Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sa Prepektura ng Shiga, mayroong 93 na pampublikong (itinatag ng lungsod/bayan) junyor hayskul. Bilang karagdagan mayroon din pambansa, pang-prepektura, pang-pribado, pang-sapilitang-edukasyon na paaralan (pinagsamang elementarya at junyor hayskul) at mga paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan (may kapansanan). (Simula sa Abril 1, 2024)
Ang paaralan na nais mong pasukan ay pangangasiwaan ng distrito ng paaralan kung saan kayo nakatira. Kung nais ninyong pumasok sa pambansa, pang-prepektura o kaya pang-pribadong junyor hayskul kinakailangan ninyong kumuha ng pagsusulit para sa pagpasok.
Para sa mga nais kumuha ng pagsusulit kinakailangan isangguni ninyo ito sa inyong mga guro simula sa nakakataas na baitang sa elementarya upang makapagdisisyon sa nais na landas ng karera.
~Tungkol sa Pamumuhay sa Paaralan~
Q Mga anu-anong asignatura ang pag-aaralan mo sa junyor hayskul?
A Sa junyor hayskul, pinagaaralan ng mga mag aaral ang 9 asignatura (Japanese, Matematika, Araling-panlipunan, Agham, Ingles, Musika, Sining, Kalusugan, Pisikal na Edukasyon, Teknolohiya, at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan). iba-iba ang mga guro sa bawat asignatura. Mayroong regular na pagsusulit (Pang-gitna at pang huli) 4 o kaya’y 5 beses kada taon. Bilang karagdagan, mayroon din ilang mga pagsusulit ng kasanayan na ibinibigay ng ilang beses sa isang taon, at ang resulta ng mga pagsusulit na ito ay ginagamit bilang sanggunian kapag isinasaalang-alang kung saan na senyur hayskul nais mag aral. Ang mga grado ay ibinabatay sa mga resulta ng mga regular na pagsusulit, paglahok sa klase, pagkaantala, pagliban, at pagsusumite (mga pagtala at takdang-aralin). Mahalaga rin ang pagsusuri para sa mga mag-aaral na gustong pumasok sa hayskul. Dahil ang junyor hayskul ay isang obligadong -edukasyon, walang bagsak na grado ito.Q Ano ang mga aktibidad sa klab (bukatsudo)?
A Ang mga aktibidad sa klab ay boluntaryong aktibidad ng mga mag-aaral at sa pangkalahatan, malaya ang mga mag aaral na sumali sa mga nais nilang salihan. May mga isports klab (baseball, soccer, basketball, track & field, tennis, atbp.) at pang-kultural na klab (sining, bandang-pang-martsa, mga likha-kamay, drama, atbp.), at ang mga uri ng ng aktibidad ng klab ay nag-iiba-iba sa bawat paaralan. Ang mga aktibidad ay pangunahing ginagawa pagkatapos ng klase at sa mga huling araw ng linggo. Nakikipag ugnayan din sila sa mga mag aaral sa iba't ibang baitang at kung minsan ay sumasali sa mga kumpetisyon at paligsahan.Q Mga anu-ano pa ang iba pang mga aspeto sa pamumuhay sa paaralan.
A Karamihan sa mga junyor hayskul ay may uniporme sa bawat paaralan. Ang mga uniporme sa tag-araw ay isinusuot mula Hunyo hanggang Oktubre, at ang sa tag-lamig ay mula Oktubre hanggang Hunyo. Ang uniporme sa gym ay pina- ngangasiwaan ng paaralan.Ang ilang paaralan ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na mag-komyut papasok sa paaralan sa pamamagitan ng bisikleta o tren. Ang mga magbibisikleta ay dapat may kandado ang kanilang bisikleta, magsuot ng helmet, at may seguro/insurance sa bisikleta. Sundin ang mga patakaran sa trapiko kapag papunta at pauwi mula sa paaralan.
Mayron programang tinatawag na “linggo ng tsalenge para sa mga junyor hayskul (Chugakusei). Ito ay 5 araw na karanasan sa trabaho sa kanilang pang ika-2 taon sa junyor hayskul bilang isang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa mga taong nagtatrabaho na nasa hustong gulang na at pag-isipan ang kanilang kinabukasan. (Lahat ng pampublikong junyor hayskul sa Prepektura ng Shiga ay nag-aalok ng programang ito.)
Q Nais kong malaman ang kalagayan ng anak ko sa paaralan....
A Maaaring pag usapan ang tungkol sa pamumuhay sa paaralan at pag-aaral ng inyong anak sa panahon ng pribadong pag uusap-usap (kojin kondan). Sa ikatlong taon sa junyor hayskul, ang mag aaral, magulang at titser ay mag uusap-usap (sansha mendan) upang talakayin ang plano sa hinaharap pagkatapos ng pagtatapos at pagsusulit sa pagpasok sa senyur hayskul. Huwag mag atubiling komunsulta sa inyong guro kung kinakailangan o kung mayron mga ipinag-aalala.Q Mga anu-anong kailangan na gastusin sa junior hayskul?
A Walang bayad para sa matrikula at mga aklat-aralin, ngunit may bayad para sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan (uniporme, damit sa gym, swimsuit, sapatos sa gym, bag, mga gamit sa aktibidad sa klab, atbp.) at mga gastusin para sa buong taon (pagkain sa tanghalian, pandagdag na materyales, mga gamit sa paaralan, pagpamiyembro sa PTA, lakbay-aral at bayarin ng paaralan para dito, aktibidad ng Klab, mga bayarin sa pag-komyut sa paaralan, atbp.) ay kinakailangan.- ※ Sistemang-tulong-pinansiyal (Shugaku enjo seido)
- Ang sistemang ito ay nagbibigay ng paunang tulong sa mga magulang ng mga mag aaral na pumapasok sa pampublikong junyor hayskul para sa mga kinakailangan gastusin para sa pagpasok sa paaralan, tulad ng mga gamit sa paaralan, mga gamit sa pag-komyut at bayarin ng pagmiyembro sa PTA. Ang mga magulang na saklaw sa proteksyon-pangkabuhayan ng gobyerno (seikatsu hogo) at sa mga nararapat na katulad na proteksyon. Para sa karagdagang impormasyon mangyaring makipag-ugnayan sa inyong paaralan o sa lupon ng edukasyon ng munisipalidad.
Kaugnay na Web page
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Saan maaring komunsulta ang mga bata sa labas ng paaralan
Mangyaring makipag ugnyan sa amin kung may pinoproblema patungkol sa inyong sarili, kaibigan, inyong pamilya at sa mga iba pang mga bagay.- Kodomo no Jinken hyakutoban/110 0120-007-110 Lunes~Biyernes 8:30am-5:15pm
- Child Line 0120-99-7777 Araw-araw 4:00pm-9:00pm
- 24 Jikan Kodomo SOS Diyal 0120-0-78310 24 Oras (may serbisyo din sa pagtatapos at pag uumpisa ng taon.)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
★Sistemang magagamit para sa mga nakapisan sa seguro ng trabaho (Shakai Hoken)
Sistemang-pagkuha ng bakasyon sa trabaho para mag alaga ng bata (Ikuji Kyugyo Seido)
Ito ay isang sistemang-pagkuha ng bakasyon sa trabaho para mag alaga ng batang wala pang 1 taon gulang. Maaring hatiin ng 2 beses ang pagkuha ng bakasyon hanggang sa mag 1 taon gulang ang bata. Sa mga kaso na kung ang parehong magulang ay kumuha ng bakasyon para mag alaga ng bata, o ang bata ay hindi makapasok sa daycare center, atbp., ang panahon sa pagkuha ng bakasyon para mag alaga ng bata ay maaaring mapalawig. Mangyaring magsumite ng liham ng kahilingan sa inyong tagapag-empleyo nang hindi bababa ng 1 buwan bago ang nakatakdang pagsisimula ng bakasyon. Kung matugunan ang ilang partikular na kundisyon, maaari kang makatanggap ng“benepisyo sa pagkuha ng bakasyon para mag alaga ng bata (Ikuji Kyugyo Kyufukin)” sa panahon ng bakasyon. Ang halagang matatanggap ay 67% sa pang-arawan na sahod sa simula ng bakasyon hanggang 180 araw at 50% pagkatapos.Sistemang-Pagkuha ng Bakasyon sa Trabaho para mag alaga ng bata ang isang ama (Shuseiji ikuji Kyugyo (Sango Papa Ikukyu) Seido)
Ang sistemang ito ay nakalaan sa mga amang maaring kumuha ng bakasyon upang alagaan ang kanilang anak pagkatapos itong maipanganak. Maaring kumuha ng 4 na linggong bakasyon sa loob ng 8 na linggong pagkapanganak sa bata. maaaring hatiin ng 2 beses. Mangyaring magsumite ng liham ng kahilingan sa inyong tagapag-empleyo 2 linggo bago ang nakatakdang pagbakasyon sa trabaho. Kung matugunan ang ilang partikular na kundisyon maaari kang tumanggap ng “Benepisyo sa pagkuha ng bakasyon para sa panganganak /pag aalaga sa bata (Shuseiji Ikuji Kyugyo Kyufukin)”.Ang halagang matatanggap ay 67% ng pang-arawan na sahod sa simula ng pagbakasyon sa trabaho × ng bilang ng mga araw ng pagbakasyon (28 araw ang pinakamataas).
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa sinasakupan hurisdiksyun ng Hello Work sa inyong lugar.
- Pagkalibre o Pagbawas sa bayarin ng pensiyon at sa segurong pangkalusugan para sa isang tiyak na panahon bago at pagkatapos ng panganganak (Mula Enero 2024)
- ・Kung ang isang miyembro sa sistemang-segurong panlipunan ay kumuha ng bakasyon sa panganganak/ bakasyon para mag alaga ng bata, malilibre sa mga bayarin ng segurong-pangkalusugan at pensiyon ang mga manggagawa sa panahon ng bakasyon.
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng pensiyon. - ・Ang mga nakaseguro sa kategoriya 1 ng pambansang-pensiyon at ang petsa ng kapanganakan ay sa o pagkatapos ng Pebrero 1, 2019, ay malilibre sa mga bayarin ng pambansang-segurong pensiyon ng 4 na buwan bago o pagkatapos ng panganganak.
→Para sa karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng pensiyon, o tanggapan ng munisipalidad sa inyong lugar. - ・Ang mga taong nakapisan sa pambansang-segurong-pangkalusugan/ National Health Insurance (NHI) ay babawasan ang
Bayarin ng seguro sa loob ng 4 na buwan mula sa buwan bago manganak (nanganak bago o pagkatapos ng Nobyembre 1, 2023)
→Para sa mga karagdagang impormasyon mangyaring sumangguni sa tanggapan ng munisipalid.
★Magagamit na Sistema na Itinatag ng Panukala ng Pamantayan sa Paggawa Pagkabalik sa Trabaho.
※Ang bawat programa ay may mga limitasyon sa edad ng bata at oras ng trabaho, mangyaring alamin sa inyong taga empleyo.Oras sa pag alaga ng bata (Ikuji Jikan)
Anuman ang katayuan ng trabaho, ang mga kababaihan na nagtratrabaho ng mahabang oras ay maaaring humiling ng hindi bababa sa 30 minutong pahinga sa pag alaga ng bata, 2 beses sa 1 araw, bilang karagdagan sa oras ng pahinga, habang ang bata ay wala pang 1 taong gulang. Maari itong kunin habang nasa oras ng trabaho, sa simula o sa pagtatapos ng oras ng trabaho.Pagpaikli sa oras ng trabaho, kalayaan sa dagdag-oras na pagtrabaho,
Anuman ang kasarian ng magulang na nangangalaga sa bata/mga bata, ay maaring humiling ng pagpaikli sa oras ng trabaho (6 na oras sa panuntunan) o kalayaan mula sa dagdag-oras na pagtrabaho, at hanggang gabing pagtratrabaho (mula 10:00 p.m.~ 5:00 a.m.).Paghingi ng bakasyon para sa pag alaga (Kango Kyuka),
Anuman ang katayuan sa trabaho, ang mga mangagawang nangangalaga ng mga batang hindi pa tumutuntong sa edad ng pang -elementarya ay maaring humiling ng bakasyon upang alagaan ang bata/mga bata kung magkasakit o masugatan ang mga ito, o kaya kung magpapabakuna o magpapagamot. Ang mga manggagawa ay maaring makakuha ng hanggang 5 araw na bakasyon para sa 1 bata bago ito tumuntong sa edad pang- elementarya, at hanggang sa 10 na araw para sa mahigit pa sa isang bata kada taon. Ayon sa pang oras na batayan, bilang karagdagan sa kada taunang bakasyon na may bayad.※ Depende sa sistema sa lugar ng trabaho kung ang pagkuha ng bakasyon ay binabayaran o hindi binabayaran.
→ Para sa konsultasyon, Tumawag sa Shiga Labor Bureau, Employment, Environment, at Equal Opportunity Office. TEL: 077-523-1190
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Magandang araw sa inyong lahat, kami po ang Tanggapan ng Pamahalaang Prepektura ng Shiga, Kawani ng usaping Pambata at kabataan. Gamit ang susing salita na「Mga bata・Mga bata・Mga bata」nilalayong makabuo ng isang Pam-Pamahalaang Prepektura kasama ang mga “Kabataan”.
Alam mo ba kung ano ang isang kabataang tagapangalaga (Young Carer)? Ang mga kabataang tagapangalaga ay mga kabataang nakapako sa mga responsabilidad sa pang-araw-araw na gawain at pangangalaga sa kanilang mga pamilya na dapat responsabilidad ng mga matatanda. Ang isang halimbawa ay ang mga sumusunod na kaso.
- Kaso 1
- Paggawa sa mga gawaing bahay at pangangalaga sa mga nakakabatang mga kapatid
- Kaso 2
- Pagbantay at pangangalaga sa matatandang kapamilya
- Kaso 3
- Pangangalaga sa may kapansanang miyembro ng pamilya na ngangailangan ng tulong at pangangalaga
- Kaso 4
- Pagtratrabaho pagkatapos ng pag aaral upang matulungan ang pamilya
- Kaso 5
- Suportang Pagpapaliwanag ng salita at iba pa., daan para sa komunikasyon ng pamilya
Para sa mga bata, ang “pagtulong” ay isang magandang karanasan na gagabay sa pag unlad ng kanilang pagkatao. Gayunpaman, ang mabibigat na tungkulin at pasanin na hindi tumutugma sa kanilang paglaki ay maaaring makaapekto sa kanilang mental at pisikal na kalusugan, o hadlangan ang kanilang panahon sa pagiging bata. May mga kabataang isinasantabi ang kanilang mga pangarap para sa kanilang hinaharap alang-alang sa kapakanan ng pinakamamahal na pamilya, minsan iniisip nilang karaniwan lang na suportahan ang pamilya at hindi namamalayan na nakakalimutan na nila ang kanilang sariling pangangailangan at wala manlang silang mapagsabihan ng kanilang problema, kahit na sila ay nagdudusa.
Ang Prepektura ng Shiga ay nagbibigay suporta sa mga pamilya ng mga kabataang katulad nito na nahaharap sa iba't ibang problema. Nagbibigay kami ng suporta para sa mga kabataang tagapangalaga (young carer) batay sa susing-salita na “ suporta sa buong pamilya.” Sa pamamagitan ng NPO, nagbibigay kami ng lugar at serbisyo kung saan maaring sumangguni, makahingi ng payo at magkita-kita ang mga nasa magkakasingtulad na sitwasyon. Naglagay din kami ng isang tagapamuno ng young carer upang makapagbigay ng suporta.
Dahil sa hadlang sa wika, nahihirapan ang ilang mga kabataang may dayuhang nasyonalidad na ipahayag ang kanilang mga tunay na damdamin. O kaya nawalan ng oras para sa kanilang mga sarili dahil sa mahigpit na pangangailangan ng pamilya para sa pagpapaliwanag-salita. Magtulungan tayong lahat upang suportahan ang pagsasakatuparan ng isang lipunan kung saan ang mga Kabataan ay maaaring magkaroon ng panahon makapaglaro at may matutunan sa loob ng komunidad at sa loob ng tahanan. Ang kabataan ay kayamanan ng lipunan. Sa mga kabataan, mga pamilya na nahihirapan, mangyaring sumanggini lamang po sa amin. (Mula sa tagapamuno ng young carer)
Kokoron Dial (Tumawag kung may alalahanin)
Pambata・Pangkabataan, Nakahanda po kaming makinig sa mga alalahanin ng mga magulangTEL 077-524-2030
9:00 ng umaga~ 9:00 ng gabi (maliban sa mula 12/29 ~ 1/3)
9:00 ng gabi pagkatapos, ikokonekta kayo sa 24 Oras Dial Kodomo SOS
~Impormasyon, Tanggapan ng konsultasyon ng bawat munisipalidad~
Mangyaring makipag ugnayan patungkol sa matatanggap na suporta serbisyohttps://www.pref.shiga.lg.jp/file/attachment/5355506.pdfHigit na masisiyahan ang mga bata! ~Magpalipas ng oras sa kakaibang lugar~
Maraming mga grupong sumusuporta sa mga kabataan sa loob ng Prepektura ng Shiga.
「Ang grupong sumusuporta para sa mga batang tagapangalaga/ young carer」(★) ay sumusuporta sa mga batang may pinagdadaanang problema sa loob ng tahanan, gustong makapagpahinga, humingi ng payo. Ang「Kodomo Shokudo/Kainang-pambata」ay isang lugar kung saan masisiyahan ang mga bata sa pagkain na libre o sa murang halaga. (Mayroon ding mga grupo na bukas para sa mga matatanda sa komunidad.)
Ang “Ibasho” ay isang lugar kung saan maaaring magpalipas ng oras ang mga bata ayon sa gusto nila. Halina’t pasyalan natin!
NPO Kodomo Social Work Center (Kinatawan ng NPO sentro ng kapakanang pambata)
- Mga nilalaman:★Suporta para sa mga Young carer, Ibasho, baon na pagkain (Pamamahagi ng pagkain), Kamping
- Lugar:9-8 Kannonji, Otsu-shi
- Panahon: Araw-araw
- Kontak: 077-575-4378
https://liff.line.me/1645278921-kWRPP32q/?accountId=294hlbww
NPO Serikawa no Kappa (Kinatawan ng NPO)
- Mga nilalaman: ★Suporta para sa mga Young carer, Ibasho, konsultasyon sa online
- Lugar:2-3-4 Kawahara Hikone-shi
- Panahon: Araw-araw
- Kontak: 0749-20-9084
https://cswc2016.jp/
Tabunka Kyousei Shien Center (Sentro ng sama-samang suportang-pang-multikultural SHIPS)
- Mga nilalaman: Tabunka Kodomo Shokudo
- Lugar: 1-13-12 Kusatsu-shi
- Panahon:Tuwing sabado ng buwan
- kontak: 077-561-5110
Kanchan no Chiisana Ie (Munting bahay ni Kanchan)
- Mga nilalaman: Tabunka Kyosei Chiiki Koryoukai, Kodomo Shokudo (Palitan ng pagpupulong-multikultural ng komunidad Silid-kainan ng mga bata)
- Lugar: 956-2 Azuchi-cho Jorakuji Omihachiman-shi
- Panahon: 10 beses kada 2 taon
- Kontak: 090-3708-3315
https://kancyan-house.com/contact/
NPO Houjin Yanchadera (Kinatawan ng NPO Yanchadera)
- Mga nilalaman: Ibasho para sa mga teenagers, Kodomo Shokudo
- Lugar:Sa loob ng Lungsod ng Kusatsu
- Panahon:Pang ika-1,3,5 na Sabado
- 問い合わせ先: https://yanchadera.wixsite.com/yanchadera
PARADEIRO
- Mga nilalaman : Ibasho ng mga kabataan, Kodomo Shokudo
- Lugar: 13-2 Aisho-cho Echigawa
- Panahon: ang ika-3 Biyernes Pang hapunan
- Kontak: 090-4030-1492
https://twitter.com/paradeiro12123
Otsu Alternative School Triumph
- Mga nilalaman: Free-school, Ibasho Suisaiga kyoushitsu
- Lugar: 4-3-25 Hamaotsu Otsu-shi
- Panahon:Mar. Miy. Biy
- Kontak: 050-5374-0311
https://www.otsu-triumph.com/
Child Village
- Mga nilalaman:Third Place Palipasang lugar Pambata, Pang -matanda
- Lugar: 2-39-4 Hiedaira, Otsu-shi
- Panahon: Pang-ika4 na Sabado10am~4pm
- Kontak: email:chimihirano@gmail.com
♪ Mas marami pa kayong makikitang mga lugar pambata, Kainang pambata (ibasho, Shokudo)Mayron din Palaruang pambata (Asobiba) ♪
- Maglaro, Matuto Omi Kodomo Shokudo (Sa loob ng Prepektura ng Shiga Kodomo Shokudo) https://shiga-hug.jp/uploads/06ad710ef1b9daebf3cfac7d6f934dd6.pdf
- 『Shiga Kodomo Taiken Gakkou/Paaralang-pang-esksperensiya sa trabaho sa Shiga』
「Pakikipag-ugnayan」,「Pamumuhay・ Paglinang」,「Yamang kapaligiran」,「Satoyama・Palayan」,「Kultura at Sining・Kasaysayan」Makakaranas ng ibat-ibang pag-eksperensiya sa 5 na tema.
https://www.pref.shiga.lg.jp/ippan/kosodatekyouiku/kosodate/300072.html
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Kapag ipinanganak ang bata, meron iba't ibang proseso na dapat gawin sa tanggapan ng munisipyo. Sa mga batang may dayuhang nasyonalidad, kailangan na sumailalim sa mga prosesong dapat isagawa sa tanggapan ng konsulado (embahada) at tanggapan ng imigrasyon.
Proseso sa tanggapan ng lokal na pamahalaan/Munisipyo
- Pagparehistro/Pagpaulat ng kapanganakan Sa pangkalahatan , isusumite ng ama o ng ina ng bata ang “Abiso ng Kapanganakan”(Shuusho Todokesho) sa tanggapan ng munisipyo sa loob ng 14 na araw pagkapanganak sa sanggol.
- Sustentong-pambata (Jidou Teate) Ipinagkakaloob na sustento para sa mga nangangalaga sa mga bata hanggang sa junior high school na edad. (*Ang ilang mga pagbabago ay nakaeskedyul na isasagawa sa loob ng taunang pananalapi sa taong 2024)
- Segurong pang-kalusugan ng mga bata (Kenko Hoken) Kung nakapisan sa pambansang segurong-pangkalusugan (Kokumin Hoken) mag aplay ng kard para sa segurong-pangkalusugan ng bata.
- Subsidyong pangangalagang -medikal (pang-sanggol at bata) (Fukushi Iryohi Josei (Nyuyoji)) Ang tiket para sa kapakananng pangangalagang-medikal ay ipinagkakaloob mula sa 0 taon gulang.
[Mga dapat ihanda] Muntaklat ng Ina at Bata (Boshi techo), “Abiso ng Kapanganakan”(Shussho Todokesho) Sertipiko ng Kapanganakan (Shussho Shomeisho)(binibigay sa ospital ng pinanganakan ng sanggol)
*Kumuha ng dalawang sertipiko ng pagtanggap ng abiso ng kapanganakan (Shussho Juri Shomesho) para isumite sa konsulado (embahada) at sa Tanggapan ng Imigrasyon.
Mangyaring mag aplay sa loob ng 15 na araw pagkatapos manganak.
Sa kaso naman ng segurong panlipunan (Shakai Hoken), mangyaring hilingin sa inyong trabaho na ipisan ang inyong anak sa programang -seguro.
Sa Prepektura ng Shiga ang mga batang bago pumasok sa mababang paaralan (mula sa kapanganakan hanggang sa unang ika-31 ng Marso pagkatapos dumating sa (6) taon gulang) ay binibigyan ng pink na tiket, upang walang sariling-bayarin sa mga gastusing-medikal na sakop ng seguro. Ang subsidyong pambatang-gastusing-medikal pagkatapos ng pag aaral ay iba-iba ayon sa munisipalidad.
Pagproseso sa Embahada/ Kawanihan ng Imigrasyon.
- I-aplay ng pahintulot sa pagpapanatili (Zairyu Kyoka) sa kawanihan ng imigrasyon ang bata sa loob ng 30 araw pagkatapos maipanganak ito. [Mga dapat ihanda] Pasaporte ng mga magulang, residence cards, Sertipiko sa pagtanggap ng abiso ng Kapanganakan (Shusshou Juri Shomei Sho), Sertipiko ng paninirahan(Jumin-hyo) ng buong sambahayan kasama pati ang mga anak.
- I- aplay ang nasyonalidad ng inyong anak upang magkaroon ito ng pasaporte sa konsulada (embahada) ng inyong bansa. Pamamaraan para sa proseso sa pag aplay bisitahin at kumpirmahin sa bawat konsulado, (embahada) ng inyong bansa.
~Para sa kapakanang-pangkalusugan ng mag ina (Anak at Ina) ~
Pagkapanganak, regular na sinusuri ang kalusugan ng mag ina (Anak at Ina). Kadalasan sa iba't ibang pagsusuri sa kalusugan, pagsasanay at pagbisita sa mga tahanan ng mag ina ay libre, kaya sulitin gamitin ang mga pagkakataong ito. Kung may mga ipinag aalala huwag mag atubiling humingi ng payo.
- Pagsusuri pagkapanganak (Sango Kenshin) Isasagawa ang pagsusuri sa sitwasyon ng kalusugan ng ina at bata at ang sitwasyon ng paglaki ng bata sa ospital kung saan ito ipinanganak.
- Pagbisita sa mga bagong panganak na bata (Shinseiji homon) Isasagawa ng isang pampublikong nars-pangkalusugan ang pagbisita sa mga tahanang may bagong panganak na ina at silang na sanggol upang alamin ang sitwasyon ng nagpapagaling na ina at ang kalagayan ng paglaki ng bata sa pagitan ng 2 buwan pagkatapos ng panganak.(ipadala sa sentro ng kalusugan (Hoken center) para e-aplay ang “ang papel ng kahilingan para sa pagpabisita sa mga bagong panganak na sanggol”(Shinseiji houmon iraisho) na ibinigay sa inyo kasama ng Muntaklat ng Ina at Bata (Boshi techo).
- Pagbabakuna (Yobu sesshu) 2 buwan pagkapanganak, kumunsulta sa Pedryateka (Shonika) upang matiyak ang eskedyul ng pagbabakuna.
- Pagsusuring -pangkalusugan para sa mga sanggol at bata (Nyuyoji kenshin) na nasa 4 buwan, 10 buwan, 1 taon at kalahati, 2 taon at kalahati at 3 taon at kalahati
- Programang patungkol sa pagkaing-pambata (Rinyushoku Kyoshitsu) pag-awat sa pagsuso Isinasagawa sa bawat munisipalidad ang pag aaral tungkol sa pagkaing-pamabata (pag awat sa pagsuso). Ang mga Nutrisyunista at iba pang propesyonal para sa pang-kalusugan ay magbibigay ng gabay at sasagutin ang inyong mga katanungan at mga alalahanin. Patungkol sa pagkaing-pamabata (pag-awat sa pagpasuso), Iba-iba man ang pagkaing pambata (pag awat sa pagsuso) ayon sa bansa, kultura, Relihiyon at iba pa…maari itong makapagbigay sa inyo ng mga kaalaman.
[Mga dapat ihanda] Muntaklat ng Ina at Bata (Boshi techo), Talatanungan para sa kasaysayang- medikal
★Impormasyon para sa pagpapabakuna sa ibat ibang wika
Sentro ng pagsusuri para sa pagpapabakuna
(depende sa munisipalidad ang mga itinakdang panahon)
[Mga dapat ihanda] Muntaklat ng Ina at Bata (Boshi techo), Papel para sa pagpapasuring medikal (Kenshin jushinhyo), Segurong-pangakalusugan (Kenko hokensho), Tiket para sa kapakanang pangangalagang-medikal (pang-sanggol at bata (Fukushi Iryo Jukyuken) (Nyuyoji)).
※Maaring may nakahanda sa ibat-ibat wika ang ilang mga talatanungan-medikal (Monshinhyo) mangyaring kumpirmahin ito sa panahon ng pagpareserba.
Mga alalahanin patungkol sa paglaki at pag unlad ng bata ....
Kumonsulta muna sa pagsusuri sa kalusugan ng sanggol at sa inyong doctor.Sentro ng Pangangalagang -medikal ng Munisipalidad
Sentro ng Suportang -pisikal na paghubog at pag-unlad ng MunisipalidadPolyeto para sa mga dayuhang magulang patungkol sa kapansanan sa paglaki
(Sentro ng Suporta at Impormasyon para sa mga may kapansanan sa pag-unlad)Mga alalahanin at nais ikonsulta patungkol sa pagpapalaki ng bata ....
Sentro ng konsultasyon para sa Pampamilya at mga Bata ng MunisipalidadMangyaring sumangguni sa tanggapan ng munisipalidad.
“Kokoron Dial” konsultasyon sa Telepono TEL: 077-524-2030(Sentro ng suporta para sa pangangalaga sa mga bata, maaring komunsulta sa telepono, o kaya sa pamamagitan ng personal)
Sentro sa Pag-gabay sa mga Bata konsultasyong-numero
TEL:0120-189-783Pang aabuso ba ito sa mga bata ...?
Sentro sa Pag-gabay sa mga Batang inabuso konsultasyong-numero (Jido sodanjo gyakutai
TEL:189Pansamatalang pagpapaalaga sa mga bata ... (Kinakailangan ng maagang pagpaparehistro)
Sentro ng Suportang- Pampamilya
Sentro ng Suportang- PampamilyaAng programang ito ay pinag-uugnay ang mga “taong nangangailangan ng tulong upang Maalagaan ang kanilang mga anak at doon sa mga taong nais mag alaga ng mga bata”, at nagbibigay ng paghatid sundo na serbisyo mula sa pasilidad sa paalagaan ng mga bata at pag aalaga din sa mga batang may karamdaman ang mga magulang.
Pansamantalang pangangalagang-serbisyo (Ichiji azukari)
Pansamantalang pagaalaga sa mga bata sa day care center/pasilidad ng paalagan ng mga bata sa mga panahong may sakit ang magulang o may mahalagang gagawin itoPangangalaga sa mg batang may sakit o sa mga batang nagpapagaling sa sakit
病児・病後児保育Kung hindi maalagaan ng mga magulang sa kanilang tahanan ang kanilang may sakit na anak, maari nilang pansamantalang mapaalagaan ito sa pasilidad ng institusyong pangangalagang-medikal at pasilidad ng paalagaan ng mga bata.
Nais kong paalagaan ang aking anak sa pasilidad ng paalagaan ng mga bata habang ako ay nagtratrabaho ...
Maaring mapaalagaan ang mga bata mula 0 taon gulang sa mga pasilidad ng paalagaang- pambata, sa mga sertipikadong paalagaan at di-lesinsiyadong pasilidad na paalagaang pambata. Upang magamit ang serbisyo ng mga pasilidad na ito kinakailangang kumuha ng sertipikong-pahintulot mula sa inyong munisipalidad. Mangyaring sumangguni sa tanggapan ng munisipalidad.Mag isang pinapalaki ang anak ...
Bilang karagadagang ayudang-pinansiyal at suporta sa trabaho, makakatanggap din kayo ng suporta para sa mga gawaing bahay at pangangalaga para sa mga bata. Mangyaring sumangguni sa tanggapan ng munisipalidad.Nais kong lumabas kasama ang mga bata ...
Sentro ng suporta para sa pagpapalaki ng mga bata pang -rehiyon
Sentro ng suporta para sa pagpapalaki ng mga bata pang -rehiyonlugar kung saan maaring magtipon-tipun ang mga magulang at mga bata para makipag ugnayan at talakayin ang mga usaping mga ipinag aalala.
Sentrong -pambata Jidokan
Sentrong -pambata JidokanIsang pasilidad kung saan sinusuportahan ang pag unlad ng mga bata sa pamamagitan ng pampalusog na mga aktibidad.
♡Shigakenritsu Biwako Kodomo no Kuni
Shigakenritsu Biwako Kodomo no KuniIsa itong malaking sentrong-pambata na may maraming kagamitan sa paglalaro. 2981 Kitafunaki, Adogawa-choTakashima-shi
Sumangguni lamang kung may mga alalahanin
★ Kung nahihirapan sa wika, tumawag lamang sa 「Sentro ng Impormasyon para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga」TEL:077-523-5646
Proyekto ng Shiga Smile Baby Touch ~Pasasalamat na Regalo~
SHIGA SMILE BABY PROJECT ~ありがとうの贈り物~Regalong “Pagbati at Pasasalamat” para sa mga sanggol na isinilang sa Preperaktura ng Shiga at sa mga magulang nito ay ipapadala na may kasamang mensahe na “ sinusuportahan ng buong lipunan ang Panganganak at Pagpapalaki ng mga bata”.
Nararapat na makakatanggap:Mga sanggol na mababa sa 1 taon gulang ※Kailangan ng maagang pagparehistro
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sistemang-suportang-pinansiyal sa mga bata (Jidou teate seido)
Ito ay sistemang-suportang- pinansiyal para doon sa mga magulang na nagpapalaki ng mga bata mula sa edad ng pagkapanganak ay pinalawig hanggang sa pagtatapos sa Senyur Hayskul (SHS) na edad. 15,000 yen kada buwan para sa 0~2 taon gulang, 10,000 yen kada buwan mula 3 taon gulang hanggang sa huling pagtatapos ng unang marso sa pagsapit ng 18 taon gulang nito at 30,000yen naman kada buwan sa mga pangatlong anak at sa mga kasunod pa nito. Kung magkahiwalay ang pamumuhay ng mga magulang (ina at ama) kung sino ang kasamang magulang na siyang nagpapalaki ang siyang bibigyang prayoridad na makatanggap nito. At kung ang mga magulang ng bata ay nakatira sa ibang bansa, kung sino ang inatasang nagpapalaki sa bata sa loob ng bansang Japan ang siyang makakatanggap ng suportang-pinansiyal.[ Info ] Sa bawat munusipyo ng lungsod.bayan
Libreng bayarin sa Edukasyon para sa mga Musmos/Maagang Edukasyon(Kinder),(Nursery) at sa Paaralang-elementarya at Junyor Hayskul (JHS)
Libreng matrikula sa mga serbisyo sa mga sertipikadong nursery na may klase ng pang3~ 5 taon gulang na mga bata sa kindergarten at nursery at sa mga sambahayan na libre sa bayarin sa pang-munisipal na buwis ng mga batang mula sa klase ng 0~2 taon gulang. At sa mga magulang na sertipikadong nangangailagan “Paaalagaan ang mga bata para sa rason tulad ng mga trabaho, may mga tulong-pinansiyal din para doon sa pinalawig na serbisyo ng pangalagaan at kindergarten. Libre din ang matrikula sa Pam-publikong paaralang elementarya at sekondariya.[ Info ] Sa bawat munusipyo ng lungsod.bayan Opisina ng Gabinete HP
Opisina ng Gabinete HP
Sistemang-Suportang -Pinansiyal sa Pag aaral (Shuugakuenjo)
Suportang-pinansiyal sa mga magulang na may pinag aaral na mga anak na nasa elementarya at sekondariyang paaralanl. Suportang-bayarin para sa mga kagamitan sa pag aaral at sa pagpasok sa paaralan, bayarin para sa PTA at sa mga bayaring sa pag aaral at sa mga magulang nasa ilalim ng pampublikong suporta at sa mga taong kapareho din ng sitwasyon nila.[ Info ] Sa Pinapasukang paaralang-elementarya at sekondariya o sa pang munusipal na kagawaran ng edukasyon.
Sistemang-Suportang-Pinansiyal para sa pagpasok sa Senior High School (Koutogakkoutou shuugakushien seido)
Para sa mga sambahayan na may taunang kita na mas mababa sa mahigit-kumulang 9.1 milyong yen na may papasok sa senior high school (mataas na paaralan pang -teknikal na kolehiyo, Pang-sekondariyang dalubhasaang pagsasanay) ay susuportahan sa bayarin sa matrikula. Sa halip na deretsahang pagbigay nito sa mga magulang, ang paaralan ang siyang tatanggap para sa paglalaanan ng mga bayarin para sa klase.[ Info ] Mag apply sa pinapasukang paaralan
Sistemang-Iskolarship-Laang-Salapi para sa mga nasa hayskul (Koukouseitou shougaku kyufukin)
Upang mabawasan ang pasanin sa bayarin maliban sa mga bayarin sa matrikula may mga suportang-laang salapi sa Mga sambahayang may mababa ang kit ana may nag aaral na mga anak sna nasa mataas na paaralan / hayskul.[ Info ] Sumangguni sa pinapasukang paaralan, sa kaso ng pribadong paaralan sa Shiga Prefectural General Affairs Department, The Promotion Division of a private school and Prefectural university・sa kaso ng pambansa at pampublikong paaralan sa Education and General Affairs Division of The Shiga Prefectural Board of Education.
Bagong-sistemang suporta sa mataas na antas ng edukasyon( Iskolarship- pagbawas, pagkalibre sa pasanin ng bayarin, at mga iba pang klase ng benipisyong-iskolaship
Depende sa kita ng sambahayan at iba pa, mayroong sistemang-iskolarship sa pagbawas at pagkalibre ng mga bayarin sa pang matrikula at sa mga bayarin sa pagpatala sa mga unibersidad,bokasyonal na paaralan at iba pang mga klase ng benipisyong iskolarship. Maari din mag aplay habang pumapasok sa paaralan (hayskul).[ Info ] Sa pinapasukang paaralan, Sa papasukang paaralan・Japan Student Support Organization (Kiko)
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Maaari bang magamit ang segurong-pangkalusugan sa panganganak [Minsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol] (Shussan Ikuji Ichijikin)
Ang normal na pagbubuntis at panganganak ay hindi isang sakit, kaya ang gastusin para dito ay hindi saklaw ng segurong-pangkaliusugan.Hindi ito maaring sumailalim ng 30% lamang na bayarin para sa pagpapasuring-medikal.
Gayunpaman, sa pamamagitan ng paggamit “Sa sistemang- deriktang pagbayad ng Minsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol Shussan Ikujiichijikin malilibre ang bayaring-medikal sa panganganak, kung kaya ang mga babayaran lang sa ospital ay yaong mga sobra doon sa mga gastusin ng sustentong-pinansiyal sa panganganak.
Sustentong-pinansiyal
500,000yen sa bawat bata(488,000yen naman sa mga ospital na walang sistema ng kompensasyong-medikal sa malubhang sakit na serebral paralysis/kapansanan sa pagkilos, pagpapanatili ng balanse at postura (Manen))
Nararapat na tao
Mga panganganak pagkatapos ng 4 na buwan ng pagbubuntis (85 araw), pati mga ipanganganak pa lamang.Paraan ng Aplikasyon
Maaaring isagawa ang proseso sa ospital. Mangyaring punan ang dokumento ng aplikasyonMinsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol URL: https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g6/cat620/r310/
* Kanang itaas na bahagi ng pahina Piliin ang wika maaring makapamili ng wika(Inglis, Intsek (Madaling-intsek, Tradisyunal na intsek), Koreano, Kastila,Portugal)
Kung liliban sa trabaho dahil sa panganganak? [Tulong -pinansiyal sa panganganak] (Shussan Teatekin)
Kung magkaroon ng mahabang panahon na bakasyon sa trabaho dahil sa pagbubuntis o panganganak, maaaring hindi mabayaran ang inyong sahod at maaaring mahirapan kayo sa inyong pamumuhay. Gayunpaman, kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kumpanyang may segurong pangkalusugan, maaari kang makakuha ng "sustentong-pinansiyal para sa panganganak." mabibigyan ng sustentong-pinansiyal bilang garantiya ng inyong pamumuhay. (Ang panganganak ng tinutustusang mga tao ay hindi sakop). Bilang karagdagan, walang ganitong sistema sa panlipunang-seguro sa pang-kalusugan ng mga lungsod, bayan at munisipalidad.)Sustentong-pinansiyal
Tinatayang dalawang-katlo( 2/3) ng karaniwang halaga ng suweldo para sa isang taonTarget na panahon
42 araw bago ang araw ng panganganak (98 araw maramihang pagbubuntis) +56 na araw pagkatapos ng panganganak.Paraan ng Aplikasyon
Mangyaring mag-aplay para sa segurong pangkalusugan sa kumpanyang pinagtratrabauhan.Tulong -pinansiyal sa panganganak金 URL: https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g6/cat620/r311/
* Kanang itaas na bahagi ng pahina Piliin ang wika maaring makapamili ng wika (Inglis, Intsek (Madaling-intsek, Tradisyunal na intsek), Koreano, Kastila,Portugal)
Ang bayarin sa segurong panlipunan na ibinabawas sa inyong buwanang suweldo ay hindi sisingilin sa panahon ng bakasyon sa panganganak/ maternity leave.
Mangyaring kumunsulta sa departamento ng pangkalahatang gawain (General affairs) sa inyong kumpanya.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Sa Prepektura ng Shiga ang mga bagong silang na sanggol ay sumasailalim ng pagsusuri para sa pandinig na kapansanan sa pamamagitan ng “Pagsusuri sa pandinig para sa mga bagong silang na sanggol. Kung may kahilingan, sinusuri din ang mga bagong silang para sa Kapansanan mula sa pagkapanganak (NBS)/congenital metabolic disorder upang malaman kung may mga kapansanan ito na siyang nagiging dahilan sa pagbagal ng progreso sa pag-unlad dahil sa mababa ang metabolismo nito o natatago, at mabigyang lunas upang mapigilan ang pagkakaroon ng kapansanan.
Ang mga sanggol at mga bata ay sumasailalim sa pagsusuri mula sa mga pang-munisipalidad na pagsusuri at may pagsusuri din sa mga bata bago sila pumasok sa paaralan sa elementarya, maliban sa pagsubaybay sa bakuna, ang mga dokumento at mga konsultasyon mula sa mga magulang, pagsusuri sa kalusugan na isinasagawa sa mga partikular na panahon ng pambatang progreso para sa maagang pagsusuri at paggamot sa kapansanan mula sa espesyalistang pangangalaga sa kalusugan.
Dahil ang mga katangian ng ilang mga kapansanan sa paglaki ng bata ay makikita lamang sa ilang mga yugto ng progreso, mahalagang makatanggap ng mga pagsusuri sa kalusugan sa nabanggit na edad na tinutukoy ng bawat pamahalaang munisipal.
Mga Samahan para sa may mga kapansanan sa pag-unlad
May mga pagkakataon para matuto at may mga ibang pasilidad na angkop doonsa pangangailangan ng bawat isa.0~6 gulang Pagsusuri sa kalusugan ng mga sanggol
Hoikuen、Kodomoen、Youchien、Opesinang sumusuporta para sa pag unlad ng bata、Sentro ng suporta sa para sa pag unlad7~15 gulang Konsultasyon para sa pag aaral
Elementarya・Haysku(JHS)(Karaniwan、(regular, tukoy na kondisyon, klase ng mga espesyal na pangangailangan)、Espesyal na pangangailangan na paaralan(Kurso para sa elementarya, JHS,SHS)16~ 18 gulang Konsultasyon para sa pag aaral
Senior Hayskul、Pangalawang paaralan sa sekondariya、Para sa may espeyal na pangangailangan Serbisyo sa pagkatapos ng pang -araw na pag aaral19 gulang+ Mataas na paaralan・Pang-trabahong konsultasyon
Unibersidad・Pang-bokasyunal na paaralan,kumpanya Serbisyo base sa pangkomprihensibong suportang batas sa taong maykapansanan (Tanggapan ng suporta sa pagbabago ng trabaho、tanggapan ng suporta para sa pagpapanatili ng trabaho)Mga Organisasyon na tumatanggap ng pagsangguni o mga suliranin patungkol sa pag unlad ng bata
- Mga Sentrong sumusuporta sa pagpaunlad. Mga sento ng pangkalusugan,Seksyon para sa pangkapakanang ng may kapansanan sa bawat lungsod o bayan.
- Institusyong pang-medikal(Doktor para sa mga bata. Doktor sa pangkaisipan)
- Sentro ng Edukasyon sa Prepektura ng Shiga ℡ 077-588-2505
Shiga prefecture medical welfare one-stop consultation desk
℡ 077-569-5955☆Ang Sentro ng Pambansang Rehalibitasyon para sa may mga kapanasanan ay may mga impormasyon sa ibat-ibang wika. Gamitin ito para sa inyong sanggunian/reperensiya.
Ang Sentro ng Pambansang Rehalibitasyon para sa may mga kapanasanan
http://www.rehab.go.jp/ddis/world/brochure/
I-download ang PDF
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Mga nilalaman ng konsultasyon
Sagot
Para sa mga tagasuporta