Huwag nang lumabas Kung hindi naman kinakailangan, kung maari iwasan ang pagpunta sa mga lugar/rihiyon na may mataas na antas ng pagkalat ng impeksiyon.
Ang bilang ng mga taong nahawaan sa sakit na COVID-19 ay hindi bumababa sa buong bansa.Bilang karagdagan, ang bilang ng mga pasyenteng nahawaan sa karatig-bayan sa Prepektura ng Kyoto ay tumataas ang antas.
Kung kaya, dito sa Prepektura ng Shiga, muli kong hinihingi ang atensiyon ng lahat ng mga mamamayan ng Prepektura.
- Kung maari maingat na ipatupad ang mga pangunahing hakbang sa pagkontrol sa impeksyon.
- Kung maaari iwasan ang huwag nang lumabas kung hindi naman kinakailangan, kagaya ng pagkain sa labas, lumabas at mamasyal sa mga lugar/rehiyon na tumataas ang antas ng paglaganap ng impeksiyon, kasama na dito ang Osaka at Kyoto.
- Papalapit na tayo sa bakasyon, gayunpaman, seguraduhin natin na panatilihin ang mga hakbangin-iwas impeksiyon upang ang panahon ng bakasyon natin ay maging mapayapa. ・Kung sakaling makikipagkita sa taong hindi mo palaging nakakasama, seguradhing alamin muna ang kondisyon ng kalusugan ng bawat isa bago makipagkita
Ika-15 ng Disyembre 2020
Taizo Mikazuki Gobernador ng Prepektura ng Shiga