Mula Enero 28, 2022, ang pamantayan para sa pagpahinto ng medikal na paggagamot para sa mga pasyenteng may impeksyon sa COVID-19 at ang panahon ng paghihintay(pagbubukod) para sa mga may malapitang-nakasalamuha ay binago.
Ito ay inilalapat sa mga may malapitang- nakasalamuha at walang sintomas na mga pasyente na sumasailalim sa medikal na paggagamot sa parehong araw.
Sa alinmang kaso, hanggang sa lumipas ang 10 araw, kakailanganin mong suriin ang iyong kalagayan sa kalusugan nang mag-isa, iwasang gumamit at kumain sa mga lugar na may mataas na peligrong mahawaan at magsuot ng maskara upang maiwasan ang impeksyon.
Panahon ng paghihintay (quarantine period) para sa may malapitang-nakasalamuha
- Ang panahon ng paghihintay (pagbubukod) para sa mga may malapitang-nakasalamuha ay kakanselahin sa ika-8 araw pagkalipas ng 7 araw mula sa huling petsa ng pagkakalantad (pagkaroon ng malapitang-pakikisalamuha sa mga nag-positibong tao, atbp.)
- Tanging ang mga tagapagpanatili ng tungkuling panlipunan (essential workers) ang makakakansela ang paghihintay kahit na ang pagsusuring gamit ay ang antigen qualitative test kit sa ika-4 at ika-5 araw na nagpapakita ng negatibong resulta nang hindi naghihintay ng 7 araw.
Pamantayan para sa pagkansela ng medikal na paggamot para sa mga pasyenteng walang sintomas
- Ang pamantayan para sa pagkansela ng medikal na paggamot para sa mga pasyenteng walang sintomas ay 7 araw na ang lumipas mula sa petsa ng pagkolekta ng sample, at maaaring kanselahin ang medikal na paggamot sa ika-8 araw.
- Walang pagbabago para sa mga may sintomas.