Simula sa ika-8 ng Mayo, ang COVID-19 ay itinalagang nauuri sa pang-ika 5 na klase ng sakit. Sa gayon ang mga sumusunod ay naangkop.

Pagkulong sa sarili

wala

Panahon para sa pagpapagaling (Pasyente)

Mga rekomendasyon: Iwasan lumabas simula sa 0 na araw (unang araw ng sintomas) hanggang sa pang ika-5 na araw ng impeksiyon, o kaya pagkatapos ng 24 oras pagkatapos bumaba ang sintomas.
※Mangyaring magsuot ng mask at iwasan makipag ugnayan ng 10 araw sa mga taong may mataas na peligro na mahawaan.

Panahon para sa paghihintay ng mga taong nagkaroon ng malapitang-ugnayan

Wala (「hindi na nauuri ang malapitang-ugnayan)

Bahagian ng mga gastusin para sa pagpapagamot

Responsabilidad ng pasyente ang bayarin sa unang pagbisita sa pagamutan at bayarin sa pagpapasuri, ang mga bayarin para sa gamot at sa pagpapagamot, mga bayarin para sa pagpapagamot at sa mga iniresetang gamot para sa COVID-19, at sa mga iba pang bayarin sa pagpapaospital.

【Tungkol sa iba’t ibang tanggapan ng Konsultasyon】

Para sa mga taong may lagnat, masakit ang lalamunan o iba pang mga sintomas.

Pagpapasuri at Sentro ng Konsultasyon (Jushin Soudan Senta)
TEL 077-528-3621
Araw-araw 24 Oras

Para sa mga taong lumala ang kondisyon habang nagpapagaling sa tahanan

Sentro ng Suporta para sa mga nagpapagaling sa tahanan (Jitaku Ryouyou-sha nado Shien Senta)  
TEL 077-574-8560 
Araw-araw 24 Oras

Para sa mga taong nagkasakit ang anak /mga anak

Konsultasyon sa Telepono ng Emerhensiyang- Pedyatrika  (Shouni kyoukyou Denwa Soudan)
TEL #8000 o kaya (077-524-7856)
Karaniwang araw・Sabado 6:00 p.m. ~ 8:00 a.m. ng sunod na araw Linggo at Bakasyon 9:00 a.m. ~ 8:00 a.m. ng sunod na araw

Para sa mga taong patuloy na sumama ang pakiramdam pagkatapos ng Pagbabakuna

Shiga COVID-19 Vaccine Contact Center (Shingata korona uirusu wakuchin senmon soudan madoguchi)
TEL 077-528-3588
Araw-araw 9:00 a.m. ~6:00 p.m.

〇 Kontak na Impormasyon at Sanggunian para sa mga taong hindi nakakaintindi ng Nihongo.

Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga (Shiga Gaikokujin Soudan Senta)
  (Lunes~Biyernes 10 a.m. ~ 5 p.m. ※Sarado sa araw ng Sabado, Linggo at walang pasok na mga araw)
  TEL: 077-523-5646
  FAX: 077-510-0601
  Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
  URL: https://www.s-i-a.or.jp/counsel