Para sa mga umaasam na mga ina na nagnanais na magpatingin para sa pagsusuri sa COVID-19 bago manganak
Gabay para sa tulong-pinansiyal para sa pagpapasuri ng impeksiyon( Virus) bago manganak doon sa mga nag aalalang mga umaasam na mga ina sa Prepektura ng Shiga
Sa Prepektura ng Shiga,ang mga umaasam na mga ina na nag aalala tungkol sa usapin sa kanilang kalusugan ay maaring magpatingin(komunsulta) sa kanilang piling doktor (obstetrician o kaya gynecologist) ,kung ninanais nilang magpasuri , magbibigay ng tulong-pinansiyal ang prepektura para doon sa mga gastusin sa pagpapasuri sa virus upang makumpirma kung hindi nahawaan ng COVID-19 bago sila manganak.Para sa mga taong nagpasuri ng COVID-19 nitong Abril 1, 2020 o Pagkatapos at sariling bayad lahat ng bayarin sa pagpatingin; maaaring sakupin at ibalik sa inyo ng Prepektura ng Shiga sa halagang aabot sa 20,000 yen kung magpapasa kayo ng aplikasyon sa lokal na pamahalaan sa Prepektura ng Shiga.
Mga Naangkop
Mga buntis na nagpasuri para malaman kung sila ay nahawaan o hindi ng COVID-19 at, ay walang sintomas para paghinalaan na mayroon silang coronavirus. Sa karaniwan, ito ay para doon sa mga nagdadalang tao na humigit-kumulang na ay nasa kanilang pang ika-35 linggo ng kanilang pagbubuntis ngunit ito ay maaring magbago depende sa pagpapasiya ng doktor.Hindi mahalaga kung saan nakatira ang umaasam ina
Mga nagdadalangtao na nakatanggap ng paliwanag sa pagsusuri (Form No. 1) at nagpasa ng papeles para sa pagsang-ayon sa pagsusuri (Form No. 2). Gayunpaman, Ang mga sasailalim ng pagsusuri hanggang Agosto 20, 2020 kahit walang papeles para sa pagsang-ayon ng pagsusuri ay maaari pa din makasali dito.
Naangkop na panahon
lahat ng nagpasuri nung Abril 1, 2020 o pagkatapos .Tungkol sa tulong-pinansiyal
Ang bayarin para sa pagpapasuri para makumpirma kung mayroon o walang COVID-19 bago manganak, ay aabot sa 20,000 yen para sa isang beses na pagsusuri sa bawat nagdadalang tao.Paraan ng pagpasa ng Aplikasyon:
Ipasa at isumite ang mga susunod na paples sa “Prepektura ng Shiga, Dibisyon ng Kalusugan at Pangkapakanan, Departamento ng Kahabaan ng buhay, Tagapangasiwa para sa paglaban sa kanser/ paglaban sa sakit/ kalusugan ng mag-ina.”Mga kailangan na papeles para sa aplikasyon
Para sa mga aplikante na sumailalim na sa pagsusuri at deriktang nakatanggap ng subsidyo ng bayarin(Nagpasiyasat ⇒ Magpasa ng aplikasyon sa prepektura)
- Porma para sa Aplikasyon (Form No. 3) *Makukuha mula sa mga institusyon medikal para sa pagpapaanak( klinika ng Ob Gyn) , tanggapan ng Kalusugan ng Mag-ina sa munisipyo, Sentro ng Pangkalusugan, at homepage ng lokal na pamahalaan ng prepektura ng Shiga
- Resibo mula sa mga organisasyong nagpapatupad para sa pagsusuri (orihinal) ※Porma pang Aplikasyon - Kapag hindi nakasaad sa (Form No. 3 “Patunay ng mga Gastusin para sa Pagsusuri”)
- Kopya ng pasbuk ng bangko na huhulugan ng pondo (Mga pahina kung saan malalaman ang numero ng account at numero ng sangay/branch ng bangko)
* Pangalan ng sumailalim sa pagsusuri, katunayan ng singil sa pagpasuri ng PCR, petsa ng pagsusuri, Resibo ng halagang ibinayad, petsa ng pagbayad, pangalan ng medikal na institusyon, at marka(seal) ng patunay sa pagbayad.
Para sa mga sumailalim sa pagsusuri at siningil o pinagbayad ng institusyon para sa pagsusuri (Institusyon ng pagsusuri ⇒ Isisingil sa prepektura)
- Porma para sa Aplikasyon (Form No. 3)
- Invoice(listahan ng bayarin) (Form No. 4)
- Listahan ng mga tagapag-suri ng virus (Form 5))
Hangganan ng aplikasyon
Hanggang Marso 31, 2021※ Kung ikaw ay magpapasuri sa Marso 2021 maari kang magpasa ng aplikasyon hanggang Abril 30 2021 (Biyernes)
Pagpapasa at mga Tanggapan
Prepektura ng Shiga, Dibisyon ng Kalusugan at Pangkapakanan, Departamento ng Kahabaan ng buhay, Tagapangasiwa para sa kontra - kanser/ kontra- sakit/ kalusugan ng mag-ina4-1-1 Kyomachi, Lungsod ng Otsu, Prepektura ng Shiga 520-8577
TEL 077-528-3653 FAX 077-528-4857
Mail eg0002@pref.shiga.lg.jp
(Hinayag: Agusto 2020)