Ang tungkol sa tugon sa impeksiyon ng bagong nobelang coronavirus sa panahon ng bakasyon sa Obon. Kasama na ang mga pang-emerhensiyang sistemang medikal ay ang mga sumusunod.
Kung wala kayong sintomas at hindi nagkaroon ng malapitang pakikipag-ugnayan sa taong may impeksiyon, mangyari po lamang gamitin ang programang libreng pagsusuri ng PCR sa Prepektura ng Shiga.Para sa karagdagang impormasyon mangyaring e-click po dito「【無症状の方限定】PCR検査・抗原定性検査の受検について」
Tugon sa impeksiyon ng bagong nobelang coronavirus sa panahon ng bakasyon sa Obon (Sa mga taong may mga sintomas kagaya ng trangkaso tulad ng lagnat.
1 Tungkol sa medikal na gamutan
- Kung mayroon kang mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo, pagtatae, panghihina ng katawan, hirap sa pang-amoy at panlasa, upang maiwasang magkaroon ng malapitang-pakikipag -ugnayan sa ibang pasyente, maaaring tukuyin ang oras at paraan ng konsultasyon, kaya mangyaring makipag-ugnayan muna sa klinika bago bumisita sa pamamagitan ng telepono
- Kung ang iyong mga sintomas ay banayad tulad ng bahagyang lagnat at ubo, at kung maaari kang makapaghintay hanggang sa inyong susunod na araw ng konsultasyon, mangyaring bigyang-pansin ang iyong pisikal na kondisyon at makipag-ugnayan sa iyong lokal na klinika sa pamamagitan ng telepono sa susunod na araw ng konsultasyon upang makatanggap ng medikal na pagsusuri.
- Kung ang iyong mga sintomas ay lumala at hindi ka makapaghintay hanggang sa susunod na araw ng konsultasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na klinikang-pang emerhensiya sa panahon ng bakasyon sa obon sa departamentong-pang-emerhensiya sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono ng maaga upang makatanggap ng medikal na paggamot.
- Kung hindi ka sigurado kung saan hihingi ng payo o konsultasyon, tulad ng kapag hindi ka kayang gamutin ng inyong pang-pamilyang doktor o iba pang malapit na medikal na pasilidad, Nakahandang tugunan ang inyong tawag sentro ng konsultasyon 24 oras sa isang araw, araw-araw
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa Pang-medikal ng eksaminasyon at Sentro ng Konsultasyon
Para sa mga taong nakatira sa lungsod ng Otsu (Wikang hapon lamang)
TEL 077-526-5411FAX 077-525-6161
Para sa mga taong nakatira sa labas ng lungsod ng Otsu(may serbisyong tagapag-salin salita/interpreter)
TEL 077-528-3621FAX 077-528-4865
2 Konsultasyon para sa nakakaranas ng epekto (side reaction) pagkatapos ng pagbabakuna
Upang tumugon sa mga konsultasyon para sa mga nakakaranas ng epekto (side reaction) pagkatapos ng pagbabakuna laban sa bagong coronavirus, nagtatag kami ng pang- 24 oras na tanggapan ng konsultasyon gaya ng mga sumusunodTanggapan ng konsultasyon(wikang hapon lamang)
TEL 077-528-3588 (24 oras)FAX 077-528-4867
Tungkol sa Pang-emerhensiyang- sistemang-medikal na pangangalaga sa panahon ng Obon na bakasyon
1 Gabay para sa impormasyon ng institusyong medikal
Nagbibigay kami ng gabay sa mga institusyong medikal 24 oras kada araw, 365 araw sa isang taon. Gayunpaman, dahil sa mga kalagayan ng institusyong medikal, maaaring hindi sila makapagbigay ng medikal na pagsusuri, kaya mangyaring makipag-ugnayan sa institusyong medikal nang maaga at kumpirmahin bago ka bumisita.(1)Patnubay sa pamamagitan ng Internet
Medical Net Shiga (Link sa isang panlabas na sayt. Awtomatikong pagpapatakbong-pagsasalin para sa English/Inglis, Chinese/Intsek, at Korean)(2)Gabay sa telepono (wikang hapon lamang)
Gagabayan ka ng isang awtomatikong boses sa mga institusyong medikal sa mga sumusunod na lugar.Pakitandaan na sa panahon ng Obon, maaaring masyadong abala ang linya.
Mga numero ng telepono ng Impormasyon para sa bawat lugar
[Otsu] 077-525-3799[Kusatsu・Moriyama・Ritto・Yasu] 077-553-3799
[Koka・Konan] 0748-62-3799
[Omihachiman・Higashiomi・Gamo・Echi ] 0748-23-3799
[Hikone・Inukami] 0749-23-3799
[Nagahama・Maibara ] 0749-63-3799
[Takashima] 0740-22-3799
2 Konsultasyon sa Telepono para sa pang-emerhensiyang medikal-pangangalagang-pambata/Pedriyatik(wikang hapon lamang)
Kapag hindi ka sigurado kung tatawag ng ambulansya o pupunta sa ospital dahil sa pinsala ng iyong anak o biglaang pagkakasakit, maaari mong gamitin ang serbisyong ito upang humingi ng payo ng eksperto sa pangangailangan ng medikal na atensyon at kung paano tumugon sa sitwasyon.Kung naghahanap ka ng institusyong medikal, mangyaring gamitin ang Medical Net Shiga o ang telepono ng impormasyon.
(1)Mga Petsa at Oras ng konsultasyon
●Karaniwang mga araw at araw ng Sabado・・・・・6 ng gabi~8 ng umaga ( sa sunod na umaga)●Araw ng linggo. Mga walang pasok na araw・・・・・・・9 ng umaga~8 ng umaga ( sa sunod na umaga)
(2) Saklaw na mga tao
Mga batang nakatira sa loob ng Prepektura na mababa sa 15 taong gulang(3)Kontak na numero
「#(Hash mark)8000」(push line ng pang-kalahatang telepono, pam-publikong telepono, mobile na telepono) o kaya 「077-524-7856」(e-diyal ang linya para sa pangkalahatang-telepono , optikal na telepono , IP phones, at iba pa.)※Pakintandaan※
- Ang konsultasyon sa telepono ay isang serbisyo lamang sa konsultasyon sa telepono, hindi isang medikal na pagsusuri o paggamot.
- Mangyaring pakitandaan na ang linya ay inaasahang magiging partikular na abala sa panahon ng Obon. Kung hindi kaagad matawagan, mangyaring maglaan ng ilang oras at tumawag muli.
〇Kung hindi ka nakakaintindi ng Nihongo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Shiga Gaikokujin Soudan Center/Sentro ng Impormasyon para sa mga dayuhang residente ng Shiga
(Lunes ~Biyernes 10:00 ng umaga-17:00 ng hapon ※Sarado sa mga araw ng Sabado.Linggo at mga araw sa pagtatapos ng Linggo at mga bakasyong araw)TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel