Ito ay na-aangkop sa mga nagpapahinga pa, mula ika-7 ng Setyembre ng 2022.

Panahon ng pagpapahinga

◆Panahon ng pagpapahinga para sa mga may sintomas: maliban sa mga nagpapahinga gamit ang aparato tulad ng “respirator”, atbp.

(1)Sa mga hindi pinasok sa ospital o sa “home for the aged”/“nursing home”

Ang panahon ng pagpapahinga ay 7 araw mula sa sumunod na araw ng paglabas ng sintomas (ika-0 araw) o matatapos sa ika-8 araw. Ngunit, kailangan ng paglipas ng 24 mula sa paghupa ng sintomas.

*Dahil sa pananatili ng panganib ng impeksyon nang hanggang 10 araw (7 araw sa mga walang sintomas), sundin ng lubusan ang mga sumusunod bilang pansariling pag-iwas sa pagkalat ng impeksyon.
  • Sariling pagtiyak sa lagay ng kalusugan tulad ng pagsusukat ng temperatura ng katawan, atbp.
  • Pag-iwas sa pakikisalimuha sa mga may edad nang “high-risk”, o pagpunta ng hindi kailangan/importante sa mga “high-risk” na institusyon, o paggamit/pagkain atbp. sa mga lugar na mataas ang posibilidad na mahawahan.
  • Pagsusuot ng mask.

(2)Sa mga na-ospital o nagpapahinga sa “home for the aged”/“nursing home”

Ang panahon ng pagpapahinga ay 10 araw mula sa sumunod na araw ng paglabas ng sintomas (ika-0 araw) o matatapos sa ika-11 araw. Ngunit, kailangan ng paglipas ng 72 mula sa paghupa ng sintomas.

◆Panahon ng pagpapahinga para sa mga walang sintomas

Para sa mga hindi nagpakita ng sintomas kahit isang beses, 7 araw mula sa sumunod na araw ng pagkuha ng samplo (ika-0 araw) o matatapos sa ika-8 araw.
Ngunit kung sa ika-5 araw, ay masigurong negatibo sa “Qualitative Antigen Test kit (For Medical Use)”, ito ay magtatapos sa ika-6 araw.

*Ang “test kit” na na dapat bilhin pansiguro sa pagka-negatibo sa ika-5 araw ay ang mga “Qualitative Antigen Test kit (hindi maari ang For Research Use)” na inaprubahan ng gobyerno na mabibili sa mga parmasiya, atbp.
  • Ang “Qualitative Antigen Test kit” na pinamimigay sa “Test kit benefit/Positive Individual Registration Center” ay hindi maaring gamitin para sa ika-5 araw na pansiguro sa pagka-negatibo.
*Sa oras na sumama ang (mga) sintomas sa panahon ng pagpapahinga sa sariling tahanan, makipag-ugnayan sa Shiga Prefecture Home Recovery Assistance Center (Telepono: 077-574-8560). O, sa oras ng biglaang paglala ng sintomas at pagiging delikado ng lagay, tumawag ng ambulansya (119).

Paglabas ng tahanan habang nagpapahinga

Upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon, hindi maaring lumabas kasama ang pagpasok sa trabaho o paaralan, sa panahon ng pagpapahinga (panahon ng paglimita sa pagtrabaho).
Ngunit, sa mga may sintomas (at lumipas na ang 24 oras nang humupa ang mga ito), o sa mga walang sintomas (hindi nagpakita ng sintomas kahit isang beses), sa pagsunod ng lubusan sa mga kundisyong: pag-ikli ng oras sa paglabas at pakikisalimuha sa ibang tao, hindi paggamit ng pampublikong transportasyon sa paglalakbay, at pagsuot ng mask sa paglabas at pakikipag-usap sa ibang tao, bilang pansariling pag-iwas sa pagkalat ng impeksyon, ay maaring lumabas kung kinakailangan at sa pinakakaunting beses upang mamili ng pagkain, atbp.

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa:

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga
  (Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel