Paglaganap ng impeksiyon ng COVID-19
Batay sa sitwasyon ng impeksiyon sa COVID-19 sa Prepektura ng Shiga, ang antas ng babala sa pag iingat ay itinaas mula sa Antas 1 tungo sa Antas 2 sa loob ng 5 na antas ng babala sa pag iingat (Antas 0 tungo Antas 4)
Ang kasalukuyang Antas ay nasa Antas 2
- Seguruhing sundin ang mga pangunahing hakbangin upang mapigilan ang paglaganap ng impeksiyon!
- Ang hakbang ng bawat isa ay makakatulong upang mapigilan ang paglaganap ng impeksiyon!
1 Siguruhin sundin ang mga pangunahing hakbangin sa pag iwas-impeksiyon
- Mangyaring siguruhin sundin ang mga pangunahing hakbangin sa pag iwas-impeksiyon (Maghugas ng kamay、Magsuot ng Mask、Iwasan ang 3 siksik na sitwasyon, atbp.)
- Ugaliin ang wastong tuntunin sa pag ubo, Panatilihin ang bentilasyon (maaliwalas, mahalumigmig) at malinis ang hangin ng lugar, dis-impektahan ang mga lugar na karaniwang ginagamit ng pangkalahatan tulad ng hawakan ng pintuan kahit na sa loob ng mga tahanan
- Maibayong pag iingat sa “5 na sitwasyon”na nagpapataas ng peligro ng impeksiyon kung makikipag ugnayan sa mga ibang miyembro maliban sa kapamilya (Mga kainan, mga karaniwang lugar ng pangkalahatan tulad ng sa mga dormitoryo, mga pampublikong mga lugar na ginagamit tulad ng lugar ng pahingahan/kuwarto at iba pa.) Lalong-lalo na, iwasan ang sama-samang paggamit ng mga baso at iba pang mga kagamitan, at magsuot ng face mask habang nag uusap-usap kahit na nasa oras ng hapag kainan.
- Mas lalo pang maging maingat kung bumibiyahe sa mga rehiyon/lugar kung saan kumpirmadong may mataas na bilang ng mga taong may impeksiyon.
- Manatili at magpagaling sa loob ng tahanan kung mayron kayong mga sintomas tulad ng mataas na lagnat.
- Ipagpatuloy ang pagtupad sa mga pangunahing hakbangin iwas-impeksiyon kahit na pagkatapos mabakunahan
- Gumamit ng Apps para sa pag iwas impeksiyon sa COVID-19 tulad ng “Moshi-sapo Shiga” at Apps sa pagkumpirma kung nagkaroon ng deriktang kontak na, “COCOA”.
Tungkol sa apps na nagkukumpirma kung nagkaroon ng deriktang-kontak「COCOA」
2 Tungkol sa Pagbabakuna
- Para doon sa nakatanggap na ng tiket para sa pang ika-3 dosis ng pagbabakuna o para doon sa mga hindi pa nababakunahan, hindi alintana kung anuman ang klase ng pagbabakuna, maari po lamang maging positibo sa pagkonsidera sa pagpapabakuna para maiwasan ang maimpeksiyon. Upang maiwasang hindi lumalala ang impeksiyon!
3 Tungkol sa paglabas-labas
- Pag isipan mabuti kung bibiyahe sa ibang rehiyon kung saan nakumpirma ang maraming bilang ng impeksiyon
4 Kainan/Salu-salo
- Kumain sa mga sertipikadong ligtas-COVID 19 na mga kainan.
- Gumawa ng mga hakbangin sa pagpapababa ng peligro sa impeksiyon tulad ng pagsusuot ng mask sa panahon ng kainan/salu-salo.
5 Seremonya para sa pagpupugay na pagdiriwang para sa mga maghuhustong edad (Seijin-shiki)
- Seguruhing pagtupad sa mga hakbangin-iwas impeksiyon sa pamamagitan ng pagbigay distansiya sa bawat isa (social distancing) sa mga lugar ng pagdadarausan at sa mga paligid na lugar!
- Iwasang dumalo sa pagtitipun-tipon kung masama ang pakiramadam!
6 Pagsusuri
- Para doon sa mga walang sintomas ngunit nag aalala kung nahawaan dahil sa mga rason tulad ng nasa lugar na nasa mataas ang peligrong mahawaan ay maaring makapagpasuri ng libre sa mga itinalagang lokasyon para sa pagsusuri!
Lokasyon para sa pagpapasuri
(Mga Botika/Parmasiya sa loob ng Prepektura ng Shiga… Botika/Parmasiya ng Welcia (Welcia drug stores), Yutaka (Nishi-otsu), at iba pa.) PDF (Wikang hapon lamang)[English] List of Testing Places in Shiga (Free test performing facilities)[Inglis] Listahan ng mga lugar para sa pagpapasuri sa Shiga(Mga pasilidad na nagsasagawa ng libreng pagsusuri)
7 5 Sitwasyon na tumataas ang Peligro ng impeksiyon
- Pagtitipun-tipon na may kasamang inuman ng alak.
- Mahabang oras ng kainan/salu-salo sa malakihang grupo.
- Pag uusap-usap na walang suot na mask
- Pagsasama-samang pamumuhay sa isang maliit na lugar
- Paglipat ng lokasyon tulad ng mula sa lugar ng trabauhan patungo sa lugar ng pahingahan.