※Nakasalalay ang sitwasyon sa magiging dulot ng katayuan ng COVID-19,maari itong ipahinto o maaring baguhin ang ilang nilalaman nito.Sa kasong iyon,ipapaalam namin sa pamamagitan ng website na ito.

Pang-akademiko/ Daan para sa iyong kinabukasan~Patnubay sa pagpili ng kurso 2020 ~Ano ang balak mo pagkatapos ng junior high school? ~

Magkakaroon ng patnubay para sa pagpili ng kurso para sa mga batang mag-aaral at sa mga magulang nito na hindi Nihongo ang sariling wika .
[Gusto ko sanang magpatuloy ng pag aaral, mga anu-anong klaseng paaralan mayron kaya?] [Mga magkano kaya ang kakailanganing bayarin dito?] at iba pa. May nakahandang gabay na isinalin sa iba't ibang wika at maglalahad din ng kaniya-kaniyang mga naging karanasan ang mga nakakataas na mag aaral na nasa mataas na paaralan kagaya ng patungkol sa pagsusulit sa pagpasok sa mataas na paaralan, scholarship, at iba pang mga impormasyong makakatulong sa iyo at sa iyong pamilya.
Halina at lumahok na!!

Detalye

  1. Pahayag Buhat sa nakatataas na mga Mag-aaral
  2. Patnubay sa Pagpili ng Kurso para sa Pagpasok sa Senior High School
  3. Qs&As
Paraan ng paglahok
Mangyari lamang na isulat ang mga kinakailangang impormasyon sa application form/porma ng aplikasyon na nakasaad sa likod nito at ipadala sa pamamagitan ng fax o ipadala ang nasabing impormasyon sa pamamagitan ng e-mail.
  • Pangalan ng estudyante
  • Edad
  • Pangalan ng paaralan
  • Baitang/Grade
  • Bilang ng lalahok(Matanda_isa、Bata_isa)
  • Mobile phone number, Email
  • Wika: Filipino/ Tagalog
  • Mga nilalaman ng tanong
Huling araw para sa maagang pagpapatala
Oktubre 2 (Biyernes)
※Pakitandaan po,ngayong taon kung hindi nakapagpatala ay hindi po maaring makasali . Seguraduhing magpatala ng maaga bago matapos ang palugit na araw..
Iba pa
  • May nakahandang mga interpreter/tagapagsalin ng salita.
  • Magbibigay kami ng mga dokumentong isinalin sa iba't ibang wika!

Mga Detalye

Petsa at Oras

2020/10/11 (Sun)
13:30 - 16:00

Lugar

G-NET Shiga
10 minuto kung lalakarin mula JR Omihachiman station

Address

80-4 Takakaicho, Omihachiman City, Shiga Prefecture
Google Map

Bayad sa Paglahok

Libre

Makipag-ugnayan sa Amin

Para sa Katanungan
Shiga Intercultural Association for Globalization (SIA)
TEL
077-526-0931
FAX
077-510-0601
Email
mitsuda@s-i-a.or.jp
URL