
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sa mga “Senyur Hayskul” iniaalok at inuuri ang mga sumusunod na kategorya depende sa sistema ng pag-aaral:
- Buong araw na sistema:
- Katulad sa JHS, may mga klase sa umaga at klase pagkatapos ng tanghalian. 3 taon na sistema.
- Kabahaging oras/ Part-time na sistema:
- Mag aaral ang mga estudyante sa mga partikular na oras sa pang- araw at sa panggabi, maaaring magtapos sa alinman sa 3~4 na taon.
- Korespondensiyang sistema:
- Pag aaralan ng mga estudyante ang mga pangunahing mga aralin sa bahay at magsusumite ng mga ulat, kung minsan ay pumapasok para sa mga panayam at gabay. Maaaring makapagtapos sa loob ng 3~4 na taon.
~ Mga Mataas na Paaralan at iba mga Paaralan sa loob ng Prepektura ng Shiga ~
- Para sa impormasyon sa Senyur Hayskul sa Prepektura ng Shiga e-click dito → Yume no Sekkeizu (Wikang Hapon・Portugal・Espanyol・Intsek・Tagalog)
- Para sa impormasyon sa mga Pribadong Senyur Hayskul sa Prepektura ng Shiga e-click dito → 滋賀県私立高等学校の情報
- Paaralang-Teknoholikal sa Prepektura ng Shiga (Techno College) Ang mga paaralan ng pagsasanay sa bokasyonal ay idinisenyo upang mabigyan ang mga mag-aaral ng kaalaman at kasanayang kinakailangan upang makapasok ng trabaho. May mga panandaliang kurso na tumatagal mula anim na buwan hanggang isang taon, pati na rin ang dalawang taong kurso.
- Ang mga paaralan para sa espesyal na pagsasanay atbp. Ang mga estudyante ay maaring makapag aral ng mga pampraktikal bokasyunal na edukasyon at espesiyalisadong pang-teknikal na edukasyon. Ang mga paaralan na may mataas na programang pang-edukasyon ay nagpapahintulot sa mga mag aaral na na makapasok ng may deploma sa junyor hayskul → Otsu Medical Association Practical Nursing Specialized Training School
滋賀県立高等技術専門校(テクノカレッジ)
→ Otsu Medical Association Practical Nursing Specialized Training School
Mga programang suporta para sa mga gastusin sa matrikula at iba pang gastusing pang- edukasyon
- Pondong-suporta para sa mga bayarin sa matrikula (Kotogakkotou Shugaku Shienkin):
- Isang pambansang programang suporta sa mga bayarin sa matrikula sa mga senyur hayskul hindi alintana ang klase ng paaralan, mapa-pambansa, pampubliko o pribado man ito. (hindi na kailangan bayaran) Isusumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng paaralan at hindi ito direktang ibinibigay sa mga tagapangalaga, sa halip ay tatanggapin ito ng paaralan at ilalaan ito sa mga bayarin para sa matrikula.
- Kwalipikado: Sambahayang may taunang kita ang tagapangalaga ng mas mababa sa 9.1 milyong yen ay maaring mag-aplay
「Tulong -pinasiyal para sa mga mag aaral na namomoroblema sa kanilang mga bayarin sa paaralan. “Iskolarsip na ibinibigay mula sa Prepektura ng Shiga”」、「at “Ibinibigay na iskolarsip /Mga subsidyong pang-edukasyon para Sa mga mag aaral na part-time at mga nasa ilalim ng sistemang korespondesiyang senyur hayskul sa Prepektura ng Shiga “Kotogakkoto Teijiseikatei oyobi Tsushinseikatei Shugakushoreikin”at “Ibinibigay na iskolarsip /Mga subsidyong pang-edukasyon para Sa mga mag aaral na part-time at mga nasa ilalim ng sistemang korespondesiyang senyur hayskul sa Prepektura ng Shiga “Kotogakkoto Teijiseikatei oyobi Tsushinseikatei Shugakushoreikin”
Proseso ng pagpili para sa mga pampublikong senyur hayskul sa Prepektura ng Shiga ay mababago sa isang bagong sistema simula sa mga estudyanteng nakatakdang papasok sa Abril 2026!
Ang mga dating 4 na paraan ng pagpipili “Pagpili sa ilalim ng Rekomendasyon” “Rekomendasyon sa Isports, Kultura at Sining,” “Espesyal na pagpili,” at “Pangkalahatang pagpili”. Sa ilalim ng bagong sistema ay magkakaroon ng 2 uri ng pagpili, “pangkalahatang pagpili” at “pagpipiliang partikular na paaralan,” upang mabawasan ang pasanin sa mga pagsusulit, maaring kumuha ng sabay ang mga magsusulit. Ang lahat ng mga aplikante (full-time at part-time) ay kukuha ng pagsusulit sa pang akademikong pagkamit (5 asignatura: Hapon, Matematika, Araling Panlipunan, Agham, at Banyagang Lenguwahe (English)) sa huling bahagi ng Pebrero.Bilang karagdagan, ang Sistema ng aplikasyon ay babaguhin sa isang web-based/online na sistema.
Para sa mga detalye, pakitingnan ang website ng paaralan o ang Lupon ng Edukasyon sa Prepektura ng Shiga.
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sa Prepektura ng Shiga, mayroong 93 na pampublikong (itinatag ng lungsod/bayan) junyor hayskul. Bilang karagdagan mayroon din pambansa, pang-prepektura, pang-pribado, pang-sapilitang-edukasyon na paaralan (pinagsamang elementarya at junyor hayskul) at mga paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan (may kapansanan). (Simula sa Abril 1, 2024)
Ang paaralan na nais mong pasukan ay pangangasiwaan ng distrito ng paaralan kung saan kayo nakatira.
Kung nais ninyong pumasok sa pambansa, pang-prepektura o kaya pang-pribadong junyor hayskul kinakailangan ninyong kumuha ng pagsusulit para sa pagpasok. Para sa mga nais kumuha ng pagsusulit kinakailangan isangguni ninyo ito sa inyong mga guro simula sa nakakataas na baitang sa elementarya upang makapagdisisyon sa nais na landas ng karera.
~Tungkol sa Pamumuhay sa Paaralan~
Q Mga anu-anong asignatura ang pag-aaralan mo sa junyor hayskul?
A Sa junyor hayskul, pinagaaralan ng mga mag aaral ang 9 asignatura (Japanese, Matematika, Araling-panlipunan, Agham, Ingles, Musika, Sining, Kalusugan, Pisikal na Edukasyon, Teknolohiya, at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan). iba-iba ang mga guro sa bawat asignatura. Mayroong regular na pagsusulit (Pang-gitna at pang huli) 4 o kaya’y 5 beses kada taon. Bilang karagdagan, mayroon din ilang mga pagsusulit ng kasanayan na ibinibigay ng ilang beses sa isang taon, at ang resulta ng mga pagsusulit na ito ay ginagamit bilang sanggunian kapag isinasaalang-alang kung saan na senyur hayskul nais mag aral. Ang mga grado ay ibinabatay sa mga resulta ng mga regular na pagsusulit, paglahok sa klase, pagkaantala, pagliban, at pagsusumite (mga pagtala at takdang-aralin). Mahalaga rin ang pagsusuri para sa mga mag-aaral na gustong pumasok sa hayskul. Dahil ang junyor hayskul ay isang obligadong -edukasyon, walang bagsak na grado ito.Q Ano ang mga aktibidad sa klab (bukatsudo)?
A Ang mga aktibidad sa klab ay boluntaryong aktibidad ng mga mag-aaral at sa pangkalahatan, malaya ang mga mag aaral na sumali sa mga nais nilang salihan. May mga isports klab (baseball, soccer, basketball, track & field, tennis, atbp.) at pang-kultural na klab (sining, bandang-pang-martsa, mga likha-kamay, drama, atbp.), at ang mga uri ng ng aktibidad ng klab ay nag-iiba-iba sa bawat paaralan. Ang mga aktibidad ay pangunahing ginagawa pagkatapos ng klase at sa mga huling araw ng linggo. Nakikipag ugnayan din sila sa mga mag aaral sa iba't ibang baitang at kung minsan ay sumasali sa mga kumpetisyon at paligsahan.Q Mga anu-ano pa ang iba pang mga aspeto sa pamumuhay sa paaralan.
A Karamihan sa mga junyor hayskul ay may uniporme sa bawat paaralan. Ang mga uniporme sa tag-araw ay isinusuot mula Hunyo hanggang Oktubre, at ang sa tag-lamig ay mula Oktubre hanggang Hunyo. Ang uniporme sa gym ay pina- ngangasiwaan ng paaralan.Ang ilang paaralan ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na mag-komyut papasok sa paaralan sa pamamagitan ng bisikleta o tren. Ang mga magbibisikleta ay dapat may kandado ang kanilang bisikleta, magsuot ng helmet, at may seguro/insurance sa bisikleta. Sundin ang mga patakaran sa trapiko kapag papunta at pauwi mula sa paaralan.
Mayron programang tinatawag na “linggo ng tsalenge para sa mga junyor hayskul (Chugakusei). Ito ay 5 araw na karanasan sa trabaho sa kanilang pang ika-2 taon sa junyor hayskul bilang isang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa mga taong nagtatrabaho na nasa hustong gulang na at pag-isipan ang kanilang kinabukasan. (Lahat ng pampublikong junyor hayskul sa Prepektura ng Shiga ay nag-aalok ng programang ito.)
Q Nais kong malaman ang kalagayan ng anak ko sa paaralan....
A Maaaring pag usapan ang tungkol sa pamumuhay sa paaralan at pag-aaral ng inyong anak sa panahon ng pribadong pag uusap-usap (kojin kondan). Sa ikatlong taon sa junyor hayskul, ang mag aaral, magulang at titser ay mag uusap-usap (sansha mendan) upang talakayin ang plano sa hinaharap pagkatapos ng pagtatapos at pagsusulit sa pagpasok sa senyur hayskul. Huwag mag atubiling komunsulta sa inyong guro kung kinakailangan o kung mayron mga ipinag-aalala.Q Mga anu-anong kailangan na gastusin sa junior hayskul?
A Walang bayad para sa matrikula at mga aklat-aralin, ngunit may bayad para sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan (uniporme, damit sa gym, swimsuit, sapatos sa gym, bag, mga gamit sa aktibidad sa klab, atbp.) at mga gastusin para sa buong taon (pagkain sa tanghalian, pandagdag na materyales, mga gamit sa paaralan, pagpamiyembro sa PTA, lakbay-aral at bayarin ng paaralan para dito, aktibidad ng Klab, mga bayarin sa pag-komyut sa paaralan, atbp.) ay kinakailangan.- ※ Sistemang-tulong-pinansiyal (Shugaku enjo seido)
- Ang sistemang ito ay nagbibigay ng paunang tulong sa mga magulang ng mga mag aaral na pumapasok sa pampublikong junyor hayskul para sa mga kinakailangan gastusin para sa pagpasok sa paaralan, tulad ng mga gamit sa paaralan, mga gamit sa pag-komyut at bayarin ng pagmiyembro sa PTA. Ang mga magulang na saklaw sa proteksyon-pangkabuhayan ng gobyerno (seikatsu hogo) at sa mga nararapat na katulad na proteksyon. Para sa karagdagang impormasyon mangyaring makipag-ugnayan sa inyong paaralan o sa lupon ng edukasyon ng munisipalidad
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
「Patnubay na landas sa pagpili ng karera」 “Sa mga mag aaral at mga magulang nito na may dayuhang pinagmulan ”
- Petsa: Oktubre 27 (Linggo) 1:30pm - 4:00pm
- Lugar: “G-NET Shiga” Malaking bulwagan/ Large Hall (Lungsod ng Omihachiman)
- Maaring lumahok: Mga batang may dayuhang pinagmulan (mula ika-5 baitang hanggang junyor hayskul) at mga magulang/tagapag-alaga sa mga ito.
Para sa inyong katanungan
Shiga Intercultural Association for Globalization Tel 077-526-0931 email mitsuda@s-i-a.or.jpKaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Alternatibong Paaralan (Free School)
Mayron ibang mga lugar upang matuto na kakaiba sa paaralan. Nagbibigay ito ng iba't ibang pagkakataong pag aaral para sa mga batang hindi makapag aral at isang mapayapa at ligtas na lugar para sa kanila na manatili, mapa- mental at pisikal na paraan. Ang ilang mga lungsod at bayan ay nag-aalok ng mga subsidyo para sa mga batang pumapasok sa mga alternatibong paaralan, kaya mangyaring alamin sa inyong munisipal na lupon ng edukasyon.Online na Pag-aaral para sa mga batang may dayuhang pinagmulan
・ABC Free School Suportang pag aaral sa mga dayuhang mag aaral para pagpasok sa senyur hayskul sa Japan. Online na pag aaral. (may bayad)・NICO PROJECT / YSC Global School Pag aaral sa Online ng mga takdang-aralin sa wikang hapon mula sa mga eksperto. (may bayad)
Ang Panggabing Junyor Hayskul (Yakan Chugaku)
Ang Panggabing Junyor Hayskul ay para doon sa mga mag aaral na lumagpas na sa edad para sa sapilitang-edukasyon (15 taon gulang) na hindi nakumpleto ang Junyor Hayskul na pag aaral o hindi nagkaroon ng sapat na pag aaral sa ibat’ibang kadahilanan, gaya ng hindi pumapasok sa paaralan.- 5 araw sa isang linggo (Lunes hanggang Biyernes). 4 na oras ang klase kada araw.
- 9 na Asignatura sa Junyor Hayskul ang pag aaralan lahat.
- Pagkatapos makapagtapos makakatanggap ng Junyor Hayskul na Diploma ang mga mag aaral.
- Libre ang aklat-aralin at matrikula ( maaring may bayad ang mga materyales sa pag aaral)
Sanggunian
Lupon ng Edukasyon sa Lungsod ng Konan,Sangay ng Edukasyon Pampaaralan Tel 0748-77-7011Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Saan maaring komunsulta ang mga bata sa labas ng paaralan
Mangyaring makipag ugnyan sa amin kung may pinoproblema patungkol sa inyong sarili, kaibigan, inyong pamilya at sa mga iba pang mga bagay.- Kodomo no Jinken hyakutoban/110 0120-007-110 Lunes~Biyernes 8:30am-5:15pm5
- Child Line 0120-99-7777 Araw-araw 4:00pm-9:00pm
- 24 Jikan Kodomo SOS Diyal 0120-0-78310 24 Oras (may serbisyo din sa pagtatapos at pag uumpisa ng taon.)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Maligayang bati sa inyong pagpasok sa mababang paaralan! Simula Abril panibagong pamumuhay sa paaralan ang inyong mararanasan. Marami kayong mga dapat paghandaan na ibat ibang mga proseso sa umpisa ng pasukan. Alamin mabuti ang mga sulat na galing sa paaralan, kung mayroon hindi maintindihan huwag mag atubiling itanong ito sa paaralan!
Mayroon, ang tawag dito ay “Hokago Jidou Club” (*May iba’t ibang tawag dito).Ang Hokago Jidou Club ay isang ligtas na lugar kung saan maaring manatili, maglaro ang mga mag aaral sa elementarya na hindi kayang alagaan ng mga magulang sa kanilang tahanan pagkatapos ng klase sa paaralan dahil sa trabaho, sakit, sa pangangalaga o sa iba pang mga kaganapan. Mayron pampubliko at pampribado, at ang ilan ay may serbisyo para sa mahabang bakasyon. Ang mga kondisyon sa paggamit at mga bayarin ay naiiba sa bawat serbisyo, kaya mangyaring magtanong sa tanggapan ng munisipalidad para sa mga karagdagang impormasyon.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sa Hunyo, magsisimula ang klase para sa pagsasanay sa paglangoy sa ilalim ng pisikal na edukasyon/ P.E, kaya kailangan alamin ang kondisyon ng kalusugan ng bata sa inyong tahanan.
Magtatapos ang unang semestre sa katapusan ng Hulyo, at ipapauwi sa mga bata ang kanilang “Ulat sa Pag unlad na Kard/report card”. Ang bakasyon sa tag-araw ay tatagal hanggang huli ng Agosto. Sa panahon ng bakasyon sa tag-araw, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng takdang-aralin para sa mga asignaturang pang-akademiko at sariling-kusa na pananaliksik (Jiyuu kenkyu) atbp., kaya mahalagang planuhing mabuti ang inyong bakasyon.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sistemang-suportang-pinansiyal sa mga bata (Jidou teate seido)
Ito ay sistemang-suportang- pinansiyal para doon sa mga magulang na nagpapalaki ng mga bata mula sa edad ng pagkapanganak hanggang sa edad na magtatapos sa pangalawang mataas na paaralan(JHS). Kung magkahiwalay ang pamumuhay ng mga magulang (ina at ama) kung sino ang kasamang magulang na siyang nagpapalaki ang siyang bibigyang prayoridad na makatanggap nito. At kung ang mga magulang ng bata ay nakatira sa ibang bansa, kung sino ang inatasang nagpapalaki sa bata sa loob ng bansang Japan ang siyang makakatanggap ng suportang-pinansiyal.[ Info ] Sa bawat munusipyo ng lungsod.bayan
Libreng bayarin sa Edukasyon para sa mga Musmos/Maagang Edukasyon(Kinder),(Nursery) at sa Paaralang-elementarya at Junyor Hayskul (JHS)
Libreng matrikula sa mga serbisyo sa mga sertipikadong nursery na may klase ng pang3~ 5 taon gulang na mga bata sa kindergarten at nursery at sa mga sambahayan na libre sa bayarin sa pang-munisipal na buwis ng mga batang mula sa klase ng 0~2 taon gulang. At sa mga magulang na sertipikadong nangangailagan “Paaalagaan ang mga bata para sa rason tulad ng mga trabaho, may mga tulong-pinansiyal din para doon sa pinalawig na serbisyo ng pangalagaan at kindergarten. Libre din ang matrikula sa Pam-publikong paaralang elementarya at sekondariya.[ Info ] Sa bawat munusipyo ng lungsod.bayan Opisina ng Gabinete HP
Opisina ng Gabinete HP
Sistemang-Suportang -Pinansiyal sa Pag aaral (Shuugakuenjo)
Suportang-pinansiyal sa mga magulang na may pinag aaral na mga anak na nasa elementarya at sekondariyang paaralanl. Suportang-bayarin para sa mga kagamitan sa pag aaral at sa pagpasok sa paaralan, bayarin para sa PTA at sa mga bayaring sa pag aaral at sa mga magulang nasa ilalim ng pampublikong suporta at sa mga taong kapareho din ng sitwasyon nila.[ Info ] Sa Pinapasukang paaralang-elementarya at sekondariya o sa pang munusipal na kagawaran ng edukasyon.
Sistemang-Suportang-Pinansiyal para sa pagpasok sa Senior High School (Koutogakkoutou shuugakushien seido)
Para sa mga sambahayan na may taunang kita na mas mababa sa mahigit-kumulang 9.1 milyong yen na may papasok sa senior high school (mataas na paaralan pang -teknikal na kolehiyo, Pang-sekondariyang dalubhasaang pagsasanay) ay susuportahan sa bayarin sa matrikula. Sa halip na deretsahang pagbigay nito sa mga magulang, ang paaralan ang siyang tatanggap para sa paglalaanan ng mga bayarin para sa klase.[ Info ] Mag apply sa pinapasukang paaralan
Sistemang-Iskolarship-Laang-Salapi para sa mga nasa hayskul (Koukouseitou shougaku kyufukin)
Upang mabawasan ang pasanin sa bayarin maliban sa mga bayarin sa matrikula may mga suportang-laang salapi sa Mga sambahayang may mababa ang kit ana may nag aaral na mga anak sna nasa mataas na paaralan / hayskul.[ Info ] Sumangguni sa pinapasukang paaralan, sa kaso ng pribadong paaralan sa Shiga Prefectural General Affairs Department, The Promotion Division of a private school and Prefectural university・sa kaso ng pambansa at pampublikong paaralan sa Education and General Affairs Division of The Shiga Prefectural Board of Education.
Bagong-sistemang suporta sa mataas na antas ng edukasyon( Iskolarship- pagbawas, pagkalibre sa pasanin ng bayarin, at mga iba pang klase ng benipisyong-iskolaship
Depende sa kita ng sambahayan at iba pa, mayroong sistemang-iskolarship sa pagbawas at pagkalibre ng mga bayarin sa pang matrikula at sa mga bayarin sa pagpatala sa mga unibersidad,bokasyonal na paaralan at iba pang mga klase ng benipisyong iskolarship. Maari din mag aplay habang pumapasok sa paaralan (hayskul).[ Info ] Sa pinapasukang paaralan, Sa papasukang paaralan・Japan Student Support Organization (Kiko)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga uri ng paaralan na susuportahan
Daigaku, tanki daigaku,kōtō senmon gakkō, senmon gakkō Mga Unibersidad(daigaku). kolehiyo (tanki-daigaku). Pang-Teknikal na kolehiyo (Koutou Senmon Gakkou) .Bokasyonal na paaralan ( Senmon Gakkou).sinusuportahan
- Sistema ng pagbabawas / pagkalibre sa bayarin (bayad sa Pagpasok/ Matrikula) (Ibinabatay ang halaga depende sa klase ng paaralan, pribado at pampubliko.)
- Mga uri ng pagbigay sa pinalawak na mga scholarship
- Ibinibigay sa bawat mag-aaral ng Japan Student Services Organization
- Upang matugunan ang mga gastusin na kinakailangan sa pamumuhay ng isang mag-aaral
(Ang halaga ng scholarship ay naiiba sa pagitan ng mga mag-aaral na nakatira sariling bahay at sa mga hindi nakatira sa sariling bahay .)
Ang mga mag-aaral na naangkop sa suporta
Ang mga sambahayan na ibinukod ng buwis at mga mag aaral na may kaprehong sitwasyon na sambahayan.( Naangkop para sa mga mag-aaral na nakatala (papasok) nitong 2020 (kasama na ang mga mag-aaral sa kasalukuyan)
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
~Ang pagsumite ng My Number ay kakailanganin na simula Abril 2019~
Ngayon ay kailangan nang isumite ang My Number kapag mag-aaplay para sa “Suportang Pondo para sa Tuition sa High School,” “Karagdagang Pondo sa Pagpapaaral,” at “Tulong-Pinansyal sa Pagpapaaral ng mga Mag-aaral ng mga Paaralan para sa mga may Espesyal na Pangangailangan.”◆Suportang Pondo para sa Tuition sa High School (Koutou gakkou tou shugaku shien kin)
- Suportang Pondo para sa Tuition sa High School (Koutou gakkou tou shugaku shien kin)
- Para sa mga modelong sambahayan na may taunang kita na mas mababa sa JPY 9.1 milyon (Ang kabuuan ng prefectural tax at municipal tax (base sa suweldo) ay dapat mas mababa sa JPY 507,000)
- Mag-aplay sa paaralan kung saan papapasukin ang mag-aaral.
- Ang suportang pondo para sa tuition ay tatanggapin ng paaralan at hindi ibibigay sa mga magulang o mga tagapag-alaga (Maaaring maiba ang proseso depende sa pamamalakad sa mga pribadong paaralan).
☛Mga Hakbang sa Suportang Pondo para sa Tuition sa High School (Multilingual)
◆ Karagdagang Pondo sa Pagpapaaral (Koukousei tou shougaku kyuufukin)
(Karagdagang Tulong-Pinansyal sa Pagpapaaral para sa mga Mag-aaral sa High School)- Isang sistema ng pagbibigay tulong-pinansyal sa mga bayarin maliban sa tution ng high school (Hindi kailangang ibalik ang bayad).
- Para sa mga sambahayan na hindi nasasakop sa pagbabayad ng prefectural at municipal tax (base sa suweldo)
- Dapat ay mag-aplay ang mga magulang o mga tagapag-alaga sa munisipyong kanilang tinitirhan (Mag-aplay sa paaralan kung papasok ang mag-aaral sa isang paaralan sa Shiga Prefecture).
- Ang mga magulang o mga tagapag-alaga ang karaniwang tatanggap sa tulong-pinansyal (Maaaring maiba ang proseso depende sa pamamalakad sa mga pribadong paaralan).
(Mga pampublikong paaralan) High School Education Section, Shiga Prefecture Board of Education ℡ 077-528-4587
(Mga pribadong paaralan) Private Schools & Universities Promotion Section, Shiga Prefecture General Affairs Department ℡ 077-528-3271
◆ Tulong-Pinansyal sa Pagpapaaral ng mga Mag-aaral ng mga Paaralan para sa mga may Espesyal na Pangangailangan (Tokubetsu shien gakkou no jidouseito ni taisuru shugaku shorei-hi)
- Isang sistemang nagbibigay ng bahagi o kabuuang tulong-pinansyal para sa pagpapaaral sa mga paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan, alinsunod sa laki ng suweldo ng sambahayan.
- Ang mga magulang o mga tagapag-alaga ng mga mag-aaral na pumapasok sa isang paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan ay maaaring tumanggap ng benepisyong ito.
- Mag-aplay sa paaralan kung saan papapasukin ang mag-aaral.
- Ang mga magulang o mga tagapag-alaga ang karaniwang tatanggap sa tulong-pinansyal sa pagpapaaral.
*Ang mga numerong nakalista rito ay nagbibigay lamang ng suporta sa wikang Hapon.
Ano ang My Number?
- Ang My Number ay isang 12-digit na numero na ibinibigay sa bawat rehistradong residente sa Japan.
- Maaaring kumpirmahin sa Certificate of Items Stated in Resident Register ang iyong My Number Card, My Number Notification Card, at My Number.
- Tumungo sa iyong lokal na munisipyo kung sakaling mawala ang iyong My Number Card o My Number Notification Card.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pangalan ng Samahan: Kodomo no tame no Nihongo Kyoshitsu (Silid-aralan sa pag-aaral ng Nihongo para sa mga bata)
-
Detalye: Suporta sa pag-aaral, suporta bago pumasok sa elementarya, suporta sa paglalaro (mula 4 na taon~ika-6 na baitang sa elem.)
Lugar: Nagahama City, Nagahama Int’l. Cultural Friendship House GEO
Araw / Oras : Sabado 3:00 pm-4:00 pm
Para sa impormasyon: Nagahama Int’l. Friendship Association (NIFA)
℡: 0749-63-4400
nifa_info@ybb.ne.jp
Pangalan ng Samahan: Hikone UNESCO Assoc. (Silid-aralan ng mga bata sa pag-aaral ng Nihongo)
-
Detalye: Suporta sa pag-aaral, pag-aaral ng Nihongo
Lugar: University Satellite Plaza Hikone (Al Plaza Hikone 6th F)
Araw / Oras : Linggo 10:00 am~4:00 pm
Para sa impormasyon: Hikone UNESCO Association
℡:0749-24-7974
Pangalan ng Samahan: World Amigo Club
-
Detalye: Suporta sa pag-aaral, pagtuturo ng Nihongo, isang lugar kung saan maaaring mamalagi ang mga bata
Lugar: Omihachiman City, Kaneda Community Center
Araw / Oras : Sabado 10:00 am~12:00 nn, bakasyon sa tag-init, (4 beses) bakasyon sa taglamig (1 beses)
Para sa impormasyon: ℡:080-3834-8095
world.amigo.club@gmail.com
Pangalan ng Samahan: Kan-chan no chiisana ie (“Ang Munting Tahanan ni Kan”)
-
Detalye: Sanggunian ukol sa pag-aaral, suporta sa pag-aaral
Lugar: Omihachiman City, Kan-chan no chiisana ie
Araw / Oras : Makipag-ugnayan ukol sa araw / oras
Para sa impormasyon: ℡:090-3708-3315
srmq61299@nike.eonet.ne.jp
Pangalan ng Samahan: Higashiomi Amigo Kyoshitsu (Silid-aralan ng Amigo)
-
Detalye: Pag-aaral ng Nihongo, suporta sa pag-aaral, kultura ng Hapon
Lugar: Higashiomi City, Heartpia, Yokaichi
Araw / Oras : Sabado 2:00 pm-4:00 pm
Para sa impormasyon: Higashiomi City Board of Educ. Lifelong Learning Division Higashiomi School Support Regional Headquarters
℡: 0748-24-5672
Pangalan ng Samahan: Silid-aralan para sa pag-aaral ng wika ng Timog Amerika: Camino Kyoshitsu, Caminho Kyoshitsu
-
Detalye:
Pag-aaral ng katutubong wika:
1. Salitang Kastila
2. Portuges
Lugar: Konan City, Mito Machizukuri Center
Araw / Oras :
1.Sabado 10:30-12:00
2.Sabado 9:30-11:30、11:30-13:00
Para sa impormasyon: Konan International Association
℡: 0748-71-4332
Pangalan ng Samahan: Camiyando
-
Detalye: Pag-aaral ng Nihongo, suporta sa pag-aaral
Lugar: Konan City, ERUDI
Araw / Oras : Lunes, Miyerkules 7:00 pm-9:00 pm
Para sa impormasyon: ℡:090-1338-3350(Mr. Kise)
Pangalan ng Samahan: Hiyori-terakoya Otsu
-
Detalye: Suporta sa pag-aaral, mga hakbangin para sa pagkuha ng entrance examination
Lugar: Otsu City, Seta Community Ctr. 2F
Araw / Oras : Sabado 10:00 am-12:00 nn
Para sa impormasyon: hiyori_o2@yahoo.co.jp
Pangalan ng Grupo:Pinagsasama-samang pag aaral ng maraming kultura Half half(Silid-aralang sumusuporta para sa mga mag aaral na may dayuhang lahi)
-
Mga Nilalaman: Suporta sa pag-aaral
Lugar: Tekiō kyōiku kyōshitsu hāfusuteppu (yūgengaisha Ihoujin)
1-18-14 Ogaya, Otsu-shi 3F Hongo Building
Panahon: Tuwing Sabado sa buwan ng Agosto 18: 00- (1-2 oras)
Bayad: Libre
Makipag-ugnayan sa: ihoujin63@gmail.com (Kay Ogi San, kinatawan ng half step)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
(Karaniwang nasasakop dito ang mga permanenteng residente, asawa o anak ng Hapon, asawa o anak ng permanenteng residente, pang-matagalang residente)
▲Sa paggamit ng loan at scholarship, gumawa ng isang plano na kung saan kayo ay hindi mahihirapan sa gagawing pagbabayad nito!
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Ang sistemang tulong –pinansiyal( Iskolar) para sa pag aaral ay malawakang nahahati sa (1) Scholarship mula sa Japan Student Services Organization(JASSO) (2) Scholarship na itinatag ng bawat Unibersidad (3) Scholarship mula sa mga pribadong kumpanya at mga samahan(foundation) (4) Scholarship mula sa mga lokal na pamahalaan Mayroon iba’t ibang kondisyon sa pangangalap at kondisyon sa pagtanggap ng scholarship ngunit ang kakayahan sa pag aaral at ang pang-ekomiyang sitwasyon ng sambahayan ang magiging pamantayan para sa pagsusuri .. Mayroong dalawang uri ng mga scholarship: "mga benepisyo" na hindi na kailangan pang bayaran at "pautang" na nangangailangan ng pagbabayad.bilang karagdagan may mga kaso kung saan hindi posibleng makatanggap ng dobleng scholarship, mangyari po lamang mangalap ng mga impormasyon sa kagawaran ng edukasyon o website ng paaralan.
*Maaaring may mga paghihigpit sa katayuan ng paninirahan.
Samahang nagbibigay serbisyo sa mga mag aaral sa Japan (JASSO)
[Naangkop para sa mga mag aaral na nasa ] Mas mataas na edukasyon, Unibersidad, kolehiyo, Pang-teknikal na kolehiyo, mga paaralang bokasyonal at (pang dalubhasang mga kurso)Sa Japan Student Services Organization (JASSO), bukod sa mga scholarship na may interes at walang interes (“loan-based”), mayroon ring mga scholarship na hindi kailangang bayaran (“grant-type”) para sa mga natatanging estudyante na may mahirap na kalagayang pang-ekonomiya.
[Makipag-ugnay・Sanggunian] Samahang nagbibigay serbisyo sa mga estudyante sa Japan (JASSO)
*Benepisyo・Pautang
Jichitai no Shougakukin (Mga iskolar ng local na pamahalaan
[Naakop na makakatanggap] Ang mga target ay magkakaiba[Makipag-ugnay・Sanggunian] Tanggapan ng munisipalidad (ang ilang mga munisipalidad ay walang mga ipinapatupad na scholarship .
*Benepisyo・Pautang
Shimbun Shougakukin(Scholarship ng Pahayagan)
[Naaangkop na makakatanggap] Mag aaral na nagtratrabaho sa mga pahayagan(Newspaper)[Makipag -ugnay・Sanggunian] Sa bawat kompanya ng pahayagan
*Benepisyo・Pautang
(Koutsu Iji Ikuekai)Scholarship Para sa mga mag aaral na naulila dahil sa pang-trapikong aksidente .
[Naangkop na makakatanggap] Mga mag-aaral na may mabibigat na kapansanan ang mga magulang at mga naulila ng aksidente sa trapiko[Makipag-ugnay. Sanggunian] Koutsu Iji Ikueka Shougakukin
*Benepisyo
Nihon Kyouiku Koumuin Kousaikai
[Target na Mag aaral] Mas mataas na edukasyon・Unibersidad・Pang-teknikal na kolehiyo ,Pang-bokasyunal at Pang-dalubhasang mga kurso.[Makipag-ugnay・Sanggunian] Sangay ng Shiga TEL: 077-526-1356
*Benepisyo・Pautang
Tsuboi Ichiro ・Jinko Gakusei Shien Program
[Target na mag aaral] Mga mag aaral sa Unibersidad(na nasa pang 3 taon o mas mataasa pa)mga mag aaral na nasa mas mataas na edukasyon at ( may balak pang pumasok)mga refugees,Mga anak/apo na may dugong hapon,Mga may permanenting visa at sa mga nagbabalik na mga tsino /> [Makipag-ugnay・Sanggunian] Tanggapan ng kapakanan Panglipunan(Shafu)Support 21 TEL:03-5449-1331*Benepisyo
PP Shougakukin/h4>
[Naangkop na makakatanggap] Nasyonalidad ay Hapon、Permanenteng Residente,Espesyal na Permanenteng Residente、
[Makipag-ugnay・Sanggunian] Tanggapan ng Kapakanan Panglipunan(Shafuku)Support 21
TEL:03-5449-1331
*Benepisyo
Biwako Shougakukin
[Naangkop na makakatanggap] Mga Internasyunal na dayuhang mag aaral ng Shiga
[Makipag-ugnay・Sanggunian] (Pampublikong Interes)Shiga Intercultural Association for Globalization TEL:077-526-0931
*Benepisyo
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pautang na pundong pang- edukasyon mula sa tanggapan ng kapakanan ng pamumuhay (perang suporta para sa edukasyon
[Naangkop na makakatanggap] Mga Sambahayan na may mababang kita[Makipag-ugnay / Sanggunian] Shiga Prefecture Council of Social Welfare TEL:077-567-3903
* * Walang interes
Scholarship para sa mga solong magulang na sambahayan,Scholarship para sa mga biyudo/biyudang magulang , pautang para sa mga gastusin sa pag aaral
[Naangkop na makakatanggap] Solong Magulang na Ama, na Ina na sambahayan[[Makipag-ugnay /Sanggunian]
Kagawaran sa pangangalaga ng Kalusugan at Serbisyong Medikal ,Kawani ng Pambata at Pangkabataan,Lalawigan ng Shiga TEL: 077-528-3554 Sangay ng Tahanang Pangkabataan lunsod ng Otsu TEL: 077-528-2686
Sangay ng Pangkabataan at Pampamilya ng mga residente ng lunsod ng Otsu , TEL:077-528-2686
* Walang interes
Pangkalahatang pautang pang-edukasyon Pambansang pautang pang- edukasyon
[[Makipag-ugnay / Sanggunian]Japan Finance Corporatioall Center ng Pang –edukasyon TEL: 0570-008656 TEL:0570-008656
*May interes
Pautang Pang- edukasyon ng bangko
[Makipag-ugnay / Sanggunian] Mga Bangko (Nag-iiba ang halaga ng mga interes)depende sa bangko.*May interes
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Japan Finance Corporation (Nihon seisaku kinyuu kouko) National Education Loan
-
(Ang haba ng pag-aaral ay karaniwang 6 na buwan o higit pa, pasilidad sa pag-aaral para sa mga nakatapos ng junior high school o higit pa).
- Panahon ng pagbabayad: sa oras na ito ay kailanganin
- Interes: mayroon
- Para sa mga katanungan: National Education Loan ℡ 0570-008656 Japan Finance Corporation National Education Loan
Japan Student Services Organization (JASSO) (Nihon gakusei shien kikou)
Natatanging pagdaragdag sa student loan sa oras ng pagpasok sa paaralan (enrollment).
- Pinahihiram na buong halaga (“lump sum”) bilang karagdagan sa student loan sa buwan nang pagpasok sa paaralan. Para sa mga nag-apply sa “National Education Loan” subalit hindi nakakuha nito. (university, junior college, vocational school, atbp.)
- Panahon ng pagbabayad: pagkatapos ng enrollment
- Interes: mayroon
- Para sa mga katanungan: Sa pinapasukang senior high school o sa paaralan kung saan nagtapos JASSONatatanging pagdaragdag sa student loan sa oras ng pagpasok sa paaralan
Labor Bank or Workers’ Credit Union (roudou kinko or roukin)
Isang sistema ng pagpapahiram ng pera para sa kinakailangang pondo sa oras ng pagpasok sa paaralan
- Isang pagpapahiram ng pera hanggang sa maibigay ng JASSO ang “Natatanging pagdaragdag sa student loan sa oras ng pagpasok sa paaralan” sa mga estudyanteng kandidato sa pagtanggap ng scholarship.
- Panahon ng pagbabayad: bago ang enrollment
- Interes: mayroon
- Para sa mga katanungan: Kinki Labor Bank (Kinki Roukin) ℡ 0120-191-968 Labor Bank or Workers’ Credit Union Isang sistema ng pagpapahiram ng pera para sa kinakailangang pondo sa oras ng pagpasok sa paaralan
Prefecture Social Welfare Council of Municipalities,
Pondo para sa Kagalingan ng Pamumuhay, Panggastos sa Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
- Para sa mga may maliit na kinikita (senior high school, university, vocational high school)
- Panahon ng pagbabayad: bago ang enrollment
- Interes: wala
- Para sa mga katanungan: Social Welfare Council of Municipalities Prefecture Social Welfare Council of Municipalities Pondo para sa Kagalingan ng Pamumuhay, Panggastos sa Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
Prefecture (Ang mga residente ng Otsu ay dapat na mag-apply sa Otsu City)
Pamilyang walang ama, Pamilyang walang ina, Widow’s Welfare Fund Loan
- Para sa pamilyang walang ama, pamilyang walang ina (university, sr. high school, atbp.)
- Panahon ng pagbabayad: bago ang enrollment
- Interes: wala
- Para sa mga katanungan: Children Support Division of Municipalities Prefecture Pamilyang walang ama, Pamilyang walang ina, Widow’s Welfare Fund Loan
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
- Sa mga batang 3 taon at pataas na nagnanais ng pag-aaral hanggang tanghali → mag-apply ng direkta sa paaralan.
- Sa mga batang 3 taon at pataas, na nagnanais ng karagdagang oras ng pag-aalaga hanggang sa gabi, bukod pa sa oras ng pag-aaral → mag-apply sa inyong munisipyo.
- Kung nais na magpaalaga ng bata mula 0 hanggang 3 taong gulang → mag-apply sa inyong munisipyo.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Katanungan tungkol sa pagpasok
- Mga pampublikong kindergarten: hanggang sa bawat munisipal na lupon ng edukasyon
- Pribadong kindergarten: direkta sa bawat paaralan
Para sa mga katanungan sa pagpasok
Sa bawat munisipalidad sa seksyon ng kapakanang pambataMga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Pagtatanong ukol sa pagpasok ng paaralan
- Bumisita sa pampublikong elementarya at junior high school: Lupon ng Edukasyon ng bawat munisipyo
- Pag-aaral sa pribadong elementarya at junior high school: direkta sa bawat elementarya at junior high school
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
「Gabay sa Pagpili ng Kurso Tungo sa Kinabukasan」mga dokumento(PDFファイル)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Karapat-dapat para sa aplikasyon
.Kung nais makapasok kinakailangan hindi baba sa 15 taon gulang ang edad sa Abril 1 sa taong ding yaon. Ayon sa panukalang batas kinakailangan nakumpleto ang 9 na taon na edukayoon sa pag aaral sa dayuhang bansa..nagtapos o inaasahang magtatapos sa isang junior high school sa Japan.Mga katanungan tungkol sa Pagpasok(pag-enroll
Lupon ng Edukasyon, Lalawigan ng Shiga: 077-528-4573Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
滋賀県 Shiga
- 日本ラチーノ学院 (Colégio Latino Shiga)
- コレジオ・サンタナ学園 (Colégio SantAna de Shiga)
- 滋賀朝鮮初級学校 大津市木下町2-24
- サントスデュモン学院 (Colégio Santos Dumont)
TEL: 077-522-1921
京都府 Kyoto
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
- 京都日本語学校 (Kyoto Japanese Language School)
- 京都文化日本語学校 (Kyoto Institute of Culture and Language)
- 京都民際日本語学校 (Kyoto Minsai Japanese Language School)
- 京都日本語研修センター(Kyoto Japanese Language Training Center)
- YIC京都日本語学院 (YIC Kyoto Japanese Academy)
- 京都国際アカデミー(Kyoto International Academy of Japanese Language)
- 日本語センター(Kyoto Japanese Language School)
- ARC 京都日本語学校 (ARC Academy Kyoto)
- にほんご空間・京都 (Japanese Space Kyoto)
- 京進ランゲージアカデミー(Kyoshin Language Academy-Kyoto Chuo School)
- ISIランゲージスクール 京都校 (ISI Japanese Language School - Kyoto campus)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Ang mga Kwalipikasyon sa pagpasok sa Unibersidad ay karaniwang katumbas ng hayskul sa Japan o nakapagtapos sa itinalagang banyagang paaralan na kumpleto sa kabubuang 12 na taong kurso na edukasyon na katumbas ng hayskul sa Japan.bilang karagdagan kung nakapagtapos ka sa isang banyagang paaralan o may kurikulum na mas mababa sa 12 taon,maari mong :mangyaring suriin ang website ng MEXT para sa mga detalye.
- nakapasa sa pagsusulit sa kwalipikasyon sa hayskul.
/a> - 1. Kung nagmula ka sa isang bansa na may 12 o higit pang mga taon ng pangunahin at sekundaryong edukasyon: Nasa isang banyagang paaralan ka ng 12 o higit pang mga taon ng pang-elementarya o sekundaryong paaralan, o naipasa ang katumbas na pagsusulit sa kwalipikasyon.
- Para sa mga nagmula sa isang bansa na may mas mababa sa 12 taon ng pangunahin at sekundaryong edukasyon: sa isang dayuhang bansa, nakumpleto ang isang programa sa paaralan na naaayon sa isang mataas na paaralan, o nakapasa sa isang pang-akademikong sertipikasyon na pagsusulit na katumbas ng pagtatapos ng high school + isang programa ng paghahanda sa edukasyon na hinirang ng Ministro ng Edukasyon, Kultura, Isports, Agham at Teknolohiya. O kumpletuhin ang pagsasanay na kurso sa pasilidad na itinalaga ng kagawaran
Kurso sa edukasyon ng paghahanda na itinalaga ng Ministro ng Edukasyon, Kultura, Isport, Agham at Teknolohiya
Pasilidad ng pagsasanay
★Bilang karagdagan, ang mga sumusunod na tao ay hindi limitado sa bilang ng mga taon ng pangunahin at sekundaryong edukasyon: ang mga nakakuha ng kwalipikasyon ng International Baccalaureate, kwalipikasyon ng Abitur, isinsagawa ng bawat Unibersidad ang pagsusuri ng kwalipikasyon sa pagpasok + 18 taon gulang at pataas.