Magsisimula na ang malawakang pagbabakuna para sa mga naninirahan, o kaya ay mga nagtratrabaho o nag-aaral na nasa 16 taong gulang o pataas, sa prepektura.
Nakitang ang bakuna ay may epektong pababain ng halos 90% ang pagkaka-roon ng impeksyon.
Upang maprotektahan ang sarili, pamilya at mga mahahalagang tao sa iyong buhay, hiling naming na pag-isipan ang pagbabakuna para sa mga nagdadalawang isip.
*Pakitandaang hindi ito sa mismong unibersidad.
Pakibuksan ang "website" ng reserbasyon mula susunod na URL:
Malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga "website" (wikang Hapon lamang)
Oras ng pagtanggap:Araw-araw mula ika-9 hanggang ika-5 ng hapon (kasama ang Sabado/Linggo at pista opisyal)
Telepono:050-3612-4542
Oras ng pagtanggap: Araw-araw, 24 oras (kasama ang Sabado/Linggo at pista opisyal)
連 絡 先:
Pakikipag-ugnayan: 077-528-3588 (mula ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi), 077-528-3621 (kung ibang oras sa itaas)
Numero ng FAX 077-528-4867
Mail corona_vaccination_shiga@medi-staffsup.com
Nakitang ang bakuna ay may epektong pababain ng halos 90% ang pagkaka-roon ng impeksyon.
Upang maprotektahan ang sarili, pamilya at mga mahahalagang tao sa iyong buhay, hiling naming na pag-isipan ang pagbabakuna para sa mga nagdadalawang isip.
- 1. Mga naninirahan sa prepektura na nakatanggap ng "voucher" ng bakuna mula sa munisipyo, o kaya ay mga nagtratrabaho o nag-aaral sa prepektura
- 2. Mga magpapabakuna sa unang pagkakataon pa lang (kailangang magpabakuna ng ika-2 beses sa parehas na bakunahan)
- 3. Mga nasa 16 taong gulang o pataas
Ang mga maaring magpabakuna sa malawakang bakunahan ng prepektura ay ang mga naayon sa lahat ng mga sumusunod.
Impormasyon mula sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga
Mahalagang basahin ang mga sumusunod at saka magpa-reserba.1.Mga bakunahan
Nahahati sa 2 ang bakunahan.Timog na bahagi
Sa 3F Oh! Me Otsu Terrace (14-30 Uchidehama, lungsod ng Otsu)Hilagang bahagi
Sa gym ng University of Shiga Prefecture (2500 Hatsusaka- cho,lungsod ng Hikone)*Pakitandaang hindi ito sa mismong unibersidad.
2.Takbo sa araw ng pagbabakuna
- Pagtanggap:Susuriin ang pagkakakilanlan.
- Konsultasyon:Bago magpabakuna, tatanungin ng doktor, batay sa sinulat sa "Medical questionnaire".
- Pagbakuna:Ang nars ang magbabakuna.
- Obserbasyon pagkatapos:Masdan ang sarili sa loob ng tinakdang panahon pagkatapos mabakunahan.
3.Pag-iwas sa impeksyon
- Kailangang mag-mask pagpunta sa bakunahan. At nakiki-usap kami na panatilihin ang distansya sa ibang tao, at iwasan ang pakikipag-usap sa iba upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
- Para sa kaluwagan (masikip ang espasyo ng hintayan) at pag-ikli ng paghihintay, iwasan ang pagpunta sa bakunahan ng sobrang aga at pumunta sa bakunahan ng eksakto sa oras.
- Maaring kailanganin ang 30 minuto mula sa pagpasok hanggang sa mabakunahan.
- Hinihiling naming mag-mask ang lahat habang binabakunahan, atbp. At panatilihin ang pagsunod sa mga hakbang pang-iwas sa pagkalat ng impeksyon.
4.Dadalhing mga bagay at kasuotan
【Dadalhing mga bagay】
Kailangang dalhin ang mga sumusunod. Kung sakaling makalimutan, maaaring hindi mabakunahan.- "Medical questionnaire":Pakisulatan ang mga nasa loob ng makapal na kahon bago pumunta. Siguraduhing ang Furigana o letrang Hapon, telepono at iba pa ay nakasulat. Dalhin din ang ng listahan ng gamot na iniinom para sa maayos na konsultasyon. (Sundan ang samplo ng pagsulat.)Form ng paunang medikal na pagsusuri para sa bakuna sa coronavirus(Sanggunian)
- "Voucher" ng bakuna:Pakidala itong "voucher" na pinadala ng munisipyo.
- Dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan:Lisensya sa pagmamaneho, "Health insurance card", pasaporte atbp. na makukumpirma ang tirahan.
- Dokumentong magpapatunay ng pagtratrabaho/pag-aaral sa loob ng prepektura:"Employment ID o certificate" (kung saan makukumpirma ang lugar ng pinagtratrabahuhan※), "school ID" atbp. ※Kung sakaling hindi malinaw na nakasulat ang pinagtratrabahuhan o may kinalaman dito (nilalaman na malalamang nagtratrabaho sa Prepektura ng Shiga), pakidala ang Katibayan ng pagtratrabaho o pag-aaral sa Prepektura ng Shiga (Form 1).
【Kasuotan】
- Dahil ang pagbakuna ay gagawin sa taas na parte ng braso, magsuot ng damit na madaling mailabas ang balikat.
5.Tungkol sa bakuna
- Gawa ng Takeda/Moderna ang bakunang gagamitin sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga.
- Para sa mga nag-aaplay sa mga nasa ibaba, maaring hindi mabakunahan o kailanganin ang pag-ingat. Para sa mga hindi sigurado kung nag-aaplay sa iyo ang nasa ibaba o kung maari bang tumanggap ng bakuna, kumunsulta sa doktor na tumitingin sa sakit na meron ka. At sa mga sakaling nag-iisip na nag-aaplay sa kanila ang nasa ibaba, kailangan itong banggitin sa doktor sa oras ng konsultasyon bago magpabakuna.
- Mga taong malinaw na may lagnat(※1)
- Mga taong may mabigat at malalang sakit
- Mga taong may kasaysayan ng "hypersensitivity" sa mga sangkap ng bakuna(※2)
- Bukod sa nasa itaas, mga taong wala sa tamang kundisyon para mabakunahan (※1)Para sa lagnat, 37.5℃ o mas mataas. Ngunit kahit mababa pa sa 37.5℃, kung sakaling mas mataas ito sa kadalasang temperatura, maaring may pagkakataong makonsidera itong lagnat.
- Mga taong tumatanggap ng "anticoagulant therapy", o may thrombocytopenia o coagulopathy (hemophilia atbp.)
- Mga taong nasurian ng " immunodeficiency" sa nakaraan, o may kamag-anak na mayroong "congenital immunodeficiency"
- Mga taong may malubhang sakit kagaya ng sakit sa puso, bato, atay, dugo, o deperensya sa pag-unlad
- Mga taong tumatanggap ng bakuna (noong bata pa) at nagkaroon ng sintomas ng hinalang alerhiya kagaya ng lagnat, pantal, atbp. sa loob ng 2 araw
- Mga taong nagkaroon ng kombulsyon o "seizure" sa nakaraan
- Mga taong naghihinalang maaring magkaron ng alerhiya sa mga sangkap ng ng bakuna
- Para sa mga nagdadalang tao o maaring nagdadalang tao, at mga nagpapa-susong ina, sabihin ito sa magsusuring doktor bago magpabakuna.
Mga hindi maaring tumanggap ng bakuna
(※2)"Anaphylaxis", sintomas sa balat ng buong katawan o kaya sa "mucous membranes", mabigat na paghinga, hirap sa paghinga, mabilis na tibok ng puso, pagbaba ng presyon ng dugo, at marami pang ibang sintomas na parang "anaphylaxis"
Mga kailangang mag-ingat
6.Iba pang impormasyon
- Kung sakaling dumoble ang reserbasyon ng pagbakuna sa lungsod/bayan/nayon, ikansela ang isa sa lalong madaling panahon.
- Upang maiwasan ang dobleng reserbasyon, pakiintindihang ang inyong impormasyon na binahagi ay maaring ibahagi din sa ibang lungsod o bayan ng prepektura.
- Dahil ang araw ng ika-2 bakuna ay awtomatikong dapat sa parehas din na araw pagkatapos ng 4 na linggo mula sa ika-1 bakuna, siguraduhin ang araw ng ika-2 bakuna kapag magpapareserba. (Halimbawa:Kung ang 1 beses ng bakuna ay sa ika-21 ng Agosto (Sabado), ang ika-2 beses ay magiging ika-18 ng Setyembre (Sabado).)
7.Pagreserba
Paraan ng pagpapareserba
Ang pagtanggap ng reserbasyon ay sa "online".Pakibuksan ang "website" ng reserbasyon mula susunod na URL:
Malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga "website" (wikang Hapon lamang)
https://jump.mrso.jp/shiga/Malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga "website" (wikang Hapon lamang)
Call center para sa katanungan sa pagpapareserba, atbp. (wikang Hapon lamang)
Para sa katanungan kagaya ng paggamit ng sistema ng pagreserba, pagkansela, atbp., nagpatupad ang prepektura ng sanggunian para dito.Call center para sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga (wikang Hapon lamang)
Panahon ng pagpapatupad:Mula Hulyo 12, 2021 hanggang Disyembre 24, 2021Oras ng pagtanggap:Araw-araw mula ika-9 hanggang ika-5 ng hapon (kasama ang Sabado/Linggo at pista opisyal)
Telepono:050-3612-4542
8.Sanggunian
Konsultasyon para sa nangangailangan ng medikal na opinyon tungkol sa mga "side-effects"
Para sa konsultasyong ito, sa kahirapan ng nilalaman nito para sa mga lungsod o bayan, nagpatupad ang prepektura ng sanggunian para dito.Konsultasyon para sa bakunang laban sa COVID-19 sa Prepektura ng Shiga (Tagalog at iba pang wika)
Panahon ng pagpapatupad: Hanggang ika-31 ng Marso, 2022Oras ng pagtanggap: Araw-araw, 24 oras (kasama ang Sabado/Linggo at pista opisyal)
連 絡 先:
Pakikipag-ugnayan: 077-528-3588 (mula ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi), 077-528-3621 (kung ibang oras sa itaas)
Numero ng FAX 077-528-4867
Mail corona_vaccination_shiga@medi-staffsup.com