Mga nilalaman ng konsultasyon
Nagsagawa ka na ba ng mga hakbang para sa kaligtasan ng iyong tahanan?
Sagot
Gumawa ng mga hakbang tulad ng pagsasaayos ng mga gamit sa bahay, paglalagay ng mga ito sa matatag na puwesto at pag-iwas sa pagbagsak ng mga kagamitan.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Nakahanda na ba ang iyong mga gamit na pang-emerhensiya?
Sagot
Para sa paglikas (evacuation), ihanda and sapatos na goma o sneakers at ilagay ang mga sumusunod sa isang bag na tulad ng knapsack: takip sa mukha (mask), guwantes, damit na panloob, mga gamot, pagkaing pang-emerhensya, tubig, pera, insurance card, listahan ng mga numerong kokontakin, kopya ng ID card (pasaporte at residence card), at iba pa.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Alam mo ba kung nasaan ang pinakamalapit na evacuation area (hinan-jo)?
Sagot
Magtanong sa mga kalapit-bahay o bisitahin ang inyong munisipyo at tiyakin ang “mapa ng mga mapanganib na lugar” (hazard map) sa inyong pook. Mahalagang tandaan ang salitang “hinan-jo” (evacuation area), pati na rin ang kanji nito (避難所) ! Huwag mag-atubiling pumunta sa hinan-jo kahit na hindi nakakaunawa ng wika.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Paano ipinagbibigay-alam ang mga impormasyon sa oras ng kalamidad?
Sagot
Ang “paghahanda sa paglikas” (hinan jyunbi), “abiso sa paglikas” (hinan kankoku), at “pag-uutos sa paglikas” (hinan shiji) ay ipinararating sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, internet, cellphone at sa paunawang mula sa mga sasakyang naglilibot sa komunidad upang magbigay ng babala, komunikasyon sa radyo sa oras ng kalamidad, at iba pa. Magpunta sa hinan-jo nang may pag-iingat sa mga nagaganap sa inyong paligid.
*Gamitin ang serbisyo ng “Disaster Emergency Message Dial 171” (saigai-yo dengon dial 171), “Disaster Emergency Message Board web 171” (saigai-yo dengon-ban web 171) at email upang mag-iwan ng mensahe, sa halip na telepono, na inaasahang magiging mahirap ang koneksyon. Pag-usapan ang mga paraan upang makontak ang bawat miyembro ng pamilya. Maghanda ng higit sa isang pamamaraan ng komunikasyon kung sakaling hindi ito magamit (tulad ng Twitter, LINE, Facebook, atbp.) I-download sa inyong cellphone ang mga application na mapapakinabangan sa oras na maganap ang lindol.
*Gamitin ang serbisyo ng “Disaster Emergency Message Dial 171” (saigai-yo dengon dial 171), “Disaster Emergency Message Board web 171” (saigai-yo dengon-ban web 171) at email upang mag-iwan ng mensahe, sa halip na telepono, na inaasahang magiging mahirap ang koneksyon. Pag-usapan ang mga paraan upang makontak ang bawat miyembro ng pamilya. Maghanda ng higit sa isang pamamaraan ng komunikasyon kung sakaling hindi ito magamit (tulad ng Twitter, LINE, Facebook, atbp.) I-download sa inyong cellphone ang mga application na mapapakinabangan sa oras na maganap ang lindol.
- “Paghandaan ang lindol sa paggawa ng mga bagay na kayang gawin”
- NHK WORLD-JAPAN
- Shiga Pref. Disaster Prevention Portal Site
- Shiga Pref. SNS twitter
- Shiga Pref. SNS facebook
- Shiga Pref. Disaster Prevention Information Map
- Shiga Pref. Radio Stations (MHz):NHK Shiga 1st Broadcasting (945) e-radio (77.0) FM Hikone (78.2) FM Kusatsu (78.5) B-WAVE (79.1) Radio Sweet( 81.5)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Paglilikas ng mga alagang hayop sa oras ng kalamidad
Sagot
- Siyasatin nang maaga sa munisipyo kung aling mga evacuation area ang nagpapahintulot sa pagsasama ng mga alagang hayop at maghanda antimano ng isang pansamantalang mapaglalagakan sa kanila. Ang may-ari ang siyang may pananagutan sa kanilang alagang hayop sa loob ng evacuation area.
- Ang mga hayop ay natataranta rin sa oras ng kalamidad. Palagyan ang inyong alaga ng microchip at kabitan sila ng etiketa (tag) upang madaling matagpuan kung sila ay maligaw man.
- Sanayin ang inyong alaga na mamalagi sa loob ng kulungan, disiplinahin sila upang huwag mag-ingay nang walang dahilan, at sanaying huwag matakot sa ibang tao.
- Kung sila ay naiwan sa bahay o sa iba pang lugar, sumangguni sa tauhan ng inyong munisipyo na namamahala nang may kinalaman sa mga hayop.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Impormasyon sa Pag-iwas sa Kalamidad
Mga nilalaman ng konsultasyon
Impormasyon sa Lagay ng Panahon
Mga nilalaman ng konsultasyon
火事になったら
Sagot
火災が発生したら,すぐに消防署に連絡する(119番)一方、バケツ、消火器などで初期消火につとめると同時に、「火事だ! ( KAJI-DA!) 」と叫んで近所に助けを求めましょう。
Mga nilalaman ng konsultasyon
地震について
Sagot
日本は地震の多い国です。ふだんから準備をしておくことが大切です。
- 広域避難所を市町村役場に確認しておく。
- 家族の集合場所を決めておく。
- 家具などの倒れやすいものを固定しておく。
- 非常用の持ち出し用品を準備しておく。
- 火の始末をする。
- 窓かドアの出口を確保する。
- 机やテーブルの下に隠れて身の安全をはかる。
- 広域避難所まで避難する。
Mga nilalaman ng konsultasyon
Paghahanda sa Lindol
Sagot
Basahin ang Serye ukol sa Paghahanda sa Lindol Sangguniang Babasahin sa Iba’t-ibang Wika “Paghandaan ang lindol sa paggawa ng mga bagay na kayang gawin ~kapag handa hindi nakakatakot ang lindol~”