Batay sa kasalukuyang sitwasyon ng impeksiyon sa nobelang coronavirus sa Prepektura ng Shiga ang antas ng babala ay tumaas mula sa pangalawang yugto papuntang pangatlong yugto kabilang sa 4 na yugto nito.
Mangyaring sundin ang mga pangunahing hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon
Mangyaring sundin ang mga pangunahing hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon
1 Mga Masusing hakbang- laban sa impeksyon
- Sundin ang mga pangunahing hakbangin sa pag iwas- impeksyon. (Paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng maskara, pag-iwas sa tatlong siksik na sitwasyon)
- Sa mga tahanan, sanaying ipatupad ang wastong pag uugali sa pag-ubo, panatilihin ang bentilasyon at mahalumigmig ang lugar, at disimpektahin ang mga kalatagan na karaniwang ginagamit ng pangkalahatan katulad ng sa mga hawakan ng pintuan.
- Magkaroon ng kamalayan sa "limang sitwasyon" kung saan tumataas ang peligro ng impeksyon kapag nakipag-ugnay sa ibang mga tao bukod sa iyong pamilya (pagtitipon-tipun na may kasamang kainan at inuman, magkakasamang pamumuhay sa iisang lugar kagaya ng mga dormitoryo, pangkalahatang lugar na ginagamit kagaya ng silid pahingaang lugar/pangkalahatang silid, atbp.) Lalong-lalo na, iwasan ang paghihiraman ng mga baso at chopstick, magsuot ng maskara habang nag-uusap-usap at kahit na nasa hapag kainan.
- Mas maibayong pag iingat kung maglalakbay sa mga lugar/rehiyon kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga nahawaang tao.
- Mangyaring magpahinga at magpagaling sa inyong tahanan kung may mga sintomas katulad ng lagnat.
- Mangyaring gamitin ang apps para sa pag iwas- impeksyon sa bagong nobelang coronavirus kagaya ng [Moshi-sapo Shiga] at ang apps na nagkukumpirma kung nagkaroon ng pakipag-ugnayan [COCOA] Tungkol sa「Moshi-sapo Shiga」
Tungkol sa Apps na nagkukumpirma kung nagkaroon ng pakikipag-ugnayan「COCOA」
2 Paglalabas-labas
- Mangyaring iwasan ang pagbiyahe sa Kyoto at Osaka kung saan ipinapatupad ang masusing pag iingat upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon at iwasan ang hindi naman kinakailangan at hindi mahahalagang lakad sa mga lugar/rehiyon na laganap ang impeksiyon
3 Tungkol sa salu-salo(kainan)
- Hindi alintana ang pagkain sa loob o sa labas ng bahay, kumain kasama ang mga miyembro ng pamilya at ang madalas na makaugnayang mga tao. Mangyaring iwasan ang mga pagtitipon-tipun patikular na ang mga salu-salo/kainan.
- Iwasan kumain sa Kyoto at Osaka kung saan ipinapatupad ang Pangunahing hakbangin upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon at sa mga lugar/rihiyon kung saan laganap ang impeksiyon.
4 Limang sitwasyon kung saan tumataas ang peligro ng impeksyon
- Pagtitipon-tipun na may kasamang inuman(alak)
- Mahabang oras na salu-salo sa maramihang tao
- Paguusap-usap na walang suot na maskara
- Pamumuhay na magkakasama-sama sa maliit at masikip na lugar
- Paglipat mula sa lugar ng trabaho papunta sa lugar ng pahingaan, atbp.