Kasama ng naunang pang-ibang bansang katibayan na nagsimula noong Disyembre 20, 2021, maaari nang mag-aplay ng pambansang katibayan ng pagbabakuna para sa inaasahang gamit sa loob ng bansang Hapon.
At tungkol sa paggamit sa loob ng bansa, maari pa ring magamit ang “Certificate of Vaccination for COVID-19”, “Record of Vaccination for COVID-19”, atbp. tulad nang dati.
Tungkol sa Katibayan ng pagbakuna
Ang Katibayan ng pagbakuna sa COVID-19 (o “katibayan ng pagbakuna” sa ibaba) ay ang magpapatunay sa publiko ng pagbakuna sa COVID-19 na isinagawa ng mga lokal na pamahalaan na naaayon sa Batas ng pagbabakuna ng bansang Hapon, at ito ay ibibigay ayon sa kahilingan ng nagpabakuna.Mga maaring maisyuhan ng Katibayan ng pagbabakuna
Mga tumanggap ng bakuna (kasama ang pag-una/prayoridad na pagbabakuna ng mga doktor, atbp., pagbabakuna sa pinagtatrabahuhan, malawakang pagbabakuna, atbp.) laban sa impeksyon ng COVID-19, ayon sa “Preventive Vaccination Act”.Nilalaman ng Katibayan ng pagbakuna
Ang nilalaman nito ay ang mga sumusunod. *Nakasulat sa Hapon at Ingles- Bagay tungkol sa nabakunahan (pangalan, araw ng kapanganakan atbp.)
- Tala ng bakuna sa COVID-19 (uri ng bakuna, araw ng pagbakuna, atbp.)
- 【Para sa pangingibang bansa lamang】 Numero ng pasaporte, nasyonalidad/rehiyon
Para sa detalye, tingnan ang home page ng inyong munisipalidad.
Pag-aaplyan ng Katibayan ng pagbakuna
〈Kung electronic na aplikasyon〉
Mag-aplay gamit ang dedikadong “application (app)” para sa “smartphone”.*Para sa detalye ng dedikadong “app”, bisitahin ang “website” ng “Digital Agency” para sa “Katabiyan ng pagbabakuna laban sa COVID-19 application”.
“Katabiyan ng pagbabakuna laban sa COVID-19 application” (Wikang Hapon lamang)
“Paraan ng pag-isyu ng katibayan ng pagbabakuna” (Wikang Hapon lamang)
〈Kung papel na aplikasyon〉
Mag-aplay sa pagpunta sa tanggapan ng munisipyo kung saan nakarehistro ang tirahan o sa pamamagitan ng koreo.*Dahil iba-iba ang paraan ng pag-aplay batay sa lokal na pamahalaan, bisitahin ang “website” ng munisipyo kung saan mag-aaplay.
Ang pag-aaplyan ay, ang pamahalaang nag-padala ng “vaccination voucher” noon para sa pagpapabakuna.
Karaniwan, ito ang lungsod/bayan sa inyong JUMIN HYO. Mag-ingat na magkaiba itong dalawa.
Kung lumipat ng tirahan sa gitna ng ika-1 beses at ika-2 beses atbp., at kung gumamit ng “vaccination voucher” mula sa iba’t-ibang munisipyo para sa bawat pagbabakuna, kailangang mag-aplay sa bawat munisipyo.
Mga kailangan sa pag-aplay ng Katibayan ng bakuna
〈Kung electronic na aplikasyon〉
- Smartphone (kailangang nakaka-“scan” ng My Number card na “device”)
- Katabiyan ng pagbabakuna laban sa COVID-19 application (naka-“download” sa smartphone)
- My Number card at PIN code (4 na numero)
- 【Para sa pangingibang bansa lamang】 balidong pasaporte sa oras ng paglalakbay*1
〈Kung papel na aplikasyon〉
- Application form na tinalaga ng inyong munisipalidad (bisitahin ang home page para sa mga form.)
- Natirang bahagi ng “vaccination voucher” na ginamit noong nagpabakuna (pinagdidikitan ng sticker na “pre-examination lang”)*2
- “Certificate of Vaccination for COVID-19” o “Record of Vaccination for COVID-19”*3
- 【Para sa loob ng bansa lamang】 Dokyumento ng pagkakakilanlan
- 【Para sa pangingibang bansa lamang】 Balidong pasaporte sa oras ng paglalakbay*1
*1 Kailangang parehas ang numero ng pasaporte na nakasaad sa katibayan at sa pasaporteng gagamitin sa paglakbay. Kung pagkatapos makuha ang katibayan ay nagbago ang iyong pasaporte, kailangang muling kumuha ng katibayan. Sa mga nag-aasikaso ng pasaporte, simulan ito pagkatapos mapagkaloob ang bagong pasaporte. Maari ding mag-aplay gamit ang pasaporteng pinagkaloob ng ibang pamahalaan.
*2 Kung wala nito, maari ang mga dokumentong mayroong My Number (tulad ng kopya ng JUMIN HYO, atbp.). Kung hindi maipakita ang mga ito, maaring gamitin ang ibang dokumentong mapapatunyan ang iyong tirahan noong ikaw ay nagpabakuna.
*3 Kung naiwala ito, maari din ang kopya (pansarili) ng paunang medikal na pagsusuri.
Sanggunian ng tungkol sa Katibayan ng pagbakuna
〈Para sa detalye ng mga paraan ng aplikasyon, atbp.〉
Tiyakin sa pagpapasahang munisipalidad ayon sa inyong JUMIN HYO.〈Para sa mga pangkalahatang katanungan o tungkol sa sistema ng katibayan〉
Tumawag sa COVID-19 Vaccine Call Center ng Ministry of Health, Labour and Welfare.【Ministry of Health, Labour and Welfare COVID-19 Vaccine Call Center】
Telepono: 0120-761770 (toll-free)●Mga suportadong wika
Hapon, Ingles, Intsik, Koreyano, Portuges, Espanyol, Thai, Biyetnames●Oras ng tanggapan
Tandaang ito ay mag-iiba ayon sa wika. Bukas din kahit Sabado/Linggo o pista opisyal.Wikang Hapon/Ingles/Intsik/Koreyano/Portuges/Espanyol: 9:00 a.m. – 9:00 p.m.
Thai: 9:00 a.m. – 6:00 p.m.
Biyetnames: 10:00 a.m. – 7:00 p.m.
〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa
Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/tl/counsel