- Magpapadala ng “Qualitative Antigen Test kit”, sa pamamagitan ng pribadong tagapagpadala, para sa mga may sintomas ngunit walang panganib ng paglala ng sakit bago magpatingin sa doktor.
- Magsisimula ng “Test kit benefit/Positive Individual Registration Center” para sa pagrehistro ng mga napatunayang positibo sa pamamagitan ng pansariling pagsusuri, atbp.
Mga sakop ng Test kit benefit/Positive Individual Registration Center
【Mga maaring pagsusuri para sa pagrehistro ng pagkapositibo】
- Pansariling pagsusuri gamit ang natanggap na “Qualitative Antigen Test kit” mula sa pagrehistro sa Test kit benefit/Positive Individual Registration Center
- Pagsusuri sa Pryoketong pagpapalibre ng PCR Test, atbp.
- Pansariling pagsusuri gamit ang Qualitative Antigen Test kit (For Medical Use) na binili sa sarili
【Mga kundisyon ng Test kit benefit/Positive Individual Registration】
Mga tumutugon sa lahat ng sumusunod na mga kundisyon, na may sintomas tulad ng lagnat, atbp.- Mga naninirahan o matagal nang nanatili sa Prepektura ng Shiga
- Mga wala pang 65 taong gulang
- Mga walang panganib ng paglala ng sakit(*)
- Mga hindi nagdadalang-tao
- Humupa na ang sintomas sa panahon ng pagrehistro, at mga kayang magpasya sa sarili kung hindi na kailangang magpatingin sa isang institusyong medikal
- Mga maaring magpagaling sa sariling tahanan sa pamamagitan ng pagbili ng mga “over-the-counter” na gamot
- Mga maaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng e-mail tungkol sa resulta ng pagsusuri, at iba pang mga katanungan, atbp.
*Halimbawa: may mapinsalang tumor, may malubhang karamdaman sa paghinga, sa bato, sa puso, o sa mga ugat papuntang utak, may kasaysayan ng paninigarilyo, may mataas na presyon ng dugo, may diyabetes, may mataas na kolesterol o iba pang taba, may labis na katabaan (Body Mass Index ay 30 pataas), pagbaba ng resistensya dahil sa paglipat ng organo o pag-inom ng mga “immunosuppressive” na gamot o gamot sa “cancer”.
Aplikasyon ng Test kit benefit
Mag-aplay gamit ang “Test kit benefit Application form” na nakapaskil sa ibabang website ng Prepektura ng Shiga (bukas ng 24 oras). (Wikang Hapon lamang)- ・Maari lamang mag-aplay ng 1 beses kada 1 tao. Hindi maari ang aplikasyong pangmaramihan tulad ng sa pamilya. Kailangan mag-aplay ang bawat isa.
- Hindi maaring gawin ang pagsusuri sa layuning paikliin ang panahon ng paghihintay para sa mga nakahalubilo ang nahawahan ng COVID-19. Maaring bumili sa sarili ng “Qualitative Antigen Test kit” (For Medical Use) na mayroon sa mga parmasiya kung nais mapaikli ang panahon ng paghihintay.
- Dahil ang pagdami ng aplikasyon tulad ng pagdoble o may mga mali sa aplikasyon ay maaring hindi tanggapin o maipadala, siguraduhin itong mabuti.
- Dahil ang layunin ng sistemang ito ay ipadala ang “test kit” para sa mga nangangailangang tao, matapos siguraduhin ang kundisyon, atbp. ay dapat gamitin ito sa tamang paraan.
- Matapos ang aplikasyon o kaya ay may mali sa aplikasyon, makakatanggap ng kontak mula sa ibabang “e-mail address”. Kung mayroong “spam mail filter”, tiyakin muna ito upang matanggap ang e-mail. E-mail address:info@cov19-shigamedical.jp(Para sa pagpapadala lamang)
Pagpapadala ng Test kit
Ipapadala sa loob ng mga 2 araw mula sa pag-aplay, sa inyong nirehistrong tirahan, at ayon sa pagkakasunod-sunod.- Hindi maaring ipadala sa labas ng prepektura.
- Maaring mangailangan ng higit pang dami ng araw depende sa lagay ng mga aplikasyon o pagpapadala.
Mga dapat tandan sa oras ng pagsusuri
- Kung maging positibo ang resulta mula sa pansariling pagsusuri, isulat ang buong pangalan at araw ng pagsusuri sa “test kit” na nagpapakita ng positibong resulta. At kunan ito ng larawan at i-“save” sa “cellphone”.
- Kailangan ang nasabing larawan ng resulta ng pagsusuri sa oras ng pagrerehistro ng mga nagpositibong indibidwal.
- Kahit ang resulta ay maging negatibo hindi nito inaalis ang posibilidad ng impeksyon. Ituloy nang lubusan ang mga pag-iiwas sa impeksyon
Aplikasyon ng mga positibong indibidwal
Mag-aplay gamit ang “Positive Individual Registration Application form” na nakapaskil sa ibabang website ng Prepektura ng Shiga (bukas ng 24 oras). (Wikang Hapon lamang)Tungkol sa pagpapareshistro kung mapatanuyang nag-positibo sa pansariling pagsusuri
Sanggunian
Test kit benefit/Positive Individual Registration Center (Wikang Hapon lamang)TEL:0120-935-395
Oras ng tanggapan: 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa
Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel