Maari nang magpabakuna ng pang-ika 3 dosis at ika-4 dosis na bakuna gamit ang Takeda Moderna na bakuna at Takeda (Novaxovid)na bakuna
Ang mga karapat-dapat para sa pagbabakuna ay dapat nabakunahan na nang hindi bababa sa 5 buwan pagkatapos ng nakaraang petsa ng pagpabakuna.
Para naman sa malakihang lugar ng pagbabakuna sa Prepektura, ang “Ang Sentro ng Pang-rehiyonal na pagbabakuna sa Prepektura ng Shiga," ay magsasara sa Lunes, ika-22 ng Agosto.

Katayuan sa pagtanggap ng reserbasyon

Pang-ika 3 dosis na bakuna (Moderna): Ang mga reserbasyon ay tinatanggap sa parehong lugar timog (Nanbu kaijō) at hilagang lugar (hokubu kaijō) para sa pagbabakuna.
Tumatanggap din kami ng maagang reserbasyon para sa tag- init na bakasyon hanggang ika-31 ng Hulyo sa balangkas ng mga prayoridad!
※Sa kasalukuyan, ang bakuna ng Takeda na (Novaxovid) lamang ang nakahandang bakuna sa Pang-rehiyonal na Pagbabakuna sa Sentro ng Pagbabakuna sa Prepektura ng Shiga.

Mula Hulyo 13 hanggang Agosto 15 ang[ pagpapasimula at pagpapalakas na panahon ng pagbabakuna] sa panahon ng tag-init na bakasyon

  • Mula Hulyo pasulong, sa pagdating ng tag-init na bakasyon at sa iba pang mga kaganapan, inaasahang magkakaroon ng maraming pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga taong hindi palaging nakakasalamuha sa pang araw-araw na pamumuhay.
  • Sa pagpapabakuna ng mga karagdagang bakuna, makakatulong ito sayo na maprotektahan ka mula sa impeksiyon, pati na rin ang inyong pamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho.
  • Upang maprotektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay, hinihimok namin kayong magpabakuna ng maaga,tulad nang, samantalahin ang pagkakataon sa panahon ng tag-init na bakasyon.
Pang-ika 4 dosis na bakuna (Moderna): Ang mga reserbasyon ay tinatanggap sa parehong timog (Nanbu kaijō) at hilagang lugar (hokubu kaijō) para sa pagbabakuna.
Bakuna ng Takeda (Novaxovid): Ang mga reserbasyon ay tinatanggap sa parehong timog (Nanbu kaijō) at hilagang lugar (hokubu kaijō) para sa pagbabakuna.
Timog na bahagi
Sa 3F Oh!Me Otsu Terrace (14-30 Uchidehama, Otsu)
Hilagang bahagi
Frespo Hikone C Building (1917-1 Matsubara, Hikone)

Nakatakdang panahon ng pagbabakuna

Ika-22 (lunes) ng Agosto 2022

Araw ng pagbakuna at Oras ng pagtanggap

Biyernes o Sabado: 1:30pm hanggang 8:00pm
Linggo Timog na bahagi:10:30am hanggang 3:30pm
Linggo Hilagang bahagi:10:30am hanggang 4:30pm
Lunes: 10:30am hanggang 4:30pm
*Walang pagbabakuna tuwing Martes, Miyerkules at Huwebes.

Pagpareserba ng pagbakuna

Paraan ng pagpareserba
Ang pagtanggap ng reserbasyon ay sa "online".
Pakipuntahan ang "website" ng reserbasyon mula sa sumusunod na URL:
Website ng reserbasyon(Wikang Hapon lamang)

Para sa mga katanungan tungkol sa reserbasyon(Wikang Hapon lamang)

Call center para sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga
TEL: 050-3665-9654
Oras ng pagtanggap
Linggo hanggang Huwebes: 9:00am hanggang 5:00pm
Biyernes at Sabado: 9:00am hanggang 9:00pm

Mga maaring tumanggap ng pagbakuna

A Mayroong Katibayan ng paninirahan mula sa Prepektura ng Shiga
  1. Mayroong vaccination voucher(tiket sa pagpabakuna) (ikatlong beses) mula sa munisipalidad na nasa Katibayan ng paninirahan, sa araw ng pagbakuna
  2. May 6 na buwan o higit pa ang nakalipas mula nang ikalawang pagbakuna
  3. May 18 taon gulang o pataas sa araw ng pagbakuna
  4. May paunang reserbasyon
B Mga walang Katibayan ng paninirahan mula sa Prepektura ng Shiga
  1. Mga nagtratrabaho o nag-aaral sa Prepektura ng Shiga, at mayroong vaccination voucher(tiket sa pagpabakuna) (ikatlong beses) mula sa ibang munisipalidad sa araw ng pagbabakuna
  2. May 6 na buwan na o higit pa ang nakalipas mula sa ikalawang pagbakuna
  3. May 18 taon gulang na o pataas sa araw ng pagbakuna
  4. May paunang reserbasyon
•Ang mga maaring tumanggap ng karagdagang bakuna (ikatlong beses), ay ang tumanggap ng sumusunod na bakuna at 6 na buwan o higit pa ang nakalipas mula sa ika-2 beses.
Tapos nang makatanggap ng 2 beses na pagbakuna ng mga bakunang kinikilala sa bansang Hapon: COMIRNATY intramuscular injection ng Pfizer, Spikevax intramuscular injection ng Takeda/Moderna at Vaxzevria intramuscular injection ng AstraZeneca.

Uri ng bakuna na gagamitin

Bakunang gawa ng Takeda/Moderna (Spikevax na ituturok sa kalamnan)
Basahin ang gabay sa Bakuna iwas sa COVID-19(para sa karagdagang (ika-3) bakuna)sa:
Website ng Ministry of Health, Labour and Welfare

Sa mga umiinom ng gamot na pampalabnaw ng dugo

Depende sa iniinom na gamot, kapag dinugo ay maaring maging mahirap ang paghinto nito, kaya tinatanong ito sa pre-vaccination questionnaire. Maari pa ring tumanggap ng pagbakuna, subalit kailangan maging maingat sa maaring pagdurugo pagkatapos.
Pag-iingat sa bakuna (turok sa kalamnan)
Diinan ng mga 2 minuto o higit pa matapos ang pagbakuna.

Mga kakailanganin para sa pagbakuna

Kung makalimutan ang kahit isa dito, ay hindi maaring mabakunahan.
Tiyaking madala ang lahat ng papel sa loob ng sobre, mula sa munisipyo.
Questionnaire sa karagdagang pagbakuna at Katibayan ng pagkabakuna
Tiyaking dala ang mga pinadala ng munisipyo ng inyong tirahan sa araw ng pagbakuna.
Mga nakapaloob kasama ang Questionnaire sa karagdagang pagbakuna
Dalhin ang lahat ng papel na kasama sa questionnaire ng karagdagang pagbakuna.
Mga dokumento ng pagkakakilanlan
Kailangan ng magpapatunay sa adres na nasa Katibayan ng paninirahan.
Tiyakin kung ang adres ay katulad ba ng sa Katibayan ng paninirahan.
Halimbawa ng dokumento ng patunay
  • Kard ng Pansariling numero (My Number card)
  • Abiso ng Pansariling numero (My Number notification card)
  • Sertipiko ng mga nakalista sa Katibayan ng paninirahan
  • Residence card
  • Lisensya ng pagmamaneho
  • Health insurance card
  • School ID
  • Muntaklat ng mag-aaral, atbp.
Kung hindi madala ang dokumento ng pagkakakilanlan, o hindi matiyak ang tirahan na nasa Katibayan ng paninirahan sa araw ng pagbakuna, hindi maaring mabakunahan.
<Mga may Katibayan ng paninirahan na sa labas ng prepektura>
Mga patunay ng pagtratrabaho o pag-aaral sa Prepektura ng Shiga
  • Dalhin ang mga patunay ng pagtratrabaho o pag-aaral sa Prepektura ng Shiga tulad ng company ID, school ID, sertipiko ng mag-aaral, atbp.
  • Kung hindi nakasulat ang lugar ng pinagtratrabahuhan o paaralan ay nasa Prepektura ng Shiga, hindi ito maaaring gamitin bilang katibayan.
  • Kung walang company ID, school ID, sertipiko ng mag-aaral, atbp. na nakasulat ang kumpanya/opisina o paaralan ay nasa Prepektura ng Shiga, maaring dalhin ang nasa baba na sinulatan ng pinuno ng kumpanya o paaralan sa loob ng prepektura.
Form ng“Katibayan ng pagtratrabaho/pag-aaral sa Prepektura ng Shiga”

Iba pang dapat ingatan

  • Matapos makumpleto ang pagpapareserba, magpapadala ng email sa nirehistrong email address kaya siguraduhing basahin ang mga nilalaman nito.
  • Mahigpit na pinagbabawal ang walang dahilang pagkakansela, o pagkahuli.
  • Dumating sa tinakdang oras sa araw ng pagbakuna. Kung sakaling mahuhuli, makipag-ugnayan sa call center bago ang oras ng reserbasyon.
  • Kung nais ikansela ang reserbasyon, makipag-ugnayan sa call center bago mag-10:30 ng umaga sa araw ng pagbakuna.

Call center para sa malawakang bakunahan sa Prepektura ng Shiga(Wikang Hapon lamang)

TEL: 050-3665-9654
Linggo - Huwebes: 9:00 a.m. - 5:00 p.m.
Biyernes at Sabado: 9:00 a.m. - 9:00 p.m.
*Pakitandaan na hindi ka maaaring gumawa ng mga appointment sa call center.
  • Maaari ring gawin mag-isa sa Sistema, hanggang 2 araw bago ang tinakdang araw.
  • Sa mga nagpareserba sa iba, o sa gustong baguhin ang petsa matapos ang pagpapa-reserba, huwag kalimutang kanselahin ang isa upang maiwasan ang dobleng reserbasyon.
  • Kung nagpabakuna para sa Influenza (hindi bakuna para sa COVID-19) , atbp., sa loob ng 2 linggo bago ang araw ng pagbakuna, hindi maaring magpabakuna.

Mangyaring makipag ugnayan sa mga sumusunod~kung hindi kayo nakakaintindi ng Nihonggo

Shiga Foreign Residents Information Center/Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga
(Lunes~Biyernes 10:00am-5:00pm ※Sarado sa mga huling araw ng linggo at mga araw na bakasyon)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel