Sa mga hindi tumutugon sa pag-aabiso ng pagkahawa simula sa ika-26 ng Setyembre, 2022, matapos magpatingin sa institusyong medikal, upang malaman ang kalagayan sa pamamagitan ng sariling pagpapasa, at upang mabilis na maitulay ang kinakailangang pagpapagaling at tulong, bubuksan ang “Shiga Prefecture COVID-19 Post-diagnosis Notification Window”.

Gabay sa Shiga Prefecture COVID-19 Post-diagnosis Notification Window (PDF)

1.Tungkol sa pangkalahatang pagrebisa ng pag-abiso (mga pagbabago sa pagtanggap ng abiso mula sa institusyong medikal)

Ito ay para lamang sa mga abiso sa Health center na mula sa mga institusyong medikal, kung saan nasuring nahawa sa COVID-19 ang isa sa mga sumusunod.
  • Mga nasa 65 taon gulang pataas
  • Mga nangangailan na maipasok sa ospital
  • May panganib ng paglala ng mga sintomas at nangangailang uminom ng gamot para sa COVID-19, o may panganib ng paglala ng mga sintomas, at, dahil sa COVID-19 ay nangangailangan ng “oxygen”
  • Mga nagdadalang tao
At sa mga hindi tumutugon sa isa sa mga ito na hindi nag-abiso, upang malaman ng Prepektura ang kalagayan at maitulay ang kinakailangang pagpapagaling at tulong, kakailanganin ang sariling pagpasa.

2.Mga kailangan magpasa sa tanggapan

Sa mga nasuri sa institusyong medilkal na nahawa sa COVID-19, kailangang magpasa ang mga may nakasulat na “hindi tumutugon” sa pag-abiso, sa ‘Bahaging para sa mga institusyong medikal’ ng “Para sa mga nasuring nagpositibo sa COVID-19” na papel na inabot ng institusyong medikal.
  • Mga may nakasulat na “hindi tumutugon” sa pag-abiso ⇒ Kailangang magpasa sa sarili.
  • Mga may nakasulat na “tumutugon” sa abiso ⇒ Dahil ang institusyong medikal ang mag-aabiso sa Health center, hindi kailangang magpasa.

3.Paraan ng pagpasa (Wikang Hapon lamang)

Magpasa gamit ang “Application form” na nakapaskil sa “website” ng Prepektura ng Shiga (bukas ng 24 oras) sa ibaba.
Sa oras ng pagpasa, kakailanganin ang pagrehistro ng litrato ng papel na natanggap noong nagpasuri sa institusyong medikal at dokumento ng sariling pagkakakilanlan (ID).

Mga kailangang dokyumento sa pagpasa

(1)Dokumento ng sariling pagkakakilanlan (ID)

Isa sa mga sumusunod (Kailangan ng pag-“upload” ng litrato na matutukoy ang buong pangalan at petsa ng kapangankan)
  • Lisensya ng pagmamaneho, My Number Card (harapan lamang)
  • Health insurance card, Pension handbook, Pension Certificate
  • Pasaporte, Residence card, Special Permanent Resident Certificate, Driving Record Certificate
  • *Para sa magpapasa gamit ang Health insurance card, Pension handbook, Pension Certificate, kailangang takpan nang hindi nakikita ang “Insurer code/number”, Basic Pension Number, atbp. bago ito kunan ng litrato.
    *Ingatang hindi matakpan ang kailangang impormasyon (buong pangalan at petsa ng kapangankan).
    *Ang pagpasa gamit ang mga “app” o “software” na pang-ayos ng larawan (halimbawa “paint” atbp.) ay mapapawalang-bisa.

(2)I-upload ang litrato ng harapan ng papel na “Para sa mga nasuring nagpositibo sa COVID-19”, na sinulatan sa sarili ang sumusunod, sa may ‘Bahagi para sa pasyente’.

  • Buong pangalan
  • Araw ng pagsusuri
  • Pangalan ng institusyong medikal na sumuri

Tungkol sa pagpasa ng mga hindi tumutugon sa pag-aabiso ng mga nasuring positibo sa COVID-19 sa mga institusyong medikal (Shiga Prefecture COVID-19 Post-diagnosis Notification Window)

Application form (Wikang Hapon lamang)

Sanggunian (Wikang Hapon lamang)

Shiga Prefecture COVID-19 Post-diagnosis Notification Window
TEL: 0120-935-897 (9:00 n.u. – 5:00 n.h.: bukas ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
E-mail address:contact@cov19-shigamedical.jp
*Ang “reply” ay manggagaling sa e-mail address na ito. Kung gumagamit ng “anti-spam”, i-set ang e-mail na maaring tumanggap mula rito.

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga  
(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel