Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
★Sistemang magagamit para sa mga nakapisan sa seguro ng trabaho (Shakai Hoken)
Sistemang-pagkuha ng bakasyon sa trabaho para mag alaga ng bata (Ikuji Kyugyo Seido)
Ito ay isang sistemang-pagkuha ng bakasyon sa trabaho para mag alaga ng batang wala pang 1 taon gulang. Maaring hatiin ng 2 beses ang pagkuha ng bakasyon hanggang sa mag 1 taon gulang ang bata. Sa mga kaso na kung ang parehong magulang ay kumuha ng bakasyon para mag alaga ng bata, o ang bata ay hindi makapasok sa daycare center, atbp., ang panahon sa pagkuha ng bakasyon para mag alaga ng bata ay maaaring mapalawig. Mangyaring magsumite ng liham ng kahilingan sa inyong tagapag-empleyo nang hindi bababa ng 1 buwan bago ang nakatakdang pagsisimula ng bakasyon. Kung matugunan ang ilang partikular na kundisyon, maaari kang makatanggap ng“benepisyo sa pagkuha ng bakasyon para mag alaga ng bata (Ikuji Kyugyo Kyufukin)” sa panahon ng bakasyon. Ang halagang matatanggap ay 67% sa pang-arawan na sahod sa simula ng bakasyon hanggang 180 araw at 50% pagkatapos.Sistemang-Pagkuha ng Bakasyon sa Trabaho para mag alaga ng bata ang isang ama (Shuseiji ikuji Kyugyo (Sango Papa Ikukyu) Seido)
Ang sistemang ito ay nakalaan sa mga amang maaring kumuha ng bakasyon upang alagaan ang kanilang anak pagkatapos itong maipanganak. Maaring kumuha ng 4 na linggong bakasyon sa loob ng 8 na linggong pagkapanganak sa bata. maaaring hatiin ng 2 beses. Mangyaring magsumite ng liham ng kahilingan sa inyong tagapag-empleyo 2 linggo bago ang nakatakdang pagbakasyon sa trabaho. Kung matugunan ang ilang partikular na kundisyon maaari kang tumanggap ng “Benepisyo sa pagkuha ng bakasyon para sa panganganak /pag aalaga sa bata (Shuseiji Ikuji Kyugyo Kyufukin)”.Ang halagang matatanggap ay 67% ng pang-arawan na sahod sa simula ng pagbakasyon sa trabaho × ng bilang ng mga araw ng pagbakasyon (28 araw ang pinakamataas).
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa sinasakupan hurisdiksyun ng Hello Work sa inyong lugar.
- Pagkalibre o Pagbawas sa bayarin ng pensiyon at sa segurong pangkalusugan para sa isang tiyak na panahon bago at pagkatapos ng panganganak (Mula Enero 2024)
- ・Kung ang isang miyembro sa sistemang-segurong panlipunan ay kumuha ng bakasyon sa panganganak/ bakasyon para mag alaga ng bata, malilibre sa mga bayarin ng segurong-pangkalusugan at pensiyon ang mga manggagawa sa panahon ng bakasyon.
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng pensiyon. - ・Ang mga nakaseguro sa kategoriya 1 ng pambansang-pensiyon at ang petsa ng kapanganakan ay sa o pagkatapos ng Pebrero 1, 2019, ay malilibre sa mga bayarin ng pambansang-segurong pensiyon ng 4 na buwan bago o pagkatapos ng panganganak.
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng pensiyon, o tanggapan ng munisipalidad sa inyong lugar. - Ang mga taong nakapisan sa pambansang-segurong-pangkalusugan/ National Health Insurance (NHI) ay babawasan ang
Bayarin ng seguro sa loob ng 4 na buwan mula sa buwan bago manganak (nanganak bago o pagkatapos ng Nobyembre 1, 2023)
→Para sa mga karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng munisipalid.
★Magagamit na Sistema na Itinatag ng Panukala ng Pamantayan sa Paggawa Pagkabalik sa Trabaho.
※Ang bawat programa ay may mga limitasyon sa edad ng bata at oras ng trabaho, mangyaring alamin sa inyong taga empleyo.Oras sa pag alaga ng bata (Ikuji Jikan)
Anuman ang katayuan ng trabaho, ang mga kababaihan na nagtratrabaho ng mahabang oras ay maaaring humiling ng hindi bababa sa 30 minutong pahinga sa pag alaga ng bata, 2 beses sa 1 araw, bilang karagdagan sa oras ng pahinga, habang ang bata ay wala pang 1 taong gulang. Maari itong kunin habang nasa oras ng trabaho, sa simula o sa pagtatapos ng oras ng trabaho.Pagpaikli sa oras ng trabaho, kalayaan sa dagdag-oras na pagtrabaho,
Anuman ang kasarian ng magulang na nangangalaga sa bata/mga bata, ay maaring humiling ng pagpaikli sa oras ng trabaho (6 na oras sa panuntunan) o kalayaan mula sa dagdag-oras na pagtrabaho, at hanggang gabing pagtratrabaho (mula 10:00 p.m.~ 5:00 a.m.).Paghingi ng bakasyon para sa pag alaga (Kango Kyuka)
Anuman ang katayuan sa trabaho, ang mga mangagawang nangangalaga ng mga batang hindi pa tumutuntong sa edad ng pang -elementarya ay maaring humiling ng bakasyon upang alagaan ang bata/mga bata kung magkasakit o masugatan ang mga ito, o kaya kung magpapabakuna o magpapagamot. Ang mga manggagawa ay maaring makakuha ng hanggang 5 araw na bakasyon para sa 1 bata bago ito tumuntong sa edad pang- elementarya, at hanggang sa 10 na araw para sa mahigit pa sa isang bata kada taon. Ayon sa pang oras na batayan, bilang karagdagan sa kada taunang bakasyon na may bayad.※ Depende sa sistema sa lugar ng trabaho kung ang pagkuha ng bakasyon ay binabayaran o hindi binabayaran.
→ Para sa konsultasyon, Tumawag sa Shiga Labor Bureau, Employment, Environment, at Equal Opportunity Office. TEL: 077-523-1190
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
1 Pagbabawal sa pagkakaiba-iba ng hindi makatuwirang pagtrato
Ipinagbabawal ang lahat ng klase ng pagkakaiba-iba ng hindi makatuwirang pagtrato sa pagitan ng mga regular at hindi regular na manggagawa sa parehong kumpanya (kasama pati ang pangunahing suweldo at mga bonus). Bibigyan linaw ito ayon doon sa patnubay kung anong klaseng pagkakaiba-iba ng di maktuwirang klase ng pagtrato.2 Pagpapatupad ng pananagutan tungkol sa pagtrato sa mga manggagawa
Puwedeng humiling ang mga hindi-regular na mga manggagawa sa tagapangasiwa ng negosyo na” ipaliwanag ang nilalalaman at rason patungkol sa pagkakaiba-iba ng trato sa pagitan ng regular at hindi regular na mga manggagawa”atbp. Sa ganitong kaso, ang lahat ng mga nangangasiwa ng negosyo ay kailangang magpaliwanag ng nilalaman atbp. Sa kanilang bawat manggagawa.3 Pagkakaloob ng Payo /Gabay atbp.Para sa mga tagapangasiwa ng negosyo at sa Organisasyon ng pang-alternatibong resolusyon sa pampublikong hindi pagkakaunawaan(Administrative ADR)
Ang bawat kawani para sa Trabaho ng prepektura ay haharapin ang mga libre/hindi natukoy na mga pamamaraan sa paglutas ng di pagkakaunawaan. “Pagtimbang sa Pagtrato” at sa “nilalaman/rason sa pagitan ng pagtrato” ay sasailalim sa adminitratibo ng ADR.Para sa Katanungan Kawani ng Trabaho sa Shiga 077-522-6648
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pasisimulan ang regulasyon sa pinakamahabang oras na maaaring mag-overtime(Ang maliliit hanggang katamtamang mga negosyo ay magsisimula mula Abril, 2020)
Bilang pangkalahatang tuntunin, ang pinakamahabang limitasyon sa pagtatrabaho ng overtime ay magiging 45 orasbawat buwan, 360 oras bawat taon. Kahit na sa mga natatanging kaso, kinakailangang magtakda ng limit na 720 oras bawat taon, mas mababa sa 100 oras bawat buwan (kasama ang trabaho sa piyesta opisyal), at ang maramihang buwanang pamantayan na 80 oras (kasama ang trabaho sa piyesta opisyal).Kinakailangang siguruhin ang pagkuha ng taunang bayad na bakasyon !
Bilang alituntunin, ang taunang bayad na bakasyon ay ibinibigay sa oras na ito ay hilingin ng manggagawa, subalit dahil sa pagsasaalang-alang ng mga bagay na may kinalaman sa trabaho at iba pa, may mababang porsiyento ng pagkuha nito sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan. Dahil dito, mahalagang ang lahat ng employer ng mga kumpanya ay magtakda ng panahon kung kailan maaaring makakuha ng 5 araw mula sa araw ng kanilang taunang bayad na bakasyon ang mga manggagawang mayroong 10 o higit pang araw ng taunang bayad na bakasyon at siguruhing ito ay gamitin ng manggagawa.Hindi na kailangang magtakda ng panahon ukol sa pagkuha ng taunang bayad na bakasyon ang mga employer para sa mga manggagawang nakagamit na ng 5 o mahigit pang araw ng taunang bayad na bakasyon,
☛Ang bayad na bakasyon ay binabatay sa bilang ng taon ng serbisyo. Ang manggagawa ay gagawa ng kahilingan sa kanyang employer kung kailan niya ito nais na gamitin.
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
■ Pagtatakda sa panahon ng pagtanggap ng serbisyo ng mga manggagawa buhat sa isang haken gaisha at ang obligasyon ng paggawa ng kontrata sa trabaho.
Maliban sa ilang mga negosyo, itinakda ang 3 taon bilang pinakamahabang panahon na ang manggagawa ng isang haken gaisha (haken rodosha) ay maaaring makapagtrabaho sa isang kliyenteng kumpanya (haken saki). Kapag ang manggagawa ay pinagtrabaho ng higit sa itinakdang panahong ito, kailangang hilingin ng kliyenteng kumpanya sa manggagawa ang pagpirma ng isang kontrata sa trabaho.
Sa binagong batas para sa mga manggagawang “haken” (Worker Dispatch Law in 2015), bilang isang pansamantalang manggagawa, ang pagtatrabaho sa parehong gawain sa iisang pagawaan nang higit pa sa 3 taon ay hindi pinapayagan. Maaaring makapagtrabaho ng higit sa 3 taon pagkatapos na sundin ang ilang patakaran, subalit kailangan ang paglipat sa ibang lugar (seksyon) ng trabaho. Mula Setyembre, 2018, kung ang isang manggagawa ay inaasahang magpatuloy na magtrabaho sa parehong gawain sa iisang lugar nang tuluy-tuloy na 3 taon, maaari siyang makatanggap ng “panukala sa pagpapatatag ng trabaho” (obligasyon) mula sa ahensiya (haken gaisha) tulad ng nakasaad sa ibaba.
Ang mga manggagawa na inaasahang magtatrabaho nang higit sa isang taon subalit mas maikli sa 3 ay nasasakop sa obligasyon ng haken gaisha na sila ay himukin na magsikap nang sapat. Ang mga “manggagawang haken na nagtatrabaho ng walang taning sa kliyenteng kumpanya” at mga “manggagawang haken na mahigit sa 60 taong gulang”, atbp., ay hindi nasasakop ng panukala sa pagpapatatag ng trabaho.
Nilalayon: Mga manggagawang haken na pinagtibay o nagpanibago ng kanilang kontrata pagkatapos ng Setyembre 30, 2015.
△ Mga Panukala sa Pagpapatatag ng Trabaho ( Mga obligasyon)
Ang ahensiya (haken gaisha) ay kailangang ipatupad ang alin man sa mga sumusunod na panukala mula 1. hanggang 4..
Dagdag pa rito, kung ang 1. ay hindi humantong sa pagiging direktang empleyado, kailangan ang mamili sa isa sa 2. hanggang 4..
- Paghiling sa kliyenteng kumpanya ng pagbibigay ng direktang trabaho (kung ang kliyenteng kumpanya ay umayon sa kahilingan, ang manggagawang haken ay magiging empleyado nila)
- Pagkakaloob ng mga bagong oportunidad sa trabaho (Ang mga kondisyon ay limitado sa mga makatuwirang mga bagay batay sa kakayahan at karanasan ng manggagawang haken)
- Pagbibigay ng trabahong walang taning sa loob ng haken gaisha, maliban sa trabahong haken
- Iba pang mga hakbang upang mapatatag ang pagtatrabaho
- Upang maging sakop ng “panukala sa pagpapatatag ng trabaho”, kailangang gumawa ng kahilingan ang haken gaisha para sa pagpapatuloy ng pagtatrabaho ng manggagawa kahit na tapos na ang taning na panahon ng trabaho. Maaaring hilingin ng manggagawa sa haken gaisha ang isa sa mga panukala sa pagpapatatag ng trabaho mula 1 hanggang 4.
- Sa mga kaso na kung saan pinagtrabaho ng kliyenteng kumpanya ang manggagawang haken sa mga ipinagbabawal na uri ng trabaho (port transport services, trabaho sa konstruksiyon, mga serbisyo sa seguridad, mga serbisyong medikal) o kaya ay tanggapin siya sa trabaho na labag sa itinaning na panahon, ito ay ituturing na katumbas sa pagbibigay ng kontrata sa manggagawang haken.
■Mga hakbang upang itaguyod ang pagpapalit sa walang taning na pagtatrabaho (mukikoyou)
Ang mga aplikasyon para sa walang taning na pagtatrabaho ay sinimulan na rin noong Abril, 2018. Ang mga kontrata ng pansamantalang trabaho mula at pagkatapos ng Abril, 2013, kung paulit-ulit ang pagpapanibago at humigit sa kabuuan ng 5 taon ay maaaring palitan ng kontratang walang taning sa susunod na magiging kontrata sa pamamagitan ng paghiling ng manggagawa. (Basahin ang Mimitaro blg. 126 para sa mga detalye)
Tanggapan ng Pagsangguni ukol sa Paggawa
higa Labor Bureau・Pangkalahatang Pagsangguni ukol sa Paggawa Tel. 077-522-6648 (Nihongo)
4th flr. Shiga Labor Joint Government Office Building, 14-15 Uchidehama, Otsu City, Shiga-ken“Pagsangguni sa Telepono para sa mga Dayuhang Manggagawa” 10:00 am hanggang 3:00 pm
- Ingles (Lun.~Biy.) Tel. 0570-001701
- Intsik (Lun.~Biy.) Tel. 0570-001702
- Portuges (Lun.~Biy.) Tel. 0570-001703
- Espanyol (Mar., Huw., Biy.) Tel. 0570-001704
- Tagalog (Mar., Miy.) Tel. 0570-001705
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Kailangang malinaw na ipakita ng haken gaisha (dispatching agency) ang magiging kalagayan sa trabaho sa oras ng pagpapatibay ng kontrata, ihayag ng malinaw ang halaga ng dispatching fee (kabayaran sa pagdedestino) sa oras na mag-umpisa ng trabaho, at malinaw na tukuyin ang mga itinakdang tuntunin sa trabaho.
■ Siguruhin ang pagiging sakop ng social insurance! (shakai hoken)
Maaaring makatanggap ng allowance sa pagkakasakit at pinsala, sa panganganak, benepisyo sa pag-aalaga ng bata at pag-aalaga sa miyembro ng pamilyang nangangailangan ng pag-aaruga, atbp., sa pamamagitan ng pagiging miyembro sa social insurance, kung ang mga kondisyon ay matutugunan.
△ Mga kondisyon sa pagiging miyembro ng social insurance
Ang mga nasa sumusunod na uri ng trabaho: ① opisina ng isang samahan (corporation, limited company, etc.) or ② pribadong establisyemento na may 5 o mahigit pang empleyado (maliban sa restawran, pagupitan, parlor, atbp.) at ang mga nagtatrabaho rito ng regular ay maaaring sumali sa welfare pension insurance ng mga empleyado at sa health insurance.
- Ang isang nagtatrabaho ng part-time o arubaito, na ang trabaho ay katulad ng isang regular na empleyado, na may iniatas na oras ng pagtatrabaho, at may 3/4 o mas mahaba pang araw ng pagtatrabaho, ay maaaring sumali sa seguro.
- Kahit na ang araw ng pagtatrabaho ay mas maikli sa 3/4 ng regular na mga empleyado, tulad ng nakasaad sa itaas, ang lahat ng makakatugon sa lahat ng sumusunod na 5 mga kinakailangan ay maaaring sumali sa seguro:
① Ang oras ng pagtatrabaho sa loob ng isang linggo ay itinakda sa 20 oras o higit pa ② Ang itatagal ng serbisyo ay inaasahan na isang taon o higit pa ③ Buwanang sahod na ¥88,000 o higit pa ④ Hindi isang estudyante ⑤ Nagtatrabaho sa isang kumpanya na may 501 o higit pang empleyado (ang mga nagtatrabaho sa kumpanyang mas kaunti sa 501 ang mga empleyado ay maaari ring makasali sa seguro kung ang kumpanya ay pinamamahalaan batay sa kasunduan sa pagitan ng manggagawa at nangangasiwa)
■ Maaaring magamit ang Annual Paid Leave (nenji yukyu kyuka), Child Care Leave (ikuji kyugyo), at Family Care Leave (kaigo kyugyo)
Ang mga batas sa paggawa tulad ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa (Labor Standards Act) at Batas sa Patas na Oportunidad sa Trabaho (Equal Employment Opportunity Law) ay maaari ring ipatupad sa dispatched labor (haken).
Katanungan ukol sa Employees’ Pension Insurance (kosei nenkin hoken) at Health Insurance (kenko hoken)
Tel. 0570-007-123 o 03-6837-2913 (sa iba’t-ibang wika)
△Taunang Bayad na Bakasyon (Annual Paid Leave)
Ang mga empleyado ay may karapatang kumuha ng bakasyon na may bayad.
- Ang mga empleyado na nagtrabaho ng magkakasunod na 6 na buwan mula sa araw na siya ay magsimula at nagtrabaho nang hindi bababa sa 80 porsiyento ng kabuuang itinakdang araw ng trabaho ay dapat na bigyan ng 10 araw na bayad na bakasyon ng kanyang employer. Mula rito, ibibigay ang bakasyon ng taunan batay sa haba ng serbisyo. Ang bilang ng araw na nabanggit ay para sa mga nagtatrabaho ng 5 beses sa isang linggo o 30 oras sa isang linggo o higit pa. Kahit na ang nagtatrabaho ng part-time o arubaito ay bibigyan ng taunang bayad na bakasyon batay sa araw at oras ng ipinagtrabaho.
- Ang annual leave ay hindi maaaring ipunin. Ang karapatan upang ito ay gamitin ay mapapaso pagkatapos ng 2 taon.
- Kung ang relasyon sa trabaho ay natapos dahil sa pagreretiro o pagpapaalis ng manggagawa, ang karapatan upang gamitin ang bayad na bakasyon ay matitigil.
- Ayon sa tuntunin, ang pagpapalit ng hindi nagamit na bakasyon sa pera ay hindi alinsunod sa batas.
△Bakasyon sa Pag-aalaga ng Bata・Pamilya (Child Care, Family Care Leave)
Kung matutugunan ang ilang kondisyon, maaaring gumamit ng child care leave at family care leave kahit na mga part-timer at arubaito.
- Child care leave Ang isang manggagawa ay maaaring makakuha ng bakasyong ito upang alagaan ang anak na ang edad ay mas mababa sa 1 taon.
Kondisyon upang magamit: Pagtatrabaho ng 1 taon o higit pa sa ilalim ng iisang employer. Hindi natitiyak kung ang kontrata sa trabaho ay matatapos hanggang sa ang anak ay maging 1 taon at 6 na buwan. - Family care leave Bakasyong magagamit ng mga manggagawa upang alagaan ang miyembro ng pamilya na nangangailangan ng pangangalaga. Ito ay maaaring kunin ng paunti-unti, hanggang sa kabuuang 93 araw bawat miyembro ng pamilyang nasasakop nito, na hanggang 3 beses ang limit.
Kondisyon upang magamit: Pagtatrabaho ng 1 taon o higit pa sa ilalim ng iisang employer. Hindi malinaw kung ang panahon ng kontrata ay matatapos at hindi maipagpapatuloy hanggang sa matapos ang 6 na buwan, pagkatapos na lumipas ang 93 araw mula sa nakatakdang petsa ng pagsisimula ng family care leave.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Para sa mga nagnanais na gawing trabaho ang agrikultura
Maghandang mabuti sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang bago magsimula !1. Magtipon ng mga impormasyon
- Sumangguni sa Farming Consultation Desk 2F Shiga Pref. Agricultural Educ. Info. Center (syuunou soudan madoguchi)
- Lumahok sa mga event at seminar sa agrikultura
1-2-20 Matsumoto, Otsu City
℡ 077-523-5505
2. Dumanas ng praktikal na pagsasanay sa agrikultura
“internship” (1 hanggang 6 na linggo)3. Kumuha ng kasanayan (“skill”)
- Mag-aral sa Shiga Prefectural Agricultural College (1 o 2-taong kurso)
- Sumailalim sa pagsasanay ng mga magsasakang may maunlad na kaalaman sa agrikultura at sa mga samahang pang-agrikultura
Pondo para sa Pagpapaunlad ng mga Magsasaka sa Susunod na Henerasyon (nougyou jisedai ninaite ikusei kikin)
Isang sistema na nagkakaloob ng 1.5 milyong yen bawat taon hanggang 2 taon sa mga naglalayong maging magsasaka na sasailalim sa pagsasanay ukol sa bagong mga kaalaman sa pagsasaka mula sa mga tagapagturo sa agrikultura ng prepektura, atbp., at kolehiyong pang-agrikultura ng Shiga. (May mga kondisyon.)
4. Maghanda para sa trabaho
Isang paraan upang gawing hanapbuhay ang agrikultura ay ang pagtatrabaho para sa isang samahang pang-agrikultura o para sa isang magsasaka, at ang isa pa ay ang pagkakaroon ng pansariling gawain o pagiging “self-employed”. Mayroong ilan na nagiging self-employed pagkatapos na magtrabaho para sa isang samahang pang-agrikultura. 1) Para sa mga magtatrabaho sa mga samahang pang-agrikultura at iba pang katulad nito:Maghanap ng bakanteng tungkulin sa trabaho sa Hello Work, sa “Shiga Prefecture Agriculture, Forestry and Fishery Personnel Development Fund”, at magsaliksik ng kumpanyang maaaring pasukan sa website ng mga samahang pang-agrikultura atbp.
2) Para sa magtatrabaho ng pansarili (“self-employed”):Bukod pa sa kaalaman, mahalaga rin ang paghahanda ng pondo at ng lupang pagtataniman.
▲Tiyakin ang pagkakaroon ng pondo Upang makapagsimula sa agrikultura, kakailanganin ang paunang pondo para sa puhunan (bayad sa upa sa lupang taniman, makinarya, mga pasilidad, atbp.), kapital (tulad ng pataba, pamatay-insekto, kunsumo sa kuryente at panggatong), at kailangang mayroong pondo para sa pang-araw-araw na gastos.
Pondo sa Pagsasaka para sa mga Kabataan (seinentou syuunou shikin)
Isang sistema sa pagpapahiram ng pondo nang walang interes sa mga kinilalang bagong mga magsasaka na nagsisimula sa agrikultura. (May mga kondisyon.)
▲Tiyakin ang pagkakaroon ng lupang pagtataniman Ang pagbili / pagbebenta o pagpapaupa ng lupa ay pinangangasiwaan na may pagsasaalang-alang sa pagpapanatili sa antas ng sapat na pagkain ng buong bansa, atbp. at ang tanimang lupa ay sinisiguro sa sumusunod na mga pamamaraan:
- Ang pamamaraan para sa pagkuha ng karapatan sa isang lupa ay ginaganap pagkatapos ng isang pagsusuri ng lupon sa agrikultura ng mga lungsod at bayan. *Mayroon ding mga hakbang sa pamamahala ng isang tanimang lupa na walang hahaliling magmamay-ari.
- Ipaalam ang intensyon ng pagbili / pagbebenta o pagpapaupa ng isang tanimang lupa sa sangay ng pamamahala sa agrikultura ng mga lungsod at bayan at kunin ang karapatan sa lupa sa pamamagitan ng pampublikong abiso ng Agricultural Land Utilization Accumulation Plan.
- Sa paghiram ng isang tanimang lupa, mag-apply para sa isang lupain na pinangangasiwaan ng Shiga Prefecture Agricultural Land Intermediary Management Organization.
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
*Para sa mga empleyado na nasa ilalim ng isang ahensiya o haken shain, sasakupin nito ang kontratang napagkasunduan nila ng ahensiya (haken gaisha).
Ⅰ Pagpapalit sa kontrata ng trabaho na walang taning (muki roudou keiyaku)
Kapag ang isang kontrata ng pansamantalang trabaho sa pagitan ng iisang employer at empleyado ay paulit-uli ang pagpapanibago (renewal) at lumagpas sa kabuuan ng 5 taon, ito ay maaaring palitan ng isang kontrata na walang limitasyon ang panahon (kontrata ng trabaho na walang taning) ayon sa kahilingan ng empleyado.- Kasama sa pagbilang ng kabuuang haba ng kontrata ang mga kontrata ng pansamantalang trabaho na pinagtibay simula at pagkatapos ng Abril 1, 2013. Gayunman, kung mayroong pagitan sa panahon ng pagtatrabaho na hindi napagtibay ang kontrata nang sunud-sunod na may 6 na buwan o higit pa, (kung ang panahon ng kontrata ay mas maigsi sa 1 taon, higit sa kalahati nito) ang mga naunang panahon ng kontrata ay hindi isasama sa pagbilang ng kabuuang haba ng kontrata.
- Ang kahilingan para sa isang walang taning na kontrata ng pagtatrabaho ay maaaring gawin anumang oras sa loob ng panahon na may tibay ang nilagdaang kontrata na ang kabuuan ay lumalagpas sa total na 5 taon. Ito ay itinuturing nang aprobado sa oras ng pagpasa ng kahilingan at ang walang taning na kontrata ay magsisimula ang bisa mula sa susunod na araw makaraang mapaso ang kontrata ng pansamantalang trabaho sa oras ng aplikasyon.
- Maliban kung tutukuyin, ang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa kontratang walang taning (tulad ng regulasyon ng kumpanya, indibidwal na kontrata ng paggawa) ay itutulad sa mga naunang kontrata ng pansamantalang trabaho.
Ⅱ Pagpapatibay ng Regulasyon sa “Pagpapatigil ng Trabaho” (yatoi dome)
Sa ilang kaso, may mga tuntunin ang batas na hindi pinahihintulutan ang pagpapatigil ng employer sa trabaho ng kanilang manggagawa. Kapag tumanggi ang isang employer na ipagpatuloy ang kontrata ng pansamantalang trabaho, ang trabaho ay matatapos kasabay ng pagkapaso sa kontrata nito. Gayunpaman, ito ay walang bisa sa mga sumusunod na ① at ② sa ginawang probisyon sa batas ng kontrata sa paggawa:- ①Kung ang kontrata ng pansamantalang trabaho ay paulit-ulit na pinahaba sa nakaraan at kung ang pagtanggi sa pagpapanibago ng kontrata sa pagtatapos nito, ayon sa pamantayan ng lipunan, ay magiging katumbas ng pagsisisante sa isang manggagawang may kontratang walang taning.
②Kung may maituturing na makatwirang dahilan upang umasa ang isang manggagawa na ang kanyang naturang kontrata ng pansamantalang trabaho ay maipagpapatuloy sa oras na ito ay mapaso.
Ⅲ Pagbabawal sa Hindi Makatuwirang Kondisyon sa Paggawa
Sa kadahilanan ng pagkakaroon ng hangganan ang trabaho, ipinagbabawal ang paglalapat ng hindi makatwirang pagkakaiba sa kondisyon sa paggawa sa pagitan ng mga empleyadong may kontrata ng pansamantalang trabaho at ng mga empleyadong walang taning ang kontrata.*Sanggunian: Kawanihan ng Paggawa ng Shiga (Labor Bureau) Tanggapan para sa Kondisyon at Pagkakapantay-pantay sa Trabaho Tel. 077-522-6648
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Bilang patakaran, ang childcare leave at family care leave ay maaaring gamitin habang tumatanggap ng benepisyong 67% ng sahod ng empleyado sa araw ng pagsisimula ng bakasyon buhat sa seguro sa pagtatrabaho, mula sa araw na magsimula ang bakasyon, kung ang mga kondisyon ay matutugunan. Ang mga manggagawang may kontrata ng pansamantalang trabaho ay magiging karapat-dapat rin kung matutugunan ang mga sumusunod na kinakailangan:
Mga Kailangan sa Childcare Leave at Family Care Leave ng mga Manggagawang may Kontrata ng Pansamantalang Trabaho
Childcare Leave (ikuji kyuugyou)- ①Isang taon o mas matagal pa nang patuloy na pagtatrabaho para sa parehong employer.
②Hindi malinaw kung magpapatuloy ang kontrata ng paggawa hanggang sa ang anak ay maging 1 taon at 6 na buwan.
- ①Isang taon o mas matagal pa nang patuloy na pagtatrabaho para sa parehong employer.
② Hindi malinaw kung ang panahon ng kontrata ay matatapos at hindi maipagpapatuloy hanggang sa matapos ang 6 na buwan, pagkatapos na lumipas ang 93 araw mula sa nakatakdang petsa ng pagsisimula ng family care leave.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Public Employment Security Office (Hello Work)
Ang ahensiya ng bansa na tumutugon sa pagbibigay ng rekomendasyon o pagpapakilala sa trabaho, konsultasyon ukol sa pagtatrabaho, at iba pa, ay ang Public Employment Security Office (Hello Work). Ginaganap rin dito ang iba’t-ibang uri ng pagsangguni ukol sa mahalagang mga regulasyon sa kontrata sa pagpasok sa trabaho, mga pagsangguni ukol sa seguro sa trabaho (employment insurance), atbp.Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pagbabawal sa diskriminasyon batay sa nasyonalidad
Ang mga employer ay pinagbabawalang magdiskrimina na batay sa nasyonalidad, pananampalataya, o katayuan sa lipunan, at kinakailangang tratuhin ang lahat ng empleyado nang patas sa sweldo, oras ng pagtatrabaho at iba pang kondisyon sa trabaho. (Artikulo 3 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Malinaw na paglalahad ng mga kondisyon sa trabaho
Sa pagpirma ng kontrata, kinakailangang ilahad nang malinaw ng employer sa empleyado ang mga kondisyon sa trabaho tulad ng sahod at oras ng pagtatrabaho. Ang mga tuntuning may kinalaman sa sahod ay kailangang malinaw na ihayag nang nakasulat. (Artikulo 15 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Sa pagtanggap sa trabaho sa mga dayuhang empleyado, ang mga employer ay kailangang magbigay ng nakasulat na detalye ng sahod, oras ng pagtatrabaho, at iba pang mahalagang kondisyon sa pagtatrabaho (abiso sa pagkatanggap sa trabaho) na ang nilalaman ay maaari nilang maunawaan.
Pagbabawal sa sapilitang pagtatrabaho at pagsasamantala bilang tagapamagitan
Ang mga employer ay pinagbabawalang gumamit ng karahasan o pananakot upang sapilitang magtrabaho ang isang empleyado na laban sa kanyang kagustuhan. Pinagbabawalan rin ang mga employer na kumita sa pamamagitan ng pagtulong sa isang tao na makahanap ng trabaho maliban kung siya ay pinahihintulutan ng batas na masangkot sa serbisyo ng job placement.Pagbabawal sa pagmumulta sa paglabag ng kontrata sa trabaho at kontratang nagsasaad ng halaga ng danyos o bayad-pinsala
Ang employer ay pinagbabawalang gumawa ng isang kontratang nagsasaad ng itinakdang halaga ng pagmumulta o kabayaran sa kanya ng isang empleyado dahil sa paglabag nito sa kontrata tulad ng maagang pagbibitiw sa tungkulin bago matapos ang kanyang kontrata. (Artikulo 16 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Pagbabawal sa pagpapaalis sa trabaho sa panahon ng pagpapagamot ng pinsala o sakit na dulot ng trabaho
Ang mga employer ay pinagbabawalang paalisin ang isang empleyado sa panahon na siya ay nagpapahinga dahil sa pagpapagamot ng pinsalang tinamo sa trabaho o sakit, at sa loob ng 30 araw makaraan ang panahong ito. (Artikulo 19 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Paunang abiso ng pagpapaalis sa trabaho
Kailangang magbigay ng paunang abiso na hindi kukulangin sa 30 araw ang employer sa kanyang empleyado bago siya tanggalin sa trabaho. Kapag hindi nagawang magbigay ng employer ng 30 araw na paunang abiso, kailangang bigyan ng employer ang empleyado ng kabayaran sa pagpapaalis sa trabaho ng halagang katumbas sa karaniwang arawang sahod na mumultiplikahin sa bilang ng natitirang araw hanggang sa 30 araw bago ang pagpapaalis sa kanya. Gayunman, ang patakarang ito ay hindi magagamit sa mga kaso na katulad ng mga natural na mga kalamidad o mga pangyayaring hindi makokontrol ng employer, kung saan ang kumpanya ay hindi makapagpatuloy sa pagnenegosyo, o sa mga kaso na kung saan ang empleyado mismo ang naging dahilan ng kanyang pagkakaalis sa trabaho. Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pagpapatibay ng tagapamahala ng Labor Standards Inspection Office. (Artikulo 20 at 21 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa).Pagbabayad ng sahod
Ang sahod ay kinakailangang bayaran ng direkta sa empleyado sa kabuuan nitong halaga sa salaping yen sa itinakdang petsa nang minsan o higit pa sa isang buwan. Gayunman, ang employer ay pinapahintulutan, ayon sa batas, na mag-awas ng tiniyak na halaga mula sa sahod para sa bayad sa buwis, bayad sa seguro para sa kawalan ng trabaho, at bayad sa unyon ayon sa kasunduan ng unyon at ng pangasiwaan. (Artikulo 24 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Pinakamababang pasahod (Minimum wage)
Ang pasahod na ibibigay ng isang employer sa kanyang empleyado ay hindi dapat na mas mababa sa pinakamababang pasahod (minimum wage) na itinakda ng batas. May itinakdang minimum wage para sa bawat rehiyon at sa uri ng industriya. (Batas sa Pinakamababang Pasahod)Oras ng pagtatrabaho at pagpapahinga
Ang oras ng pagtatrabaho na alinsunod sa batas ay itinakda sa 8 oras bawat araw at 40 oras bawat isang linggo, maliban sa mga lugar ng trabaho sa ilang kategoriya ng hanapbuhay na pinapahintulutan ng 46 na oras ng pagtatrabaho sa loob ng isang linggo. (Artikulo 32 at 40 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa). Ang isang araw ng pahinga ay dapat na ipagkaloob ng isang beses sa isang linggo o 4 na beses sa loob ng 4 na linggo (Artikulo 35 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa).Dagdag na sahod para sa overtime, mga araw ng pahinga (holiday) at trabaho sa hatinggabi
Ang mga employer ay dapat na tumupad sa ilang patakaran upang makapagtrabaho ang kanyang mga empleyado ng sobra sa oras na itinakda ng batas o sa mga araw ng pahinga. (Artikulo 36 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa). Ang mga empleyadong nagtatrabaho ng lagpas sa oras na itinakda ng batas ay may karapatang tumanggap ng dagdag na sahod na higit sa 25% na mas malaki kaysa sa karaniwang sweldo bawat oras o sweldo bawat araw, at 35% para naman sa pagtatrabaho sa mga araw ng pahinga o holiday. Gayundin, ang mga empleyadong nagtatrabaho sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi at 5:00 ng umaga ay maaaring tumanggap ng dagdag na sahod na higit sa 25% na mas malaki kaysa sa karaniwang sahod. (Artikulo 37 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Taunang bakasyon na may bayad
Ang employer ay kailangang magbigay ng taunang bakasyon na may sahod sa mga empleyadong pumasok nang magkakasunod na 6 na buwan at nagtrabaho nang mahigit sa 80% sa loob ng panahong ito. (Artikulo 39 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Pagbabalik ng mga Pag-aari ng Empleyado
Ang mga dayuhang residente ng Japan ay kinakailangang dalhin ang kanilang pasaporte o ang kanilang residence (zairyu) card sa lahat ng oras (Artikulo 23 ng Batas sa Imigrasyon) kung kaya’t hindi ito dapat na kunin ng kanilang employer o ang iba pa mang dokumento. Kailangang ibalik ng employer sa empleyado ang salapi o mga bagay na pag-aari ng empleyado sa loob ng 7 araw sa oras na ito ay hilingin ng empleyado. (Artikulo 23 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho
Ang employer ay kailangang gumawa ng mga hakbangin upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado sa trabaho, tulad ng pagtuturo sa mga empleyado ng ukol sa kaligtasan at kalusugan (simula sa kanilang pagpasok), pagpapatupad ng pagsusuri sa kalusugan (medical check-up) at pagpapanukala ng mga paraan upang maiwasan ang panganib o kapansanan ng mga empleyado. (Batas sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho)Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pagbibitiw sa trabaho dahil sa pansariling kadahilanan
Tiyakin muna ang nilalaman at mga panuntunan ukol sa pagbibitiw sa trabaho na nasa pamantayang patakaran sa pagtatrabaho . Ayon sa Kodigo Sibil (Artikulo 627), bilang isang pangkalahatang panuntunan, ang kontrata sa paggawa na walang taning sa panahon ay tatapusin pagkaraan ng 2 linggo pagkatapos na magharap ng abiso ng pagbibitiw sa trabaho ang empleyado. Gayunman, ang biglaang pagbibitiw na ito ay maaaring makaabala sa kumpanya sa paghahanap ng magpapatuloy sa maiiwang gawain, at iba pa, kung kaya’t nararapat na lubos na mag-usap ang empleyado at ang kumpanya ukol sa tamang petsa ng pagbibitiw.Pagpapaalis ng employer sa empleyado
Ang employer ay kailangang magbigay ng abiso na hindi bababa sa palugit na 30 araw bago ang pagpapaalis sa isang empleyado. Kung hindi makapagbigay ng palugit na 30 araw, dapat na bayaran ng employer ang “dismissal allowance” na katumbas sa pamantayang arawang sahod na mumultiplikahin sa mga araw na kulang upang mabuo ang palugit na 30 araw bago ang mismong araw ng pagpapaalis. (Artikulo 20 at 21 ng Batas ng Pamantayan sa Paggawa)Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
厚生労働省 外国人労働者向け情報(多言語)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
OTIT Organization for Technical Intern Training for Foreigners Pagsangguni gamit ang katutubong wika
Tel 0120-250-147(英語 English)Tel 0120-250-169 (中国語 中文)
Tel 0120-250-197(タガログ語 Tagalog) at iba pa
Japan International Training Cooperation Organization (JITCO) Technical Interns, Pagsangguni sa telepono para sa mga trainee sa kanilang katutubong wika
Tel 0120-022332/ 03-4306-1111Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
- Mga taong hindi limitado at maaaring magpaulit-ulit ng pagtatrabaho sa Japan.
- Miyembro ng seguro ng 12 buwan o higit pa sa loob ng 2 taon bago ang pagtigil sa trabaho. (Sa kaso ng pagkatanggal sa trabaho o pagkalugi ng kumpanya, pagiging miyembro ng seguro ng 6 na buwan o higit pa sa loob ng 1 taon bago ang pagtigil sa trabaho)
- Napatunayan na ang kwalipikasyon ng nakaseguro ay nawala dahil sa pag-alis niya sa trabaho.
- Hindi makakuha ng trabaho kahit na nais na magtrabaho.