Kasabay ng pagsisimula ng pagbakuna laban sa “Omicron variant”, ay ang muling pagbubukas ng dalawang

Panahon ng pagbubukas

Mula Oktubre 14, 2022 (Biyernes) hanggang Marso 20, 2023 (Lunes)

Mga maaring magpabakuna

1.May edad 18 taon gulang pataas na tapos na ang ika-2 beses ng bakuna, at nakalipas na ang 3 buwan mula sa huling bakuna
2.May hawak na “vaccination voucher” na pinadala ng pamahalaan kung saan nakatira at tumutugon sa isa sa sumusunod:
  • Mga naninirahan sa Prepektura ng Shiga
  • Mga nagtratrabaho o nag-aaral sa Prepektura ng Shiga na nakatira sa ibang prepektura
  • Mga nakabase ang punong tanggapan o paaralan sa Prepektura ng Shiga na nakatira sa ibang prepektura
  • Mga pinanganak sa Prepektura ng Shiga (kasama ang pamilya) na nakatira sa ibang prepektura

Araw ng pagbabakuna at oras ng pagtanggap

Biyernes 1:30 n.h. – 8:00 n.g.
Sabado, Lunes 10:30 n.u. – 4:30 n.h.

Mga bakunahan

Timog na bahagi: 3F Oh!Me Otsu Terrace (14-30 Uchidehama, Lungsod ng Otsu)
Hilagang bahagi: FRESPO Hikone, Bldg. C (1917-1 Matsubara-cho, Lungsod ng Hikone)

Tungkol sa pagpapareserba

Ang pagtanggap ng reserbasyon ay sa "online".
Pakibuksan ang "website" ng reserbasyon mula susunod na URL.

Malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga "website" (wikang Hapon lamang)

※Sa mga nagnanais magpabakuna, kailangang magpareserba.
※Hindi tumatanggap ng reserbasyon sa telepono.

Call center para sa katanungan sa pagpapareserba, atbp. (wikang Hapon lamang)

Para sa katanungan kagaya ng paggamit ng sistema ng pagreserba, pagkansela, atbp., nagpatupad ang prepektura ng sanggunian para dito.
Call center para sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga (wikang Hapon lamang)
Oras ng pagtanggap:Araw-araw mula ika-9 hanggang ika-5 ng hapon (Maliban sa Biyernes)
Biyernes: mula ika-9 hanggang ika-9 ng hapon
Telepono:050-3665-9654
Sanggunian
Tungkol sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga (malakihang pagbabakuna) Ika-18 ng Agosto, 2021

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga  
(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel