Hango sa kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 sa Prepektura ng Shiga, ang antas ng alertong babala na mayroong 4 na antas ay ibinaba mula sa 3 antas patungong 2 antas.
Hinihingi po ang pakikipagtulungan ng lahat upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.Mangyaring iwasan ang pagbiyahe sa mga lugar/rehiyon na nasa ilalim ng estado ng kagipitan (state of emergency) at sa mga lugar/rihiyon na hanggat maari inuuna ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbangin-iwas impeksiyon.
Mangyaring gumawa ng paraan upang mabawasan ang peligro na mahawaan ng impeksiyon sa panahon ng kainan/salu-salo!
Mangyaring iwasan ang pagpunta sa mga kainan/salu-salo sa mga lugar/rehiyon na nasa ilalim ng estado ng kagipitan (state of emergency) at sa mga lugar/rihiyon na hanggat maari inuuna ang mahigpit na pagpapatupad sa mga hakbangin-iwas impeksiyon.
Hinihingi po ang pakikipagtulungan ng lahat upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
1 Gumawa ng masusing hakbang upang makaiwas- impeksiyon.
- Tiyakin ang mga pangunahing hakbang sa pag -iwas-impeksiyon
(Maghugas ng kamay, Magsuot ng face mask, Umiwas sa 3C’s na mga siksik.)
- Sa loob ng tahanan, ugaliin ang wastong tuntunin sa pag ubo, Panatilihing maaliwalas at madalasang bentilasyon ang lugar, dis-impektahan ang ibabaw ng mga lugar na ginagamit ng pangkalahatan tulad sa mga hawakan ng pintuan kahit na nasa loob ng bahay.
- Maibayong pag iingat sa 「Limang sitwasyon」 na makakadagdag-peligrong mahawaan kung makikipag ugnayan sa ibang mga tao maliban sa kapamilya (sa mga kainan, mga tirahan na magkakasama-sama tulad ng mga dormitoryo, mga pampublikong lugar katulad ng mga pahingaang lugar/ kuwarto at iba pa.) Lalong-lalo na iwasan ang sama-samang paggamit ng mga baso at ng iba pang mga kagamitan. At magsuot ng face mask habang nag uusap-usap kahit na nasa oras na ng hapag-kainan.
- Mas pag- ibayuhin pa lalo ang pag iingat kung pupunta sa mga lugar kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga taong may impeksiyon.
- Manatili at magpagaling sa loob ng tahanan kung nakakaranas kayo ng mga sintomas kagaya ng lagnat.
- Gamitin ang Apps para sa pag iwas-impeksiyon sa COVID-19 tulad ng “Moshi-sapo Shiga” at ang Apps sa pagkumpirma kung nagkaroon ng malapitang kontak na (Contact Confirming App) “COCOA”.
2Tungkol sa paglabas-labas
3Tungkol sa mga kainan/salu-salo
4 Limang(5) sitwasyon na makakapagdagdag- peligrong maimpeksiyon.
- Mga pangkalahatang pagtitipun-tipon na may kasamang alak
- Mahabang oras na kainan/salu-salo sa malakihang pangkat/grupo
- Pag uusap-usap na walang suot na face mask
- Pagsasama-samang paninirahan sa isang masikip at maliit na lugar
- Paglipat ng lokasyon mula sa trabauhang lugar tungo sa pahingaang lugar