Ang mensaheng ito ay tugon sa mga hakbang batay sa idiniklarang Estado ng Kagipitan/ Emerhensiya sa mga Prepektura tulad ng Osaka, Kyoto, Gifu at Aichi
Upang mabawasan ang krisis at mga pasanin ng Institusyong -serbisyong-medikal, hinihingi po ang pangkalahatang kooperasyon para sa mga sumusunod, upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon
Upang mabawasan ang krisis at mga pasanin ng Institusyong -serbisyong-medikal, hinihingi po ang pangkalahatang kooperasyon para sa mga sumusunod, upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon
1Masusing pag iingat at mga hakbangin sa pag iwas- impeksiyon
- Tiyak na pagtupad sa mga pangunahing hakbangin sa pag iwas-impeksiyon. (Paghuhugas ng Kamay, Pagsuot ng Maskara/Mask, Pag iwas sa 3 C’s/Pag iwas sa 3 mga siksikang sitwasyon atbp.)
- (Wastong pamamaraan sa pag ubo,panatilihin ang bentilasyon/mahalumigmig at maaliwalas na paligid, Pag disimpekta sa mga bagay tulad ng hawakan ng pintuan na dapat masusing ipatupad sa mga sambahayan.
- Mag-ingat sa "Limang sitwasyon" na nakapagdaragdag ng peligro ng impeksyon kapag nakikipag-ugnay sa mga kasamahan maliban sa kapamilya (mga pangkalahatang pagtitipon-tipon na may mga kainan/handaan, Mga pamumuhay na magkakasama tulad sa mga dormitoryong tirahan para sa mga mag aaral, Mga lugar na ginagamit ng pangkalahatan/pampubliko tulad sa mga lugar/silid pahingahan at iba pa.
Lalo na, iwasan ang paggamit ng sama-sama/ paghiraman ng mga baso at mga iba pang kagamitan, magsuot ng maskara/mask habang nag uusap-usap kahit na nasa hapag kainan. - Mas pag-ibayuhin pa ang pag iingat kung maglalakbay/bibisita sa mga rehiyon na kumpirmadong mataas ang bilang ng mga nahawaang tao.
- Manatili sa bahay at magpagaling kung may mga sintomas tulad ng lagnat.
- Mangyaring gamitin ang mga apps na 「Moshi-sapo Shiga」 na nagkokontrola upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19 at 「COCOA」 na nagbibigay abiso at nagkukumpirma kung nagkaroon ng ugnayan/kontak. Tungkol sa 「Moshi-sapo Shiga」
Tungkol sa nagbibigay abiso at nagkukumpirma kung nagkaroon ng malapitang- ugnayan/kontak 「COCOA」
2 5 na sitwasyon kung saan tumataas ang peligro ng impeksiyon.
- Mga Pagtitipon-tipong may kasamang inuman
- Mga maramihang tao na may mahabang oras na kainan at inuman
- Paguusap-usap na walag suot na Maskara/Mask
- Magkakasamang pamumuhay sa masikip na lugar
- Paglipat mula sa lugar ng pinagtratrabauhan patungo sa lugar ng pahingahan.
3 Tungkol sa paglabas-labas
- Mangyaring iwasan ang paglabas-labas kung hindi naman kinakailangan,kung hindi naman mahalagang lakad papunta at kung galing sa mga lugar/rehiyon na nasa ilalim ng estado ng kagipitan/estado ng emerhensiya tulad ng Osaka, Kyoto, Gifu at Aichi at sa mga lugar/rehiyon kung saan laganap ang impeksiyon.
- Mangyaring iwasan ang pagpunta/pagbisita sa prepektura ng Shiga kung hindi naman mahalaga at kinakailangan kung galing sa mga lugar/rehiyon na nasa ilalim ng estado ng kagipitan/estado ng emerhensiya.