Ang panahon ng paghihintay ng mga nakahalubilo ang mga nahawa sa impeksyon ng COVID-19 ay nakatakda.
Bilang alituntunin, iwasan ang paglabas nang hindi kailangan/hindi kagyat sa panahon ng paghihintay.
Panahon ng paghihintay ng nakahalubilo ang nahawa sa COVID-19
- Ang panahon ng paghihintay ay, magsisimula sa sumunod na araw (ika-0 araw) mula sa huling araw ng pakikihalubilo sa nahawa sa COVID-19 hanggang 5 araw (o magtatapos sa ika-6 araw)
- Kung matukoy na negatibo ang resulta sa ika-2 at ika-3 araw ng pagkuha ng “Qualitative Antigen Test kit”, maaring tapusin sa ika-3 araw *Hindi maaring gamitin ang “Qualitative Antigen Test kit” na ipapadala sa pamamagitan ng “Test kit benefit/Positive Individual Registration Center” upang tapusin ang panahon ng paghihintay.
- Kahit matapos na ang panahon ng paghihintay, sundin ang mga sumusunod na pag-iingat sa impeksyon hanggang 7 araw.
*Hindi na kailangang sabihin sa Health center ang resulta na negatibo.
- Pagtiyak sa sariling kalusugan tulad ng pagsusukat ng temperatura ng katawan
- Pag-iwas sa mga may edad na at mga may mataas na panganib ng paglala ng sakit dahil may malalang karamdaman
- Pag-iwas sa pagbisita nang hindi kailangan/hindi kagyat sa mga institusyon para sa mga may edad na o may kapansanang kabataan, o mga institusyong medikal
- Pagsusuot ng mask, pag-iwas sa paggamit o pagkain at iba pa sa mga lugar na mataas ang panganib na mahawahan
Tungkol sa panahon ng paghihintay ng pamilya ng mga nakahalubilo ang nahawa sa COVID-19
Ang panahon ng paghihintay ng magkasamang namumuhay na pamilya o kasama sa bahay na nakahalubilo ang nag-positibo sa pagsusuri ng COVID-19 (Kung ang mga nag-positibo sa nasabing pagsusuri ay nagpapagaling sa sariling tirahan, ito ay ang mga kasama sa pagkain, pagligo, pagtulog na kapamilya o kasama sa bahay. Tatawaging “Kasamang pamilya atbp.” sa ibaba.) ay magsisimula sa:- Araw na nag-positibo sa nasabing pagsusuri (kung walang sintomas (o “Asymptomatic carriers”) ang nag-positibo sa nasabing pagsusuri, araw ng pagkolekta ng samplo) O
- Araw na nagsimula sa mga pag-iiwas sa impeksyon mula sa pag-positibo sa nasabing pagsusuri bilang ika-0 hanggang 5 araw (magtatapos sa ika-6 araw).
At, sa oras na nag-positibo sa nasabing pagsusuri ang mga “Asymptomatic carriers”, magsisimula/ika-0 araw sa paglabas ng sintomas.
Bukod rito, matapos ang panahon ng paghihintay ng kasamang pamilya atbp., hinihiling pa rin ang pag-iiwas sa impeksyon sa pagtiyak ng lagay ng kalusugan tulad ng pagsukat ng sariling temperatura, pag-iwas sa paggamit/pagkain at iba pa sa mataas ang panganib na mahawahan na lugar, pagsuot ng mask, at iba pa hanggang matapos ang pagpapagaling ng mga nagpositibo.
Tungkol sa pagtiyak sa kalusugan ng mga nakahalubilo ang nahawa sa COVID-19
Sa mga nakontak dahil sa posibilidad ng pakikihalubilo sa nahawa sa COVID-19 at dahil rito ay nagpasuri, tandaang mabuti ang mga sumusunod:- Iwasan ang paglabas sa loob ng 5 araw, magsisimula sa huling araw ng pakikipagkita sa nahawahan (huling araw ng pakikihalibulo)
- Magsuot ng mask, lubusin ang tinakdang pag-iiwas sa impeksyon tulad ng pagdis-impekto ng mga kamay, atbp.
- Pansariling pagtiyak sa lagay ng kalusugan o “self-check”
Mga lalong nirerekomenda*
- May malalang sakit (sakit sa puso, sakit sa paghinga, diyabetes atbp.)
- Labis ang katabaan (BMI ng 30 pataas)
- 65 taon gulang at pataas
- Nagdadalang tao
- Mag-isang naninirahan (kasama ang pansamantang lagay lamang dahil sa pagkaka-ospital ng pamilya)
【Sanggunian】 (Wikang Hapon lamang)
Mga mamamayan ng ibang lungsod
Shiga Prefecture Home Recovery Assistance CenterTEL: 077-574-8560
(Ipaalam ang lungsod/bayan, pangalan, telepono.)
Mga mamamayan ng Lungsod ng Otsu
Otsu City Public Health CenterTEL: 077-522-7228
O sa
Otsu City Healthcare Center Medical Examination Consultation Center
TEL: 077-526-5411
〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa
Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel