Sangguniang Babasahin: Paghandaan ang lindol sa paggawa ng mga bagay na kayang gawin~Kapag handa hindi nakakatakot ang lindol~

Tagapaglathala: Prepektura ng Shiga Pagsalin-wika・Pagpatnugot: Shiga Intercultural Association for Globalizatio「Mimitaro」 http://www.s-i-a.or.jp

  1. Kapag may kumalampag, kapag biglang yumugyug, huwag mataranta at kumilos ng mahinahon
  2. Huwag mataranta dahil sa takot sa kapaligiran kapag lumabas
  3. Gawin ito upang maging panatag ang tayo ng mga kasangkapan
  4. Ihanda ang mga gamit na dadalhin sa panahon ng emerhensiya
  5. Paghandaan ang ikalawang pinsala na dulot ng lindol
  6. Paggawa ng plano sa pamilya kung paano magtatawagan
  7. Maging handa sa pamumuhay sa lugar silungan
  8. Matutong gumawa ng pangunahing lunas( first aid)
  9. Listahan na makakatulong sa panahon ng lindol (Listahan na maaaring itabi)

Kapag may kumalampag, kapag biglang yumugyug, huwag mataranta at kumilos ng mahinahon

May mga lindol na nagaganap sa iba’t-ibang lugar sa Japan. Ang batong sanhi ng lindol sa ilalim ng lupa na nasa kanluran ng Lake Biwa at ang malapit sa lugar ng Tonankai at Nankai ay maaaring maglikha ng malakas na lindol na magiging sanhi ng malaking pinsala sa malawak na lugar na loob ng prepektura. Upang maging handa sa panahon na mangyari ito, isinagawa ang seryeng ito tungkol sa mga impormasyon upang lubusang mapaghandaan ang lindol.

Lindo!

  • Unahin munang iligtas ang sarili. Magtago sa ilalim ng mesa o kaya kama, kapag natutulog pangalagaan ang ulo na gamit ang kubrekama o unan.
  • Gawing ugali ang pagpatay sa apoy kahit na mahina ang lindol. May nakalagay na aparato upang kusang mamatay ang gas sa panahon ng panganib kaya huwag ilagay sa kapahamakan ang sarili upang patayin nito .

Pagkalipas ng 1 ~ 2 minuto

  • Siguraduhin ang daang pang-emerhensiya. Buksan ang mga pintuan at bintana upang masigurado na may daan palabas. May pagkakataon na nagiging mahirap ang pagbukas ng mga pintuan sa mga kondominyum ngunit ang mga bintana ay madaling mabuksan.
  • Hanapin ang pinagmulan ng anumang sunog at patayin agad ito.
  • Magsuot ng sapatos kahit sa loob ng bahay. Mapapangalagaan ang paa sa mga basag na salamin, at makakatakas kaagad.
  • Tiyakin na ligtas ang pamilya. Lisanin ang bahay kapag may panganib na ito ay magiba o matatabunan kapag nagkaroon ng guho. Kapag lumabas ng bahay, magingat sa mga basag na salamin, mga tisa ng bubong, mga karatula at iba pang mga bagay na maaaring mahulog.

Pagkalipas ng 3 ~ 5 minuto

  • Ihanda ang madadalang mga gamit pang-emerhensiya.
  • Kumpirmahin kung mayroong sunog sa mga kalapit-bahay.
  • Kumuha ng mga impormasyon. Kumuha ng mga tamang impormasyon sa radyo, atbp, huwag maniwala sa mga sabi-sabi lamang.

Pagkalipas ng 5 ~ 10 minuto

  • Tignan kung may mga kapit-bahay na nangangailanan ng tulong para sa kanilang kaligtasan.

Pagkalipas ng 10 minuto ~ ilang oras

  • Lumisan kapag may panganib na gumuho ang bahay, o magkaroon ng sunog, atbp, dahil sa mga sumusunod pa na lindol.
  • Sunduin ang mga anak sa paaralan, atbp.
  • Iwasan na magkaroon ng sunog. Patayin ang gas sa punong pihitan. Kapag aalis ng bahay patayin ang breaker ng kuryente.
  • Kapag umalis ng bahay, isulat sa isang papel kung saan pupunta at idikit ito sa isang lugar na madaling makita tulad ng malapit sa pintuan.

~ 3 araw

  • Gamitin ang mga gamit pang-emerhensiya. Mahalagang pangalagaan ang sariling kapakanan, ngunit mahalaga rin ang tumulong sa mga kapit-bahay.
  • Tumulong sa pagsaklolo sa mga nangangailangan at sa pagpatay ng mga sunog. Ipabigay-alam sa himpilan ng bombero, atbp, kung kailangan.
  • Lumisan na kasama sa isang grupo. Lumisan na naglalakad, iwasan ang mga pader na semento, ang mga putol na kable ng kuryente, ang mga bintanang salamin, atbp.
  • Kumuha ng impormasyon. Bigyan pansin ang mga pahayagang inilalabas ng pamahalaan.

~Huwag mataranta dahil sa takot sa kapaligiran kapag lumabas~

~Tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong sa oras ng sakuna~

*Mga taong nangangailangan ng tulong sa oras ng sakuna: Ang mga taong nahihirapan kumilos ng sarili lamang sa oras ng sakuna, tulad ng mga matatanda at mga sanggol, mga taong may kapansanan sa katawan at pag-iisip.

Gawin ito upang maging panatag ang tayo ng mga kasangkapan

Pag-isipan din ang paglagay ng mga kasangkapan

  • Dapat walang aparador sa silid na tinutulugan.
  • Lalo na sa silid ng mga matatanda at mga bata, iwasan ang paglagay ng malalaking kasangkapan.
  • Huwag matulog sa lugar na maaaring matumbahan ng kasangkapan.
  • Huwag maglagay ng gamit malapit sa pintuan.
  • Ilagay ang kasangkapan sa lugar na hindi ito makakasagabal sa daanan.

Ihanda ang mga gamit na dadalhin sa panahon ng emerhensiya

Mga gamit na dadalhin sa panahon ng emerhensiya

Ito ay mga gamit na dadalhin sa oras na lumisan. Ihanda ito kasama ng sapatos, guwantes, helmet, atbp, na dapat itago malapit sa unan o kaya sa ilalim ng kama. Para sa lalaki mga 15 kg, mga 10 kg naman para sa babae, at ang kaya lamang dalhin na bigat para sa bata. Ang mga gamit para sa kasong mahiwalay sa mga kasama ay dapat ilagay sa backpack ng bawat isa.

  • Iba pang mga gamit na magandang isama ay ang charger ng celfone (ang uri na maaaring gamitin sa saket ng layter ng sigarilyo ng sasakyan, o ang uring disposable), pulbos na gatas, biberon, disposable diaper, ointment para sa pamumula dahil sa lampin, sabong panghugas, kopya ng Libreta ng Tala ng Pagbubuntis (Boshi Kenko Techo), pagkain ng sanggol, reserbang gamot, kopya ng reseta ng gamot, lugaw, hearing aid, radyo, atbp.
  • Ang selyo ng pangalan (inkan), libreta ng banko, titulo ng ari-arian, at mga alahas ay dapat ilagay sa isang bag na madaling makuha kapag lumisan.

Mga gamit pang-emerhensiya

Ito ay mga gamit upang kayo ay tumagal hanggang dumating ang tulong. Dapat sapat ito para tumagal ng tatlong araw. Ilagay sa isang lugar na madaling makuha.

Kung damihan ng kaunti ang binibili araw-araw na mga pagkain, ito ay magiging napakagandang pang-emerhensiyang pangkain. Huwag kalimutang palitan ito upang hindi maluma!

Iba pang mga gamit

Dapat ilagay ang mga gamit na ito sa lugar na kakailanganin sila.

  • Sa kusina, sala (pampatay ng sunog o fire estinguisher)
  • Gamit para makatakas palabas ng gusali (palakol)
  • Gamit para makatakas mula sa ibabaw na palapag (tali)

Upang maka-uwi mula sa pinapasukan na naglalakad, dapat maghanda ng sapatos na panlakad, guwantes, tuwalya, pagkain, tubig, damit na madaling makakilos, mapa, litrato ng pamilya, atbp, at itago sa mesa o kaya sa sariling laker.

Saan mabibili?

Upang maka-uwi mula sa pinapasukan na naglalakad, dapat maghanda ng sapatos na panlakad, guwantes, tuwalya, pagkain, tubig, damit na madaling makakilos, mapa, litrato ng pamilya, atbp, at itago sa mesa o kaya sa sariling laker. Mabibili ang mga gamit pang-emerhensiya sa mga tindahan ng mga gamit para sa panlabas na aktibidad at sa mga home centers, at makabibili din nito kahit saan mang mga tindahan . Maganda na hanapin ang mga pang-emerhensiyang gamit kapag namimili ng mga pang araw-araw na mga kakailangananin.

  • Pang-emerhensiyang pagkain: Maghanda ng mga pagkain na matagal mabulok kasama na ang biskwit na pangmatagalan na tinatawag na kan-pan. Huwag kalimutan na palitan ang mga ito kapag madali nang mabulok.
  • Plaslayt at radyo: Maaaring mabili sa mga pangkaraniwang tindahan ng mga de kuryenteng kagamitan. Mayroon ding mga uri na hindi kailangan ng baterya tulad ng nasususian o ang uring solar.
  • Helmet: Ang mga helmet pang-konstruksyon ay mabibili sa mga home centers at mga tindahan ng gamit pang-konstruksyon. Maganda ring tignan ang mga helmet para sa motorsiklo at para sa panlaro.

Paghandaan ang ikalawang pinsala na dulot ng lindol

Ang tatlong pagkakataon na mapatay ang sunog

Kapag naramdaman ang lindol

Kapag ang unang yugyug ng lindol ay hindi malakas, patayin agad ang apoy. Gawing ugali ang pagpatay ng apoy kahit na mahina ang naramdaman na lindol.

Kapag tumigil ang lindol

Mapanganib ang lumapit sa apoy habang malakas ang lindol. Maghintay na tumigil ang lindol bago patayin ang apoy.

Kapag nagumpisa ang sunog

Ang 3 minuto mula sa pagumpisa ng sunog ay napakahalaga. Kahit na maliit na sunog lamang, sumigaw sa mga kapit-bahay ng saklolo at tumawag sa 119. Maliban sa pampatay sa apoy (fire estinguisher) o tubig, gamitin ang kahit na ano mang bagay na malapit sa inyo tulad ng lana na kumot. Ngunit tumakas kaagad kapag ang apoy ay umabot na sa kisame. Kung maaari, isara ang mga bintana at pinto ng silid na nasusunog upang hindi makapasok ang sariwang hangin.

Paano gumamit ng gamit na pampatay ng apoy (fire estinguisher)

<1> Ipasok ang daliri sa safety pin at hilahin pataas.

<2> Tanggalin ang tubo at itutok sa pinagsisimulan ng apoy.

<3> Pisilin ng malakas ang pingga ubang lumabas ang laman.

<4> Igalaw ng pakaliwa’t kanan na parang nagwawalis.
<5> Tumalikod sa pintuan upang hindi matabunan ang daanan ng usok at ng pampatay ng apoy.

Paraan ng pagpatay ng apoy batay sa pinagmulan nito

Mga mahalagang bagay sa pagtakas sa sunog

  • Kapag ang apoy ay umabot na sa kisame, huwag na itong subukan pang patayin, tumakas kaagad.
  • Tulungan muna ang mga taong nangangailangan ng tulong sa oras ng sakuna.
  • Huwag intindihin kung ano man ang suot o ano ang dapat na bitbitin palabas, tumakas kaagad.
  • Huwag mag-atubili, bilisan tumakbo patakas.
  • Ilagay ang katawan sa mababang posisyon upang makaiwas sa usok.
  • Kapag nakatakas na, huwag bumalik sa loob.
  • Kapag may taong naiwanan, sabihin sa bomberong pinakamalapit sa inyo.

Tungkol sa insurance para sa lindol

Hindi babayaran ng insurance para sa sunog ang nasira sa sunog na nangyari dahil sa lindol. Ang insurance para sa lindol ay dagdag na insurance sa insurance ng sunog. Tiyakin ang hawak ninyong insurance sa inyong ahente.

Paggawa ng plano sa pamilya kung paano magtatawagan

Upang mapauna ang mga tawag pang-emerhensiya, gumamit ng ibang paraan maliban sa paggamit ng karaniwang telepono upang tumawag sa pamilya.

  • Gamitin ang Dengon Dial sa Panahon ng Sakuna bilang [171] na serbisyong hinanda ng NTT para sa panahon ng sakuna.
  • Inuuna ng NTT ipasok ang linya ng mga pampublikong telepono, kaya madaling makapasok ang tawag. Alamin kung saan mayroong pampublikong telepono.
  • Sa panahon ng sakuna, mas madaling makapasok ang tawag sa lugar na malayo sa sakuna kaya mas maganda kung ang telepono ng isang kamag-anak na malayo ang gamiting telepono na tatawagan.

Dengon Dial para sa Panahon ng Sakuna

Maaari itong subukan isang araw bawat buwan, sa unang tatlong araw ng bagong taon, tuwing Disaster Prevention Week (August 30 to September 5), at tuwing Disaster Prevention and Volunteer Week (January 15 to 21).

Tandaan ang bilang [171]!

Paano gamitin ang Dengon Dial para sa Panahon ng Sakuna

  1. Magrekord 171→1
    Pakinggan ang mga mensahe 171→2
  2. Ang numero ng telepono sa sariling bahay na nais matawagan mula sa lugar ng sakuna, ang numero ng teleponong nais matawagan sa lugar ng sakuna mula sa lugar na nasa labas ng sakuna.
    (000)000-0000
  3. I-rekord ang mensahe (30 segundo sa bawat tawag,hanggang 10 mensahe ang maaaring ilagay)
    Umpisahan ang pagparinig ng mensahe

Maaaring magamit ito mula sa karaniwang telepono(kahit na push phone o dial phone),mula sa pampublikong telepono,mula sa celfone o PHS na telepono.

  • *May ilan-ilang kumpanya ng telepono na hindi magagamit ito

Maaaring gamitin ang [Dengon Board para sa Panahon ng Sakuna] para sa mga celfone.

  • Ito ay ang serbisyong pang e-mail.
  • Maari itong gamitin sa NTT DOCOMO, au, Softbank Mobile, at iba pa. (Kumpirmahin sa kompanya ng mobile phone)

40% ang [walang nagawa]

Ang Great Hanshin-Awaji Earthquake na naganap noong January 17, 1995. Ayon sa ginawang pagsisiyasat sa nangyari noong malakas na lindol ng Hanshin-Awaji noon 1995 na nagbigay ng napakalalang pinsala, 39.5% ng mga tao na sumagot sa palatanungan ay sumagot na [walang nagawa]. Ang mga tao ay nanigas sa takot at nasindak. Sa mga emerhensiyang situasyon, mapanganib sa buhay kapag hindi makakakilos ng mahinahon. Upang hindi magkagulo sa oras na magkaroon ng lindol, pag-usapan sa pamilya kung ano ang gagawin.

Ang mga ginawang kilos pagkatapos ng malaking lindol ng Hanshin-Awaji (sagot sa palatanugan)

[Tala ng Pagpigil ng Sunog noong Malaking Lindol sa Hanshin-Awaji] Himpilan ng Bombero ng Lungsod ng Kobe

Pag-isipan din ang buhay sa lugar silungan

Ang buhay sa mga lugar silungan (evacuation centers) ay kulang sa laya at wala masyadong pribasiya ngunit, sa ganoong kalagayan, kailangan ang pag-uunawaan at pagtutulungan.

  • Sa mga lugar silungan (evacuation centers) mahalaga ang makipag-usap at makipaghalubilo sa iba upang hindi mapahiwalay ang mga taong dayo na hindi taga roon, at ang mga taong nangangailangan ng tulong sa panahon ng sakuna, pati na rin ang inyong sarili.
  • Bago mag-alala, sumangguni muna sa mga tauhan ng lugar silungan (evacuation centers) tulad ng mga opisyal ng samahan ng mga magkakapit-bahay, sa mga taong namamahala sa kalusugan, o kaya sa mga pulis.
  • Huwag maging sanhi ng gulo.
  • Gumawa ng paraan upang mabawasan ang stress na nararamdaman. Mabisa ang kahit na magaang na pagkilos sa katawan.
  • Ang mga lugar silungan (evacuation centers) ay hindi pinapangasiwaan lamang ng pamahalaan ng gobyerno at mga taong boluntaryo, pati ang mga miyembro ng lokal na komunidad ay kasama sa pangangasiwang ginagawa.
  • May panganib na kumalat ang sipon at trangkaso kaya mag-ingat at palaging maghugas ng kamay at magmumog, gumamit ng mask kung kailangan.
  • Kung kayo ay sumisilong sa isang sasakyan, mag-ingat lamang sa tinatawag na “economy class syndrome”. Kung hindi maiwasan at kailangan manatili sa loob ng sasakyan, madalas na uminom ng tubig, at igalaw ang mga paa. Huwag manatili sa sasakyan ng mahigit pa sa ilang araw.

Ang pagbalik sa sariling bahay na nasira

Ang inyong bahay at sisiyasatin ng isang tauhan na namamahala sa pagtingin sa kalagayan ng mga gusali at didikitan ng isang papel na nagpapahiwatig sa kalagayan nito.

  • Ang gas ay kusang tinitigil kapag ang lindol ay nasa lakas na ika-5 tindi o higit pa. Alamin kung paano malalaman na walang sira ang inyong linya at kung paano muling mabuksan ito.
  • Bago gamitin ang kubeta, subukan i-flush ito para malaman kung umaandar ang tubig. Tumawag sa munisipyo kung may problema.
  • Bago ibalik ang breaker ng kuryente, tignan muna kung may singaw na gas o wala.
  • Kung may gas na sumisingaw, magpapasok ng sariwang hangin. Mag-ingat na huwag gumamit ng electric fan para gawin ito.

Matutong gumawa ng first aid

Sa panahon ng mga sakuna tulad ng lindol na maraming tao ang napipinsala, maaaring hindi makatanggap agad ng first aid ang mga nasaktan. Pag-aralan ang pagbigay ng first aid para sa panahon ng emerhensiya.

Paraan ng Pagtigil ng Pagdudugo

Nakakagulat at nakakataranta kapag nakakita ng malakas na pagdudugo, ngunit maging mahinahon na pigilin ang pagdudugo. Karaniwan, hindi mapanganib na mawalan ng mga 400 ml na dugo ang isang matandang tao, ngunit kapag nawalan ng mahigit sa 1/3 ng dugo (mga 1,500 ml) ang katawan, nagiging mapanganib na ang buhay. Tignan muna kung saan lumalabas ang dugo at kung gaano kadami ang lumalabas.

  • Bumubuhos ang paglabas ng dugo → Pagdudugo mula sa malaking ugat: Itigil kaagad ang pagdudugo
  • Pabulwak ang paglabas ng dugo → Pagdudugo mula sa di-gaano kalaking mga ugat: Itigil sa pinakamadaling panahon ang pagdudugo
  • Tumatagos lamang ang dugo

Pagpatigil ng pagdudugo sa pagdiin ng direkta

  • Takpan ang sugat ng malinis na gaze o tela na ang laki ay kayang takpan ang sugat at idiin ng malakas.
  • Siguraduhin na ang sugat ay mas mataas kaysa puso.

Pagpatigil ng pagdudugo sa hindi direkta sa sugat na pagdiin

Gamitin ang paraan na ito kapag bumubuhos ang paglabas ng dugo ngunit hindi pa handang diinan ng direkta ang sugat, ipitin ang malaking ugat na pinakamalapit sa puso mula sa dumudugong sugat sa pagdiin nito papunta sa buto.

Baling Buto

  • Suportahan ang parting may bali sa paglapat ng kahoy at talian (palapa), at dalhin sa pagamutan.
  • Kung walang makitang kahoy, gumamit ng kapalit tulad ng tabla, magasin, payong, karton, o kahit anong bagay na nasa paligid.

Paso o sunog

  • Palamigin ang nasunog na parte sa umaagos na tubig.
  • Kung hindi kaya ang tama ng tubig, maglagay ng tubig sa isang palangana at ilublob ang nasunog na parte ng katawan.
  • Kapag ang nasunog na parte ay natatakpan ng tela, dahan-dahan na buhusan ng tubig sa ibabaw ng tela.
  • Kapag malawak ang parting nasunog, gumamit ng hose o timba at buhusan ng tubig, o kaya takpan ng malinis na basang tela upang mapalamig.
  • Kapag malawak na parte ng katawan ng bata ang nasunog, ilagay siya sa bath tub na may malamig na tubig kapag ang panahon ay hindi malamig.

Maaaring magkaroon ng pagkakataong makaharap kayo ng kasong may nangangailangan ng artificial respiration o kaya masahe ng puso. Matutong magbigay ng CPR sa mga kursong binibigay ng munisipyo, bombero, Japan Red Cross, at iba pang mga samahan. Ang mga malalaking samahan ng scuba divers ay nagbibigay din ng kurso para dito.

Listahan na makakatulong sa panahon ng lindol (Listahan na maaaring itabi)