Sa pagrehistro “online” ng mga napatanuyang nag-positibo sa pansariling pagsusuri, ay mairerehistro sa “Test kit benefit/Positive Individual Registration Center” bilang mga nag-positibong indibidwal.
- Dahil ang sentrong ito ay hindi nagrereseta ng gamot, bumili ng “over-the-counter” na gamot, o sa mga may malala o nagtatagal na sintomas, magpatingin sa mga institusyong medikal.
- Sa mga nagpatingin na sa mga institusyong medikal at napatanuyang nag-positibo, hindi na kailangang magparehistro sa sentrong ito.
Mga kailangang ihanda
(1)Dokyumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan
Isa sa mga sumusunod (ia-“upload” ang “picture data”, na makikita ang pangalan, araw ng kapanganakan, sa oras ng pagpasa)- Lisensya ng pagmamaneho, My Number card (harapan lamang)
- Health insurance card, Pension book, Pension Certificate
- Pasaporte, Residence card, Special Permanent Resident Certificate, Driving history certificate
- Kung magpapasa ng Health insurance card, Pension book, Pension Certificate bilang patunay ng pagkakakilanlan, kailangang takpan nang hindi mababasa ang Health insurance card code/number, Basic Pension Number, atbp. sa pagkuha nito.
- Ingatang huwag matakpan ang mga kailangang impormasyon (Pangalan, Petsa ng kapanganakan).
- Hindi tatanggapin ang pagpasa ng mga tinakpan sa pamamagitan ng “app” o “software” na pang-ayos (halimbawa “paint”).
(2)Kung mapatanuyang positibo ang resulta ng sariling pagsusuri gamit ang “Qualitative Antigen Test kit (For Medical Use)”
- Mga magpapatunay ng tatak at gumawa ng nasabing “test kit”
- “Picture data” na nagpapatunay ng mga linya ng resulta (ia-“upload” ang picture sa oras ng pagpasa)
Pag-iingat sa oras ng pagkuha ng “test kit”
- Tiyakin mabuti na hindi lalampas sa kuwadrado, o malinaw ang pagkakuha ng buong “test kit”.
- Kung positibo ang resulta, sulatan ang nasabing “test kit” ng pangalan at petsa ng paggamit nito.
(3)Kung mapatunayang nagpositibo sa pagsusuri na ginanap sa institusyon nang nagparehistro sa “Pryoketong pagpapalibre ng PCR Test, atbp.”
- “Picture data” ng “Notice of test restults” o “screen” ng “app” na nagpapakita ng resulta kung saan matitiyak ang pangalan, paraan ng pagsusuri, resulta ng pagsusuri at pangalan ng institusyon ng pagsusuri
※Magparehistro sa ibabang link.
Application form para sa mga nag-positibo
Sanggunian
Test kit benefit/Positive Individual Registration Center (Wikang Hapon lamang)TEL:0120-935-395
Oras ng tanggapan: 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa
Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel