Mga nilalaman ng konsultasyon
Imigrasyon
Sagot
Ang mga banyagang residenteng naninirahan sa Japan ay binibigyan ng katayuan ng paninirahan (status of residence) at takdang panahon ng pananatili ayon sa layunin ng kanilang pamamalagi sa bansa. Ang nilalaman ng mga aktibidad na maaaring gawin ng isang dayuhan ay mahigpit na itinakda para sa bawat katayuan ng paninirahan.
Mga Kaugnay na Pahina
Kawanihan ng ImigrasyonMga Pamamaraan sa Imigrasyon
Mga Pamamaraan sa Imigrasyon入国後の在留関係の手続き
Ang mga pamamaraang may kinalaman sa paninirahan pagkatapos ng pagpasok sa Japan ay isasagawa sa sangay na tanggapan sa Otsu ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Osaka para sa mga naninirahan sa Shiga.Osaka Immigration Bureau, Otsu branch office
Otsu Biwako Godochosha 6th flr. 3-1-1 Kyomachi, Otsu City
TEL:077-511-4231
一般的な内容についての相談
Para sa mga detalye, maaaring magtanong gamit ang mga banyagang wika sa Information Center para sa mga Dayuhang Residente at sa One-stop Consultation Center (Immigration Bureau).One-stop Consultation Center (Immigration Bureau)
℡ 0570-013904(IP, PHS, Overseas: 03-5796-7112)
Dahilan sa pagpapalit sa bagong sistema ng katayuan ng paninirahan, ang isang tirahan (address) bago ang Hulyo 9, 2012 ay hindi maitatala sa resident card.
※Ang “alien registration card” na dating nasa pag-iingat ng mga munisipyo, bayan at mga nayon ay pinangangasiwaan na ng Ministry of Justice mula noong Hulyo 9, 2012.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Mga Pamamaraan sa Paninirahan
Mga nilalaman ng konsultasyon
Ano ang mangyayari kapag lumipas ang itinakdang panahon ng pamamalagi?
Sagot
Kapag lumipas ang itinakdang panahon ng pamamalagi, ito ay ituturing na “ilegal na pananatili” (illegal overstay) sa batas ng imigrasyon. Sa ganitong kaso, bilang isang patakaran, ang lumabag nito ay hindi maaaring muling pumasok ng Japan sa loob ng 5 taon. Depende sa naging dahilan ng deportasyon, (uri ng ginawang krimen, bigat ng parusa, atbp.), maaari ring hindi na siya muling makapasok pa sa bansa nang permanente.
Deportasyon
Ito ay naaangkop para sa mga taong sinadyang mamalagi kahit na lumipas na ang itinakdang panahon ng kanilang pananatili sa loob ng bansa. Maaaring maiba ang patakaran sa kaso ng isang naaresto o ng kusang-loob na sumuko.Kusang-loob na pagsuko
Kung susuko sa Kagawaran ng Imigrasyon bago mahuli ng mga pulis, maaaring makabalik sa sariling bansa nang walang pananagutan.Kapag naaresto
Sa paglabag sa batas ng imigrasyon, maaaring dalhin ang taong lumabag sa Kagawaran ng Imigrasyon sa loob ng 10 araw at maaaring maidemanda. Kung madedemanda, ito ay lilitisin at karaniwang mangangailangan ng isang buwan at kalahati hanggang sa paglabas ng hatol. Pagkatapos na pigilin sa isang kulungan o sa himpilan ng pulis, siya ay ililipat sa Kagawaran ng Imigrasyon at pababalikin sa kanyang bansa.Regular na paglabas ng bansa
Kung ang isang tao ay nananatili nang ilegal sa maikling panahon dahilan sa hindi maiiwasang kadahilanan tulad ng pagkakasakit, at iba pa, dapat na isagawa niya ang mga pamamaraan upang pahabain ang panahon ng kanyang pamamalagi at pagkatapos nito, siya ay lalabas ng Japan.Mga nilalaman ng konsultasyon
Abiso ng pagkamatay
Sagot
- lakip ang abiso ng pagkamatay sa sertipiko ng kamatayan na binigay ng doktor at ipadala sa loob ng 7 araw pagkatapos ng kamatayan, sa munisipyong sumasakop sa tinitirhan ng nagpasa ng abiso na maaaring isang kamag-anak o iba pang kasamang naninirahan ng namatay.
- Isauli ang residence card sa loob ng 14 na araw buhat sa araw ng pagkamatay ng nagmamay-ari nito.
Basahin ang residence procedure (Q and A) Q 84