Hango sa kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 sa Prepektura ng Shiga, ang antas ng alertong babala na mayroong 4 na antas ay ibinaba mula sa 2 antas patungong 1 antas.
Hinihingi po ang pakikipagtulungan ng lahat upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
Hinihingi po ang pakikipagtulungan ng lahat upang maiwasan ang paglaganap ng impeksiyon. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
1Magpatupad ng masusing mga hakbangin upang makaiwas- impeksiyon.
- Tiyakin ang mga pangunahing hakbangin sa pag -iwas-impeksiyon (Maghugas ng kamay, Magsuot ng face mask, Umiwas sa 3C’s na mga siksik.)
- Sa loob ng tahanan, ugaliin ang wastong tuntunin sa pag ubo, Panatilihing maaliwalas at madalasang bentilasyon ang lugar, dis-impektahan ang ibabaw ng mga lugar na ginagamit ng pangkalahatan tulad sa mga hawakan ng pintuan kahit na nasa loob ng bahay.。
- Maibayong pag iingat sa 「Limang sitwasyon」 na makakadagdag-peligrong mahawaan kung makikipag ugnayan sa ibang mga tao maliban sa kapamilya (sa mga kainan, mga tirahan na magkakasama-sama tulad ng mga dormitoryo, mga pampublikong lugar katulad ng mga pahingaang lugar/ kuwarto at iba pa.) Lalong-lalo na iwasan ang bahagiang paggamit ng mga baso at ng iba pang mga kagamitan. At magsuot ng face mask habang nag uusap-usap kahit na nasa oras na ng hapag-kainan.
- Mas pag ibayuhin pa lalo ang pag iingat kung pupunta sa mga lugar kung saan nakumpirma ang mataas na bilang ng mga taong may impeksiyon.
- Manatili at magpagaling sa loob ng tahanan kung nakakaranas kayo ng mga sintomas kagaya ng lagnat.
- Ipagpatuloy ang pagtupad sa pangunahing mga hakbangin-iwas impeksiyon kahit na tapos ng mabakunahan.
- Gamitin ang Apps para sa pag iwas-impeksiyon sa COVID-19 tulad ng “Moshi-sapo Shiga” at ang Apps sa pagkumpirma kung nagkaroon ng malapitang kontak na (Contact Confirming App) “COCOA”.
2 Tungkol sa Pagsasalu-salo
- Kung magsasalu-salo kumain sa mga kainan na sertipikado para sa kaligtasan iwas -impeksiyon mula sa corona.
- ・ Mangyaring gumawa ng mga paraan upang mabawasan ang panganib mula sa impeksyon, tulad ng pagsuot ng maskara pagkatapos kumain
3 at iba pa
- Go to Eat Kinansela ang pagpatigil sa paggamit ng mga tiket sa pagkain. Sisimulan itong gamitin sa mga sertipikadong mga tindahan lamang simula Oktubre 30.
Ang pagpalabas sa mga bagong ibebentang mga tiket ng pagkain ay naka-iskedyul para sa kalagitnaan ng Nobyembre
4 5 na sitwasyon na tumataas ang peligro na mahawaan ng impeksiyon
- Pagsasalu-salo na may kasamang inuming alak.
- Mahabang oras ng pagsasalu-salo sa malakihang grupo.
- Pag uusap -usap na walang suot ng mask.
- Pagsasama-samang paninirahan sa maliit na lugar.
- Paglipat ng lokasyon tulad ng mula sa lugar ng trabauhan patungo sa lugar ng pahingahan.