsusuot ng mga maskara, at masinsinang paghuhugas ng mga kamay.
- Kailangan ng pagbabago sa pagkilos upang mabawasan ang Effective Reproduction Number ng 30%