Mga nilalaman ng konsultasyon

Opisina ng buwis sa Lalawigan ng Shiga

Sagot

Otsu Tax Office TEL:077-524-1111
Jurisdiction:Otsu
Kusatsu Tax Office TEL:077-562-1315
Jurisdiction:Kusatsu, Moriyama, Ritto, Yasu
Minakuchi Tax Office  TEL:0748-62-0314
Jurisdiction:Koka, Konan
Omihachiman Tax Office TEL:0748-33-3141
Jurisdiction:Omihachiman, Higashiomi, Gamo-gun,
Hikone Tax Office TEL:0749-22-7640
Jurisdiction:Hikone, Echi-gun, Inukami-gun
Nagahama Tax Office  TEL:0749-62-6144
Jurisdiction:Nagahama, Maibara
Imazu Tax Office TEL:0740-22-2561
Jurisdiction:Takashima

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagsasaayos ng buwis sa pagtatapos ng taon《bersyon sa wikang banyaga》iba't ibang deklarasyon sa pagbabalik.pagbabawas ng binayarang buwis (tulad ng pagbabalik.pagbabawas sa binayarang buwis sa may mga tinutustusan)

Sagot

Ang websayt ng [Pambansang Ahensiya ng Buwis] ay gumawa ng mga iba’t ibang pampublikong porma para sa pagdeklara ng pagbabalik at pagbabawas sa binayarang buwis (tulad ng agbabalik.pagbabawas sa binayarang buwis sa mga may tinutustusan) sa ibat’ibang wika.

【Nakahanda sa 6 na wika/lenguwahe】

English/Inglis, Intsek, Portugal, Espanyol/kastila, Vietnam, Filipino
Mangyaring gamitin ang mga nakahandang porma sa iba’t ibang wika.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Final Income Tax Return Mula Pebrero 17(Lunes) hanggang Abril 16 (Huwebes), 2020

Sagot

Ang mga taong malaki ang binayaran sa pagpapagamot, bumili ng bahay sa pamamagitan ng pag-utang (loan) at mayroong pagwawasto sa inawas na halaga nito, may kinikita na hindi naiaawas sa suweldo, may kinikita sa isang negosyo, may kinikita na buhat sa mahigit pa sa isang kumpanya, ay kinakailangang mag-file ng income tax return sa tax office.

Final Income Tax Return

Mga nilalaman ng konsultasyon

Ang buwis sa pagkonsumo ay tumaas sa 10% ↑ (mula Oktubre 2019)

Sagot

  • Pagkain at inumin (hindi kasama ang pagkain sa labas at mga inuming alkohol (alak) ) . ang subskripsiyon sa mga pahayagan ay pinananatiling 8%.
  • Upang maibsan ang pasanin ng mga sambahayan, ang mga munisipalidad ay naglalabas ng "Premium Gift Certificates" para sa mga (target) na mga sambahayan (mga sambahayan na ibinukod ng buwis at mga sambahayan na may maliliit na bata) ibinibenta ito na may aalok na 25% na diskwento sa pamimili.(Ang panahon ng paggamit ay anim na buwan pagkatapos ng pagtaas ng prisyo ng buwis) )

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagbawas sa buwis ng asawa・Natatanging pagbawas sa buwis ng asawa (Spouse Deduction / Special Spouse Deduction)

Sagot

Kung ang kinikita ng isang asawa ay hindi lalagpas sa halagang itinakda para rito, ang binabayarang buwis ng kanyang asawa na siyang nagbabayad nito (taxpayer) ay mababawasan. Ito ang tinatawag na “spouse deduction”. Nasasakop sa pagbabawas na ito ang kinikita ng asawa at ng asawa niyang mismong taxpayer, na mababago at magagamit para sa income tax simula sa taong 2018.
① Halaga ng ibabawas sa buwis ng mismong taxpayer
    Ang pinakamataas na kita mula sa sahod para sa isang asawa na karapat-dapat para sa pagbawas na 380,000 yen ay itataas mula 1,030,000 yen sa 1,500,000 yen. Kapag lumampas dito ang kinikita, ang halaga ng mababawas (deduction) ay unti-unti ring liliit at mawawala nang lubusan para sa taunang kita na 2,010,000 yen.
② Limitasyon sa kinikita ng mismong taxpayer
 
    Kung and spouse deduction ay naaangkop sa kanya, maaaring ipatong sa mismong taxpayer and limitasyon sa kita. Kapag ang kabuuang halaga ng kinita ay lumampas sa 9,000,000 yen, ang halaga ng mababawas (deduction) ay unti-unti ring liliit at mawawala nang lubusan para sa kita na 10,000,000 yen.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagbabalik ng buwis sa kita

Sagot

Ang mga taong may kita ay dapat magbayad ng buwis sa kita. Ang lahat ng personal na kinita sa buong taon simula Enero 1 ay papatawan ng buwis maging anuman ang nasyonalidad .Gayunpaman, ang buwis na ipapataw sa mga dayuhan ay sasailalim sa mga sumusunod depende sa haba ng pananatili at trabaho.
  • Ang mga nakaulat na residente ng Japan, na naninirahan ng higit sa isang taon, o nagnanais na permanenteng manirahan at nanatili nang higit sa limang taon hanggang sa kasalukuyan ay sasailalim sa buwis batay sa parehong kinita sa Japan at sa labas ng Japan.
  • ang mga indibidwal na may nakaulat na address sa Japan o naninirahan nang higit sa isang taon at walang balak na manirahan nang permanente at nananatili nang mas mababa sa limang taon hanggang sa kasalukuyan ay papatawan ng buwis batay sa kinita sa Japan at sa perang natanggap mula sa labas ng bansa.
  • Ang mga walang nakaulat na address sa loob ng isang taong pamamalagi sa Japan ay magbabayad ng buwis batay lamang sa kinita sa Japan。
Ang mga nagbabayad ng buwis (tax payer) ay magbabayad ng buwis sa mga itinakdang opesina ng buwis.Ang panahon ng pag-file ay mula Pebrero 16 hanggang Marso . ang ipapataw na buwis para sa kinitang suweldo na 20 milyong yen o mas mababa ay iaawas nang direkta mula sa suweldo, kaya kadalasan ang mga kumikita ng suweldo ay hindi na kailangang mag-file ng isang income tax return.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Buwis sa residente

Sagot

Ang mga residente sa Lalawigan ng Shiga ay nagbabayad ng buwis ng preperaktura at munisipalidad. Ang mga buwis na ito ay tinutukoy bilang mga buwis ng residente at kinakalkula batay sa mga pagbabalik ng buwis na isinampa sa tanggapan ng buwis na namamahala sa mga munisipyo kung saan nakatira. Ang buwis na ipinapataw sa mga residente ay ibinabatay sa lahat ng personal na kinita sa buong taon mula Enero 1, maging anuman ang nasyonalidad. Ang buwis para sa mga dayuhan ay naiiba sa ibang paraan depende sa haba ng pananatili at trabaho. Ang buwis sa mga residente ay ipinapataw tulad ng mga sumusunod.
  • Anuman ang nasyonalidad, kung nakatala kang residente ng Japan mula Enero 1 at manatili ng higit sa isang taon.
  • kung may trabaho ka na kinakailangan mong manirahan nang hindi bababa sa isang taon pagkatapos ng pagkapsok sa Japan,kahit na nakatira ka na sa loob ng isang taon ay dapat kang magpahayag sa munisipalidad kung saan ka nakatira simula noong Enero1 upang mabayaran ang buwis sa tirahan.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Iba't ibang mga buwis

Sagot

Buwis sa pagtamo ng real estate
Ang buwis sa pagtamo ng real estate ay ipinapataw sa nagpapakuha ng real estate.
Buwis sa kotse(Sasakyan)
Ipapataw sa lahat ng mga nag mamay ari ng mga sasakyan (kotse).(Opisina ng Buwis sa Lalawigan ng Shiga)
Buwis para sa maliliit na sa sasakyan
Ipinapataw sa may-ari ng maliit na sasakyan.(Sa bawat nakatokang departamento ng buwis ng munisipalidad).
Buwis sa pag-aari
Ang buwis para sa pag-aari ng lupa,bahay at mga iba pang pag aari ay ipinapataw mula ika-1 ng Enero kada taon .