Upang mapigilan ang paglaganap ng impeksiyon ng nakakahawang sakit na Coronavirus ipinatupad ang bagong Sistemang [Moshi Sapo Shiga] na opisyal na account nito sa LINE. Kilala ito sa tawag na (Moshi Sapo Shiga) layunin nito na ipaalam at lubos na maunawaan ng mga gumagamit ng mga pasilidid pang-publiko ng prepektura at sa mga pasilidad na ginagamit sa mga pang kaganapan at para doon din sa mga nangangailangan ng mahahalagang mga kaagaran at tuptop sa oras na mga Impormasyon. Paalala: Ang suportang ito ay nakahango lamang sa wikang hapon.

『Moshi Sapo Shiga』Ano ang suportang-sistema na ito?

『Ang Moshi Sapo Shiga』ay isang suportang-sistema na nagbibigay alam kung ikaw ay nagkaroon ng ugnayan patungkol sa COVID-19, pupuwedeng mabasa ang QR code na nakapaskil sa mga pasilidad,sa mga lugar pang-kaganapan(events) gamit ang LINE app at dito pupuwede silang magpatala ng kanilang kontak na impormasyon sa lalawigan ng shiga,magagamit din itong impormasyon para doon sa mga taong nahawaan ng sakit na coronavirus o sistema din ito ng Prepektura para makapagbigay ng impormasyon para doon sa mga taong alam sa sarili na nahawaan sila o sa mga taong posibleng sinususpetsahan sa sakit na coronavirus.
Umaasang,mangyaring gamitin ito ng karamihan at ipakalat sa lahat upang mapigilan ang paglaganap ng sakit!

『Moshi Sapo Shiga』 Paraan ng paggamit ng sistema 

Basahin・Basahin ang QR Code na nakapaskil sa mga tindahan, mga pasilidad at iba pa.
           
Basahin.Basahin ang QR Code na nakapaskil sa mga tindahan at mga pasilidad。Gamit ang smartphone basahin ang QR Code na nakapaskil sa mga tindahan at mga pasilidad.
Itala ang mga detalye ng binisitang lugar(Pangalan ng lugar, pangalan ng Pasilidad ,araw at oras) kapag binabasa (Scan)ang QR Code.
Upang magamit ito, kailangan mong magparehistro bilang isang kaibigan sa opisyal na account ng Shiga Prefecture LINE na [Personal na suporta para sa Hakbang-iwas impeksiyon sa bagong nakakahawang sakit na Coronavirus sa lalawigan ng Shiga](nakasulat lamang ito sa wikang hapon).
Kung hindi ka pa nakarehistro bilang isang kaibigan, ang screen ng pagpaparehistro ng kaibigan ay ipapakita kapag binasa mo ang QR code sa kauna-unahang pagkakataon.

Mga talaan ng dapat tandaan sa paggamit

                       
  • Nag-iiba-iba ang QR code depende sa/bawat lokasyon. Mangyaring basahin(Itsek) ito sa bawat lugar.
  • Basahin(Itsek) ang QR code sa tuwing bibisita ka, kahit sa parehong lokasyon.
  • Siguraduhing basahin ang QR code sa panahon ng iyong pananatili sa isang pasilidad o tindahan. Ang petsa at oras ay nakarehistro kapag nag-scan, kaya kung na-scan mo ang QR code sa ibang araw o oras kung hindi mo ito ginagamit, ang mensahe ay maaaring hindi maipadala nang
  • Huwag i-post ang QR code na nai-post sa pasilidad / tindahan, atbp sa SNS o sa Internet kung saan makikita ito ng isang hindi matukoy na bilang ng mga tao.

Tungkol sa abiso sa pagpapadala ng mga mensahe

Kailan nagpapadala ng isang mensahe ng abiso?

Pagkatapos marinig at maisagawa ang pagsisiyasat sa sentro ng kalusugan pang- publiko ang kasaysayan ng mga naging gawain ng mga nag positibong pasyente at natukoy na mahirap suriin ang ruta ng impeksyon nito ay padadalhan.

Naangkop na mga tao(target)para sa mensaheng abiso

Kung mahirapan ang sentro ng pampublikong pang-kalusugan sa pagtukoy kung sinu-sino ang nagkaroon ng ugnayan sa nahawaang tao sa panahon ng pagsisiyasat , magpapadala ito ng abiso doon sa mga taong bumisita sa mga lugar,pasilidad kasabay doon sa mga nahawaang mga tao.

Ano ang mga nilalaman ng abiso sa

Mensahe: ang mensahe ay nagsasaad sa salitang hapon na"Ang mga taong natukoy na nahawaan ng bagong coronavirus na gumamit o bumisita sa mga pasilidad at mga kaganapan na kung saan nakarehistro.
  • Ang pagdating ng mensahe sayo mula sa LINE ay hindi nangangahulugan na nahawahan ka ng bagong coronavirus.
  • Anuman ang mayroon kang mga sintomas, mangyaring makipag-ugnay sa tanggapan(desk) ng konsultasyon na ipinahiwatig sa mensahe.
  • upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon, aalamin ang iyong pangalan at impormasyon kung paano ka makontak at kukumpirmahin ang iyong sitwasyon
  • Ipapaalam namin sa iyo ang paraan ng pagsusuri, kung paano magpakuha ng pagsusuri, at mga pamamaraan ng pag-iwas sa impeksyon, atbp.

Kahit na basahin mo ang QR code, ang Prepektura ng Shiga ay hindi makakakuha ng iyong personal na impormasyon (pangalan, tirahan, numero ng telepono, atbp.)