『walang reserbasyon na pagbabakuna』 gaganapin mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 31!
● Panahon ng pagpapatupad
Mula ika-1(biyernes) hanggang ika-31(linggo) ng Hulyo taong 2022(※Walang pagbabakuna mula Martes hanggang Huwebes)
●Oras ng tanggapan sa pagpapatala (
(Pakitandaan na magkaiba ang oras ng tanggapan sa mga nakapagpareserba na)Biyernes. Sabado: 2:00pm hanggang 4:00pm, 7:00pm hanggang 7:30pm
Linggo: 10:30am hanggang 11:30am, 2:00pm hanggang 3:00pm
(※Hulyo 17 (linggo) at Hulyo 31 (linggo) lamang: 10:30am hanggang11:30am (walang pang-hapon na reserbasyon)
Lunes: 10:30am hanggang 11:30am, 2:00pm hanggang 4:00pm
●Mga dapat tandaan/ingatan
- Bibigyang prayoridad ang mga naunang nagpareserba na para sa pagbabakuna kung kaya dahil sa kinakailangan ng paghahanda sa pagbabakuna may mga pagkakataon na hindi naibibigay ang pagbabakuna kahit na nasa lugar ka na. Mangyari lamang na tumawag muna upang matiyak ang pagpapabakuna.
- Kung nakapagpareserba ka na sa ibang lugar ng pagbabakunahan, o kung nakapagpareserba ka na sa center namin at gusto mong baguhin ang iskedyul ng inyong reserbasyon, mangyaring tiyaking kanselahin ang naunang reserbasyon sa lugar, petsa at oras upang maiwasang magdoble ang inyong reserbasyon.
- Kung nabakunahan na ng bakunang kontra- Influenza (mga ibang bakuna maliban sa bakuna para sa coronavirus) sa loob ng 2 linggo bago ang nakatakdang petsa ng pagbabakuna, ay hindi ka maaring makatanggap ng pagbabakuna sa bagong coronavirus.
Mga katanungan patungkol sa reserbasyon (Wikang hapon lamang)
Shiga ken kouiki wakuchin sesshu senta- kourusenta- (Sentro ng tawagan para sa pang-rehiyonal na pagbabakuna sa Lalawigan ng Shiga) Shiga Prefecture Regional Vaccination Center Call Center 050-3665-9654
Mula Linggo hanggang Huwebes: 9am hanggang 5pmBiyernes at Sabado: Mula 9am hanggang 9pm
※Pakitandaan hindi po maaring makapagpareserba sa pamamagitan ng call center.
Patungkol sa buong detalye ng pagbabakuna mangyaring tingnan sa ibabang sayt
Tungkol sa Sentro ng Pangmalawakang pagbabakuna sa Prepektura (pang-malakihang lugar ng pagbabakuna, walang reserbasyon na pagbabakuna)Para sa mga taong hindi sanay sa wikang hapon, sumangguni lamang sa
Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga
(Mula lunes hanggang Biyernes 10:00am hanggang 5:00pm)※Sarado sa Sabado,Linggo, At mga araw na walang pasok
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel