Batay sa kasalukuyang sitwasyon sa impeksiyon ng nobelang coronavirus sa Prepektura ng Shiga mula sa 4 na antas ng pag iingat na yugto , tumaas ang antas ng babala mula sa pangalawang yugto papuntang pangatlong yugto ng pag iingat.
Mangyaring sundin ang mga pangunahing hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon
Mangyaring sundin ang mga pangunahing hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon
1Pangunahing hakbangin- kontra- impeksyon
- Tiyaking sundin ang mga pangunahing hakbangin sa pag iwas- impeksyon. (Paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng maskara, pag-iwas sa tatlong siksik na sitwasyon)
- Sa mga tahanan, sanaying ipatupad ang wastong pag uugali sa pag-ubo, panatilihin ang bentilasyon at mahalumigmig ang lugar, at disimpektahin ang mga kalatagan na karaniwang ginagamit ng pangkalahatan katulad ng sa mga hawakan ng pintuan.
- Mas maibayong pag iingat kung maglalakbay sa mga lugar/rehiyon kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga nahawaang tao.
- Mangyaring magpahinga at magpagaling sa inyong tahanan kung may mga sintomas katulad ng lagnat.
- Mangyaring ipagpatuloy ang pangunahing hakbangin kontra- impeksyon kahit na tapos ng mabakunahan.
- Gamitin ang mga sumusunod na Apps para makaiwas-impeksiyon sa COVID-19「Moshi-sapo Shiga」、at「COCOA」na nagkukumpirma kung nagkaroon ng deriktang ugnayan Tungkol sa「Moshi-sapo Shiga」
Tungkol sa Apps na nagkukumpirma kung nagkaroon ng deriktang pakikipag-ugnayan na COCOA
2 Tungkol sa paglabas-labas
- Mangyaring iwasan ang pagbiyahe sa mga lugar/prepektura kung hindi naman mahalaga o kinakailangan.
3 Tungkol sa pagbisita/pagbabalik -probensiya
- Piliin natin ang "Huwag pumunta", "Huwag tawagin", o "Ipagpaliban na muna" ngayong tag-init.
- Tawagan ang mga kapamilya na nagbabalak umuwi
4Tungkol sa Salu-salo at Karaoke
- Kung magkakaroon ng pagsasalu-salo, gawin ito sa tahanan o doon sa mga sertipikadong kainan kung saan tumutugon sa mahigpit na pagpapatupad sa mga hakbangin kontra-covid 19
- Kung maari iwasan ang mga pagsalu-salo at karaoke sa mga lugar na napapailalim sa Estado ng kagipitan/ Emerhensiya at sa mga lugar kung saan pangunahing ipinapatupad ang pag-iwas-impeksiyon tulad ng iwas-sakit na pamantayan.
- Tiyaking gumawa ng masusing hakbang sa pag-iwas impeksiyon sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask habang nagkakara karaoke.
5 At iba pa
- Pansamatalang pagpasara ng paradahan ng parke sa may baybayin ng Lawa ng Biwa(Biwako) mula (Agosto 7 hanggang ika-31)
- Pansamatalang pagpatigil sa panibagong pagbenta ng mga tiket ng kampanyang ・「Ima koso Shiga wo tabishou/Ngayon na maglakbay tayo sa Shiga」
- Pansamatalang pagsuspinde→ sa bagong pagtanggapan ng subsidyong pang upa sa mga negosyong sports cycle
- Mangyaring iwasan ang paggamit sa mga suspendidong bagong inilabas at sa mga nabiling tiket para sa pagkain ng kampanyang “Go to Eat”.
6 5 Sitwasyon kung saan tumataas ang peligro na mahawaan.
- Pagtitipon-tipun na may kasamang inuman (alak)
- Mahabang oras na salu-salo sa malakihang grupo
- Pag uusap-usap na walang suot na Maskara
- Pamumuhay na magkakasama-sama sa maliit at masikip na lugar/espasyo
- Paglipat mula sa lugar ng trabaho papunta sa lugar ng pahingahan.