Pang-akademiko/ Daan para sa iyong kinabukasan ~Patnubay sa pagpili ng kurso 2024~Ano ang balak mo pagkatapos ng junior high school? ~

Magkakaroon ng patnubay para sa pagpili ng kurso para sa mga batang mag-aaral at sa mga magulang nito na hindi Nihongo ang pangunahing wika.
[Gusto ko sanang magpatuloy ng pag aaral, mga anu-anong klaseng paaralan mayron kaya?] [Mga magkano kaya ang kakailanganing bayarin dito?] at iba pa.
May nakahandang gabay na isinalin sa iba't ibang wika at magbabahagi din ng kaniya-kaniyang mga naging karanasan ang mga nakakataas na mag aaral na nasa mataas na paaralan na, katulad ng patungkol sa pagsusulit sa pagpasok sa mataas na paaralan, iskolarsip, at iba pang mga impormasyong makakatulong sa inyo at sa inyong pamilya.
Halina at lumahok na!!

Detalye

  1. Pagbabahagi mula sa nakatataas na mga Mag-aaral
  2. Patnubay sa Pagpili ng Kurso para sa Pagpasok sa Senior High School
  3. Q&A
Paraan ng paglahok
Mangyaring mag-aplay gamit ang Google Forms, email o fax .

Application Form

Word PDF

Application Form(google form)

  1. Estudyante
    Pangalan ng estudyante、Edad, Pangalan ng paaralan, Baitang/Grado, pangunahing-wika
  2. Magulang. Tagapag-alaga
    Pangalan ng Magulang. Tagapag-alaga, Kaugnayan, pangunahing-wikang hinihiling para sa tagapagsalin-wika
  3. Address
  4. Numero ng Telepono
  5. Email
  6. Pinagmulang bansa
Huling araw para sa maagang pagpapatala:
Oktubre 22 (Martes)
※Mangyaring magsagawa ng maagang reserbasyon bago lumahok. maaring hindi po kami makapaghahanda ng tagasalin-wika/Interpreter kung lalahok sa araw mismo.
At iba pa
  • Sa araw na ito ay may nakahandang tagapagsalin-wika/Interpreter sa wikang Portugal, Espanyol, Intsek, Inglis/English, Tagalog at Vietnam
  • May nakahanda din na mga materyales na nakasalin sa inyong pangunahing-wika!
  • Ang konsultasyon hinggil sa katayuan ng visa (Osaka Immigration Bureau) ay sabay na gaganapin!

Paalala kung sakaling may darating na bagyo

Kung sakaling may babala patungkol sa bagyo (bofu keihou) sa「Lungsod ng Takashima. At iba pang hilagang bahagi sa lungsod ng Otsu」sa Prepektura ng Shiga ng alas siyete ng umaga (7am) sa Oktubre 27 (Linggo), ang ganap/event ay makakansela.
Matatagpuan ang mga impormasyon sa homepage ng Ahensiya para sa Metereolohiko ng Japan
Ahensiya para sa Metereolohiko ng Japan "KISHO-CHO"

Mga Detalye

Petsa at Oras

2024/10/27 (Sun)
13:30 - 16:00

Lugar

DANJO KYOUDOU SANKAKU CENTER [G-NET SHIGA]
10 minutong lakad mula estasyon ng JR Omihachiman

Address

80-4, Takakai-cho, Omihachiman-shi
Google Map

Bayad sa Paglahok

Libre

Makipag-ugnayan sa Amin

Para sa Katanungan
Shiga Intercultural Association for Globalization (SIA)
Lun~Biy 8:30~17:15
TEL
0775260931
FAX
077-510-0601
Email
mitsuda@s-i-a.or.jp