Upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon ng bagong coronavirus, mangyaring pakatandaan ang mga sumusunod kung mayron mga kaganapan tulad ng piyesta, mga salu-salo at iba pang mga pagtitipon-tipun.
- Hangga't maaari, pigilan ang pagdalo sa mga kaganapan at sa mga pagsasalu-salo na kung saan hindi lubusang nasusunod ang mga pangunahing hakbang para sa pag iwas sa impeksiyon. Partikular na , sa mga lugar kung saan malamang na mangyari ang siksikan kasama pa ang malalakas na usapan(maingay). hanggat maari pigilan ang pakikilahok sa mga kaganapan, mga pagdiriwang, atbp.
- Kapag nakikilahok sa mga kaganapan at sa mga iba pang mga pagtitipun-tipon, gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang maiwasan ang impeksyon, tulad ng pagtiyak sa naaangkop na interpersonal na distansiya, pagdidisimpekta ng mga kamay at daliri, pagsusuot ng mga maskara, at pagpigil sa pagsasalita nang malakas.
- Hangga’t maari isaalang-alang ang mga katangian ng kaganapan, Mangyaring kontrolin ang sobrang pagiinom o pag iinom sa malalim na ng gabi sa mga bahay aliwan, sa mga lansangan at restawran, at ang pakikilahok sa mga kaganapan pagkatapos na at marami na ang nainom na alak.
- Isaalang-alang ang mga bagong pamamaraan upang masiyahan ka sa iyong pamumuhay, tulad ng paglaan ng oras sa iyong pamilya sa bahay o pagdalo sa mga online na kaganapan kung kinakailangan.