Ipinapaalam ng prepektura na mula sa ika-7 ng Setyembre (Martes) ay sisimulan na ang pagbibigay ng bakuna ng AstraZeneca, kagaya ng sumusunod.

(1)Simula

Mula sa ika-7 ng Setyembre (Martes), 2021

(2) Araw at oras

Tuwing Martes, mula ika-3 ng hapon(1 beses sa 1 linggo)

(3) Pagdarausan

Shiga general hospital Health creation center
(5-4-30 Moriyama, Lungsod ng Moriyama)

(4) Maaring tumanggap

  • 18 taong gulang o pataas
  • Mga nakatira sa prepektura at may hawak ng vaccination voucher galing sa munisipyo
  • Mga naaayon sa isa sa dalawa
  • a Mga hindi maaring tumanggap ng bakunang mRNA (gawa ng Pfizer, Takeda/Moderna) dahil sa alerhiya sa sangkap na polyethylene glycol, atbp.
    b Ang mga nakatanggap na ng bakuna ng AstraZeneca ng 1 beses sa ibang bansa

(5) Simula ng pagpareserba

Mula sa ika-1 ng Setyembre, 2021(Miyerkules)

(6) Paraan ng pagpareserba

Buksan ang ‘site’ ng reserbasyon na naka-link sa ‘home page’ ng prepektura. Sa ngayon, sa internet lamang maaring mag-pareserba. (Salitang Hapon lamang)
Homepage ng prepektura  Tungkol sa pagpapabakuna ng AstraZeneca

(7) Paunawa

Ang bakuna ng AstraZeneca ay maaaring ibigay sa mga may edad na 40 taong gulang o higit pa, ngunit dahil sa posibleng tumanggap sa malawakang pagpapabakuna ng prepektura (bakunang gawa ng Takeda/Moderna), kagaya ng nasa itaas sa bilang: (4) “Maaring tumanggap”: Ang mga may edad na 40 taong gulang o higit pa na hindi naaayon sa mga nakasulat ay hindi maaring tumanggap ng bakuna.