Ito ay upang maabisuhan ang lahat na ang estado ng kagipitan /emerhensiya ay tatanggalin na sa pagtatapos ng araw ng Setyembre 30.
Patungkol naman sa kasalukuyang sitwasyon ng impeksiyon sa COVID-19 sa Prepektura ng Shiga, ang antas ng pag iingat ay bumaba na mula sa antas 4 papuntang antas 3 sa loob ng 4 na antas ng pag iingat.
・Tiyakin sundin ang pangunahing mga hakbang sa pag-iwas-impeksiyon kahit na tinanggal na ang estado ng kagipitan/emerhensiya.
Mangyaring tumanggap ng pagpapabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobiyo/virus. Mangyaring ipagpatuloy ang mga hakbangin sa pag-iwas-impeksyon kahit na matapos ng mabakunahan.
Hinihingi po ang inyong patuloy na pakikipagtulungan upang maiwasan ang ang pagkalat ng impeksiyon

Mahigpit na pagtupad sa pangunahing mga hakbang sa pag iwas-impeksiyon

  • Mahigpit na pagtupad sa pangunahing mga hakbang sa pag iwas-impeksiyon
  • (Paghugas ng kamay, pagsuot ng Mask, Pagsunod sa 3 masiksik na sitwasyon at iba pa.)
  • Kahit na nasa loob ng tahanan, sundin ang ang wastong pag uugali sa pag ubo, panatilihing maaliwalas at mahalumigmig ang lugar,at disimpektahan ang mga hawakan ng mga pintuan at ang mga ibabaw ng mga bagay-bagay.
  • Masusing pag iingat sa 5 na sitwasyon kung saan tumataas ang pagkakatong mahawaan kung makikipag ugnayan sa mga taong labas sa inyong pamilya (tulad ng, sa mga panahon ng kainan o mga salu-salo, o sa mga silid pahingaan).
  • Lalong -lalo na maging mas maingat, iwasan ang pagsama-samang paggamit ng mga baso o chopstick, at magsuot ng mask sa oras ng pag uusap-usap kahit na sa oras ng kainan
  • Mag iingat lalo sa mga lugar kung saan may nakumpirmang mga kaso.
  • Kung nilalagnat o nakakaranas ng mga iba pang sintomas, manatili sa inyong tahanan at magpahinga.
  • Ipagpatuloy ang pagsunod sa pangunahing mga hakbangin sa pag iwas-impeksiyon kahit tapos ng mabakunahan.
  • Gamitin ang ang mga Apps para sa pag iwas-impeksiyon 「Moshi-Sapo Shiga」 at 「COCOA」

Paglabas-labas

  • Maibayong pag iingat kung lalabas sa mga hindi naman kailangan at hindi mga mahahalagang lakad!
  • Iwasan ang paglabas-labas sa pagitan ng mga prepektura kung hindi naman ito mahahalagang lakad, kung hindi naman kailangan na kailangan.

Tungkol sa Pagkain

  • Hindi alintana ang kainan sa loob ng bahay o sa labas, kumain kasama ang mga taong karaniwang nakakasama mo tulad ng mga taong kasama mo sa bahay!.
  • Kumain sa mga kainan/restawran na sertipikadong nagpapatupad ng mga hakbangin-pangkaligtasan.

Mga kainan/restawran na binawasan ang oras sa pagpapatakbo ng negosyo

  • Tinanggal na rin ang panukalang-paghihigpit para sa pagpabawas sa takbo ng oras ng negosyo at sa pagbabawal sa pag alok ng mga inuming alak

at iba pa

  • Magtutuloy-tuloy na ang pagbubukas ng mga pang-prepekturang mga pasilidad (simula Oktubre 1)
  • Magbubukas din ang mga paradahan ng liwasan na malapit sa baybayin ng Lawa Biwa (simula Oktubre 1)
  • Kung ang antas ng pag iingat ay bumaba na sa pangalawang antas ang “kampanya para sa “Tara maglakbay tayo ngayon sa Shiga” -> ay ipagpapatuloy
  • Ang programang tulong-pinansiyal para sa pag-arkila ng Bisikleta -> ay ipagpapatuloy kapag ang antas ng pag-iingat ay ibinaba sa pangalawang antas
  • Ang kampanya para sa “Go to Eat” -> ay magpapatuloy kapag ang antas ng pag-iingat ay bumaba na sa pangalawang antas sa mga kumpirmadong-sertipikadong mga tindahan na nagsasaalang-alang sa kaligtasan at kalagayan ng impeksiyon