• Maglalapat ng bakunang gawa ng Moderna, Inc. laban sa ‘Omicron variant’ sa 2 bakunahan sa prepektura. (Maaaring magpabakuna ang 12 taon gulang at pataas)
  • Tumatanggap ng “pagbakuna kahit walang reserbasyon” laban sa ‘Omicron variant’. Tiyakin ang oras ng tanggapan at magpunta sa bakunahan.
  • Ang bakunang laban sa ‘Omicron variant’ ay maaaring matanggap “1 beses kada isang tao”. (Ang libreng pagbabakuna ay hanggang Marso 31, 2023)
  • Mula Pebrero 6, 2023, magsisimula sa paggamit ng bakunang gawa ng Takeda Pharmaceutical Co. (Novavax).

Maaaring tumanggap ng bakuna (‘bivalent’) laban sa ‘Omicron variant’

  • Ang pagtanggap ng bakuna laban sa bagong ‘variant’ ng COVID-19 at ‘Omicron variant’ ay para sa lahat ng tapos nang mabakunahan ng dalawang beses at 12 taon gulang at pataas, 1 beses kada isang tao.
  • Para sa ‘vaccination voucher’ at pagsasagawaan ng bakunahan, tiyakin ang gabay mula sa munisipyo kung saan kayo nakatira.

Tungkol sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga

Panahon ng pagbubukas

Hanggang Marso 20, 2023 (Lunes)

Mga bakunahan

Timog na bahagi: 3F Oh! Me Otsu Terrace (14-30 Uchidehama, Lungsod ng Otsu)
Hilagang bahagi: FRESPO Hikone, Bldg. C (1917-1 Matsubara-cho, Lungsod ng Hikone)

Maaaring tumanggap (mula ika-18 ng Enero)

  1. Mga naninirahan sa Prepektura ng Shiga
  2. Mga nagtratrabaho o nag-aaral sa Prepektura ng Shiga na nakatira sa ibang prepektura
  3. Mga nakabase ang punong tanggapan o paaralan sa Prepektura ng Shiga na nakatira sa ibang prepektura
  4. Mga pinanganak sa Prepektura ng Shiga na nakatira sa ibang prepektura (kasama ang buong pamilya)

Bakunang (‘bivalent’) laban sa ‘Omicron variant’ na gawa ng Moderna, Inc.

  Mga may hawak ng ‘vaccination voucher’ na nasa edad 12 taon gulang at pataas, tapos nang mabakunahan nang 2 beses, may 3 o higit pang buwan ang nakalipas mula sa huling bakuna, at tumutugon sa isa sa 1 – 4 sa itaas ay maaaring tumanggap nito.

Bakunang gawa ng Takeda Pharmaceutical Co. (Novavax)  *Simula Pebrero 6, 2023

≪Kung ika-3 o higit pang beses na pagpapabakuna≫
 Mga may hawak ng ‘vaccination voucher’ na nasa edad 18 taon gulang at pataas, tapos nang mabakunahan nang 2 beses, may 6 o higit pang buwan ang nakalipas mula sa huling bakuna, at tumutugon sa isa sa 1 – 4 sa itaas ay maaaring tumanggap nito.
≪Kung ika-2 beses na pagpapabakuna≫
 Mga may hawak ng ‘vaccination voucher’ na nasa edad 12 taon gulang at pataas, may 3 linggo (o 4 linggo kung hindi Novavax ang ika-1 beses) o higit pa ang nakalipas mula sa unang bakuna, at tumutugon sa isa sa 1 – 4 sa itaas ay maaaring tumanggap nito.
≪Kung ika-1 beses na pagpapabakuna≫
 Sa mga nais magpabakuna sa unang beses na nasa edad 12 taon gulang at pataas, sumangguni sa ibaba bago mag-Pebrero 6, 2023.

 Sanggunian 

Opisina ng promosyon ng pagbabakuna sa Prepektura ng Shiga, Tangapangasiwa ng sentro ng malawakang bakanuhan (Wikang Hapon lamang)
 Numero ng telepono: 077-528-3695 (9 n.u. – 5 n.h., maliban sa Sabado/Linggo/Pista Op.)
Numero ng FAX: 077-528-4868
*Ang ‘vaccination voucher’ ay kailangang mula sa munisipyo kung saan nakatira sa araw ng pagbabakuna. (Ang sanggunian ay sa sariling munisipyo)
*Para sa mga magpapabakunang nasa 12 – 15 taong gulang, kailangan ng permiso at pagsama ng magulang/bantay.

Araw at oras ng pagtanggap

3 araw kada-linggo: Biyernes/Sabado/Lunes
Oras ng pagtanggap
Biyernes: 1:30 n.h. – 8 n.g. (hindi tumatanggap ng 4:30 n.h. – 6:00 n.h.)
Sabado/Lunes: 10:30 n.u. – 4:30 n.h. (hindi tumatanggap ng 11:30 n.u. – 1:30 n.h.)
  • Hindi ito oras ng pagtanggap para sa “pagbabakuna kahit walang reserbasyon”. Para sa mga nagnanais nito, tiyakin ang nasa ibaba bago magpunta.

Tungkol sa bakuna laban sa ‘Omicron variant’ ng COVID-19 nang walang reserbasyon

Oras ng pagtanggap  (*Iba ang oras ng pagtanggap sa mga nagpareserba)

Hanggang Pebrero 4, 2023 (Sabado)

Biyernes: 2:00 n.h. – 4:00 n.h. at 7:00 n.g. – 7:30 n.g.
Sabado/Lunes: 11:00 n.u. – 11:30 n.u. at 2:00 n.h. – 4:00 n.h.

Mula Pebrero 6, 2023 (Lunes)

Biyernes: 2:00 n.h. – 4:00 n.h. at 7:00 n.g. – 7:30 n.g.
Sabado: 11:00 n.u. – 11:30 n.u. at 2:00 n.h. – 4:00 n.h.
Lunes: 2:00 n.h. – 4:00 n.h.
  • Mula Pebrero 6, 2023, tuwing 10:30 n.u. – 11:30 n.u. ng Lunes, matatanggap na ang bakunang Novavax. Matatanggap pa din ang Moderna, Inc. hanggang Pebrero 4, 2023 (Sabado).

Paraan ng reserbasyon

Tumatanggap lamang ng reserbasyon gamit ang ‘website’ ng reserbasyon na nakalagay sa ‘homepage’ ng prepektura.
Para sa detalye, tulad ng mga kailangang dalhin atbp., bisitahin ang ‘homepage’ ng prepektura:

Buksan ang ‘website’ sa ibaba upang magpareserba sa bakuna laban sa COVID-19. 

 Website para sa reserbasyon ng Sentro ng malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga (Sentro para sa maramihang bakanuhan) (Wikang Hapon lamang)

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa:

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga 
(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/counsel