Mga nilalaman ng konsultasyon

Tungkol sa pagpapalawak ng saklaw ng segurong panlipunan/shakai hoken

Sagot

Simula Oktubre, ang mga part-timer na manggagawa na nagtratrabaho sa mga kumpanyang may 51 o higit pang empleyado ay maaari ng pumisan sa segurong-panlipunan (segurong- pensiyon at segurong pang-kalusugan ng mga manggagawa)
[Kondisyon sa paglahok ]
May 20 oras o higit pa na pagtratrabaho/bawat linggo/ May buwanang sahod na 88,000yen o higit pa/ Nagtatrabaho ng mahigit sa 2 buwan na/Hindi estudyante.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Paggamit ng Number Card (My number Card) para sa Kard ng Segurong-Panlipunan

Sagot

Noong ika-2 ng Disyembre, ang mga bagong ipapalabas na mga kasalukuyang kard ng segurong-pangkalusugan ay ipapawalang bisa at ang sistema sa paggamit ay papalitan at ililipat sa Indibiduwal Number Card bilang pamantayan ng segurong-pangkalusugan na magagamit sa mga munisipyo, institusyong-medikal at botika. Mayroon mga hakbanging nagpapahintulot sa bisa ng paggamit sa kard ng hanggang isang taon, ngunit ang ipinalabas na kard ng seguro ay mawawalan ng bisa kung lumampas na sa petsa ng paggamit nito o kaya kung may mga pagbabago sa taong nakaseguro.

Mga nilalaman ng konsultasyon

【Segurong -Pangkalusugan Serye 8】Magpasuri sa doktor isang beses sa isang Taon!

Sagot

Nakakatanggap ka ba ng pagsusuring- medikal? Ang pagpapasuri sa kalusugan ay isang magandang pagkakataon upang mabilis na matukoy sa maagang yugto pa lamang nito ang anumang mga abnormalidad sa loob ng inyong katawan. Kahit na ang isang abnormal na resulta ng pagpapasuri kung walang makitaang anumang sintomas kung ito ay mapabayaan at hindi matingnan maari itong lumala at maging banta sa inyong buhay. Dahil dito, mahalagang kumpirmahin, paghambingin, alamin kung may mga kakaibang pagbabago sa inyong kalusugan mula sa resulta ng taunang pagpapasuri. Seguraduhing magpasuri sa kalusugan kahit isang beses kada taon.

Sa Japan, ang "mga tukoy na pagsusuring medikal "(Tokutei Kenshin) ay magagamit ng mga nakapisan sa segurong- pangkalusugan sa pagitan ng edad na 40 hanggang 74 taon gulang. Ang kompanya ng segurong pangkalusugan kung saan ka nakapisan ay magbibigay ng subsidyo sa gastusin ng medikal na pagsusuri isang beses sa isang taon.

★Sa mga nagtratrabaho/empleyado

Sapilitang pagpapatupad para sa mga tagapag-empleyo na ipasailalim sa pagsusuri sa kalusugan ang kanilang mga empleyado isang beses sa isang taon. Kung nag-aalok ang iyong kumpanya ng pagsusuri sa kalusugan, siguraduhing kunin ito. Sasagutin ng may-ari ng negosyo /tagapag-empleyo ang halaga ng pagpapasuri ayon sa tukoy na batas.

★Sa mga taong tinutustusan (dependent) na nakapisan sa Programa ng samahan ng Segurong-pangkalausugan ng Japan (Kyokai Kenpo)

Ang mga miyembro ng pamilya na may edad 40 pataas ay padadalhan ng isang paunawa sa kanilang mga tahanan para sa partikular na pagpapasuri sa kalusugan bawat taon sa buwan ng Abril. Nakapaloob dito ang tiket para sa pagpapasuri at mga polyeto. Mangyaring makipag ugnayan nang maaga sa ospital o sa lugar kung saan nais mong makatanggap ng isang partikular na pagsusuring medikal. Kung mayroon kang tiket para sa pagsusuring medikal, ibabawas ang 7,150 yen mula sa kabuuang halaga ng bayarin. Mayron din mga lugar kung saan maaari kang makapagpasuri ng libre, kaya kung makakatanggap ka ng isang paunawa, siguraduhing kunin ang pagkakataong makapagpasuri kaagad.

★Sa mga taong nakapisan sa Pambansang Segurong-Pangkalusugan (Kokumin Kenkou Hoken)

Itinataguyod din ng “Kokumin Kenkou Hoken” ang mga partikular na pagsusuring-medikal, at papadalhan kayo ng paunawa sa inyong mga tahanan. Mangyaring makipag ugnayan sa tanggapan ng munusipyo ng lungsod/bayan kung saan kayo nakatira patungkol sa oras at nilalaman ng impormasyon.

Paunawa~Para sa lahat ng mga nakapisan sa “Kyokai Kenpo”

Ang Pormat ng papel ng aplikasyon at notipikasyon ng Asosasyon ng Segurong-Pagkalusugan ay binago mula Enero 2023.
Maaring madownload ang bagong pormat sa websayt ng Kyokai Kenpo
Kung mayron kayong lumang pormat mangyaring itabi ito at huwag gamitin.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pagpisan sa segurong-panlipunan (Shakai Hoken) habang nasa panahon ng pagsubok sa trabaho pagkatapos ng makapasok sa trabaho.

Sagot

Napagsabihan na ba kayo na hindi kayo maaaring pumisan sa segurong-panlipunan (Shakai Hoken) habang nasa panahon ng pagsubok sa trabaho/probationary period?
Kung mag umpisa kayong magtrabaho sa Japan kinakailangan ninyong pumisan sa Sistema ng segurong-panlipunan, at makakatanggap kayo ng kard ng segurong-panlipunan (hokensho) mula sa inyong kumpanya.
Minsan ay namamali ang pagkakaintindi na hindi kayo maaring pumisan sa segurong-panlipunan sa panahon ng inyong pagsubok sa trabaho/ probationary period, ngunit hindi ito totoo.
Ang mga manggagawang hindi sakop ng segurong-panlipunan ay ang mga nagtatrabaho sa mga panandaliang oras ng trabaho/part time na manggagawa at sa mga manggagawang may mababa sa dalawang buwan na kontrata. Dahil ang pagtatrabaho sa panahon ng pagsubok sa trabaho/ probationary period ay itinuturing na trabaho batay sa pag aakalang sa kalaunan ay opisyal na tatanggapin ang empleyado, ang empleyado ay dapat na nakapisan na sa segurong panlipunan mula sa simula pa lamang ng panahon ng pagsubok.
Sa panahon ng pagsubok, hindi masasakop ng Segurong- Pambansang -Pangkalusugan /Kokumin Kenkou Hoken sa tanggapan ng lungsod at munisipyo, kaya hilingin sa kumpanya na ipisan/i-enroll kayo sa programa ng Segurong-Panlipunan /Shakai Hoken upang maiwasang mawalan ng seguro.
Nagbibigay din ng konsultasyon ang mga tanggapan ng pensiyon para sa mga patakaran ng pagpisan sa segurong-panlipunan, mangyaring samantalahin ang serbisyong ito. Impormasyon sa ibat ibang wika sa tanggapan ng Pensiyon

Mga nilalaman ng konsultasyon

【Segurong-Pangkalusugan Serye-7】~Ano ang aasahan kapag bumisita sa malaking ospital~

Sagot

【Pagbabago sa dagdag-bayarin sa mga unang-beses na pasyente na walang maipakitang sulat ng rekomendasyon/referral letter (SENTEI RYOYOHI)】

Simula Oktubre 2022, binago ang pambansang sistema, at ang gastusing-medikal para sa pagbisita sa malalaking ospital ng walang maipakitang sulat ng rekomendasyon/referral letter ay lalong magiging mahal
  • Unang Pagbisita 5,000 yen → 7,000 yen(hindi kasama ang buwis)
  • Pangalawang Pagbisita 2,500 yen → 3,000 yen(hindi kasama ang buwis)

  • Ang halagang ito ay hindi sakop ng segurong-pangkalusugan (Kenkou Hoken) at hindi rin ito kasama doon sa mataas na bayarin para sa pangangalagang-medikal. Ang mga malalaking ospital ay ang mga pang-unibersidad na ospital na may humigit-kumulang 200 o higit pang mga kama. Ang Japan ay may ganitong sistema kung saan nagkakaroon ng koordinasyon sa pagpatakbo ng alokasyon at mga aktibidad ng mga institusyong-medikal.
    Kung may mga pasyenteng hindi malubhang karamdaman na nagpapagamot sa malalaking ospital sa simula palang, ito ay makahahadlang sa pagpapagamot ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman at mga pasyenteng dapat maospital na dapat ay siyang pangunahing ginagamot sa malalaking ospital.
    Mangyaring tandaan na kung bibisita ka sa isang malaking ospital nang walang sulat ng rekomendasyon, sisingilin ka ng karagdagang bayad na 7,000 yen o higit pa bilang karagdagan bayarin sa regular na gastusing-medikal.
    Una, mangyaring bumisita muna sa malapit na klinika sa inyong lugar at humingi ng sulat ng rekomendasyon para sa mga pangunahing ospital kung kinakailangan.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    【Seguro-Pangkalusugan Serye 6】 Kapag malamang na mataas ang gastusin sa pagpapagamot

    Sagot

    Ang Sistema ng segurong-pangkalusugan ay may “Benipisyo para sa mataas na gastusing-medikal (Kogaku Ryoyohi Seido)” na magsasauli sa sobrang nagasta ninyo mula doon sa tiyak na halaga ng inyong gastusing-medikal kung kayo ay mag aaplay para dito mamaya.

    Ano ang Benipisyo para sa mataas na gastusing-medikal (Kogaku Ryoyohi Seido)?

    Kung ang halaga ng bayarin sa ospital o kaya sa mga iba pang klinika ay lumampas sa tiyak na halaga ng bayarin (*1) sa loob ng parehong buwan (simula sa pinakauna at huling araw ng buwan), ang humigit na halaga ng binayaran ay isasauli sa inyo mamaya kung mag-aaplay kayo para maibalik ito.
    Subalit, kahit na maaring maibalik ito, ang pagbayad sa isang mataas na gastusing-medikal ay isang mabigat na suliranin. Sa tulad ng mga ganitong kaso maari kayong mag aplay ng “Aplikasyon para sa Sertipikong nararapat sa paglimita sa bayarin ng gastusing-medikal /Gendogaku Tekiyo Ninteisho”
    ※1 Ang pinakamataas na halaga ng bayarin ay ibabase sa sa inyong edad at natatanggap na sahod mula sa kumpanya. URL:https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g3/sb3030/r150/
    URL:https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g3/sb3030/r150/
    → kanang sulok sa itaas ng pahina, pindutin at piliin ang lenguwahe (Select Language) (Inglis/English, Intsek(Pinasimple・Tradisyunal),Koreano, Espanyol, Portugal)

    Ano ang “Aplikasyon para sa Sertipikong nararapat sa paglimita sa halagang- bayarin ng gastusing-medikal” (Gendogaku Tekiyo Ninteisho)

    Kung maaga pa lang alam na ninyo na ang inyong gastusing-medikal ay mataas, sa pamamagitan ng pagpapakita ng inyong “Aplikasyon para sa Sertipikong-nararapat sa paglimita ng halagang-bayarin ng gastusing-medikal” na inyong inaplay at iniisyu ng maaga, Sa pagbayad ninyo sa inyong bayarin sa kahera, kasama ang inyong kard ng seguro, lilimitahan ang bayarin doon sa tiyak na mataas na halaga at hindi niyo na kailangan pang mag aplay mamaya para maibalik ang inyong binayaran.
    Daloy ng pamamaraan at paggamit
    1. Magsumite ng“Aplikasyon para sa Sertipikong-nararapat sa paglimita sa halagang-bayarin ng gastusing-medikal” ng maaga sa pamamagitan ng koreo.
    2. Iniisyu ang“Aplikasyon para sa Sertipikong-nararapat sa paglimita sa halagang-bayarin ng gastusing-medikal”(Bisa ng sertipiko: 1 taon (pinakamatagal)
    3. 2.Ipakita ang inisyu na ② sa itaas“Aplikasyon para sa Sertipikong-nararapat sa paglimita sa halagang- bayarin ng gastusing-medikal” at “Kard ng Seguro” kung magbabayad sa ospital.
    4. URL:https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g3/sb3020/r151/
      → Piliin ang wika (Select Language) sa kanang itaas para sa pagsasalin-salita
    *Nalalapat din ang mga nakapisan sa Seguro ng Pambansang-kalusugan sa benipisyo para sa mga mataas na gastusing-medikal at ang“Aplikasyon para sa Sertipikong-nararapat sa paglimita sa halagang-bayarin ng gastusing-medikal.” Mangyaring mag aplay sa inyong pinakamalapit na lokal na tanggapan ng lungsod/munusipyo.

    ★★★★★ Pagpapalawak ng saklaw ng Segurong-panlipunan ★★★★★

    Simula Okture 2022, ang mga manggagawang nasa maikling-panahong-pagtratrabaho lamang sa isang kumpanya na may 101 o mahigit pang mga mangagawa ay maari nang pumisan sa programang segurong-panlipunan kung sila ay saklaw sa mga sumusunod na kondisyon.
       
    • Ang bilang ng mga ipinapasok na oras kada linggo ay aabot ng mahigit 20 oras pero mas mababa sa 30 oras.  
    • Ang buwanang sahod ay 88,000 yen o mahigit pa.
    • (Ito ay tumutukoy doon sa binabatatayang suweldo at sa mga iba pang natatanggap na halaga. Gayunpaman ang mga overtime, mga bonus, pansamatalang sahod, at iba pa ay hindi kasama.)
    • Inaasahang may mahigit na sa dalawang buwang pagtratrabaho.   
    • Hindi estudyante (Mga mag aaral na pansamatalang-tumigil at mga mag-aaral sa pang-gabi ay maaring pumisan.)

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Seguro-Pangkalusugan Serye 5 Kapag manganganak

    Sagot

    Ang Segurong-Pangkalusugan ay hindi lamang tungkol sa bayarin sa pagkakasakit. Mayroong mga ilang benepisyo din ito. Sa isyung ito, ipapakilala sa inyo ang mga benipisyong makukuha mula sa seguro-pangkalusugan na may kaugnayan sa panganganak. Ito ay isang sistema na nais naming malaman ng mga taong malapit nang manganak.

    Maaari bang magamit ang segurong-pangkalusugan sa panganganak [Minsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol] (Shussan Ikuji Ichijikin)

    Ang normal na pagbubuntis at panganganak ay hindi isang sakit, kaya ang gastusin para dito ay hindi saklaw ng segurong-pangkaliusugan.
    Hindi ito maaring sumailalim ng 30% lamang na bayarin para sa pagpapasuring-medikal.
    Gayunpaman, sa pamamagitan ng paggamit “Sa sistemang- deriktang pagbayad ng Minsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol Shussan Ikujiichijikin malilibre ang bayaring-medikal sa panganganak, kung kaya ang mga babayaran lang sa ospital ay yaong mga sobra doon sa mga gastusin ng sustentong-pinansiyal sa panganganak.
    Sustentong-pinansiyal
    500,000yen sa bawat bata
    (488,000yen naman sa mga ospital na walang sistema ng kompensasyong-medikal sa malubhang sakit na serebral paralysis/kapansanan sa pagkilos, pagpapanatili ng balanse at postura (Manen))
    Nararapat na tao
    Mga panganganak pagkatapos ng 4 na buwan ng pagbubuntis (85 araw), pati mga ipanganganak pa lamang.
    Paraan ng Aplikasyon
    Maaaring isagawa ang proseso sa ospital. Mangyaring punan ang dokumento ng aplikasyon
    Minsanang Bayad sa panganganak at pag-aaruga ng sanggol URL: https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g6/cat620/r310/
    *Kanang itaas na bahagi ng pahina Piliin ang wika maaring makapamili ng wika(Inglis, Intsek (Madaling-intsek, Tradisyunal na intsek), Koreano, Kastila,Portugal)

    Kung liliban sa trabaho dahil sa panganganak? [Tulong -pinansiyal sa panganganak] (Shussan Teatekin)

    Kung magkaroon ng mahabang panahon na bakasyon sa trabaho dahil sa pagbubuntis o panganganak, maaaring hindi mabayaran ang inyong sahod at maaaring mahirapan kayo sa inyong pamumuhay. Gayunpaman, kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kumpanyang may segurong pangkalusugan, maaari kang makakuha ng "sustentong-pinansiyal para sa panganganak." mabibigyan ng sustentong-pinansiyal bilang garantiya ng inyong pamumuhay. (Ang panganganak ng tinutustusang mga tao ay hindi sakop). Bilang karagdagan, walang ganitong sistema sa panlipunang-seguro sa pang-kalusugan ng mga lungsod, bayan at munisipalidad.)
    Sustentong-pinansiyal
    Tinatayang dalawang-katlo( 2/3) ng karaniwang halaga ng suweldo para sa isang taon
    Target na panahon
    42 araw bago ang araw ng panganganak (98 araw maramihang pagbubuntis) +56 na araw pagkatapos ng panganganak.
    Paraan ng Aplikasyon
    Mangyaring mag-aplay para sa segurong pangkalusugan sa kumpanyang pinagtratrabauhan.
    Tulong -pinansiyal sa panganganak金 URL: https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g6/cat620/r311/
    *Kanang itaas na bahagi ng pahina Piliin ang wika maaring makapamili ng wika (Inglis, Intsek (Madaling-intsek, Tradisyunal na intsek), Koreano, Kastila,Portugal) 
    Ang bayarin sa segurong panlipunan na ibinabawas sa inyong buwanang suweldo ay hindi sisingilin sa panahon ng bakasyon sa panganganak/ maternity leave.
    Mangyaring kumunsulta sa departamento ng pangkalahatang gawain (General affairs) sa inyong kumpanya.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Ang iyong “my number card” ay maaaring gamitin bilang iyong health insurance card!

    Sagot

    Ang iyong “my number card” ay magagamit bilang iyong health insurance card sa mga institusyong medikal・mga parmasya na nag-install ng partikular na card reader. Kinakailangan ang pagpaparehistro nang maaga.
             

    Pangkalahatang toll free dial ng My Number

    ℡ 0120-95-0178(Hapon)
    ℡ 0120-0178-26(Inglis)

    Mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng pamahalaan sa iyong lugar na tinitirahan

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    【Segurong Pangkalusugan Serye 4】Pag-iwas sa mga sakit na nauugnay sa pamumuhay

    Sagot

    Ang isang hindi malusog na diyeta ay maaaring humantong sa "mga sakit na nauugnay sa pamumuhay" tulad ng diabetes, altapresyon, at atake sa puso. Kapag nasuri na may "sakit na nauugnay sa pamumuhay", kakailanganin ang pangmatagalang gamutan na kadalasan ay may kasamang mataas na gastusing -medikal. Maaari rin itong makagambala sa iyong buhay- trabaho.
    Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari, mahalagang suriin ang kalagayan ng inyong kalusugan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “health checkup” sa mga itinalagang institusyon nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon. Ang maagang pagtuklas ng mga abnormalidad sa katawan ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga gastusing- medikal sa hinaharap. Pagkarating sa Japan, maaaring nagbago ang mga gawi sa pagkain mula sa kahirapan sa pagkuha ng parehong mga pagkain na nakasanayan mo. Kapag nagbago ang iyong diyeta, gayundin ang balanse ng nutrisyon sa iyong katawan. Sa halip mahirap mapansin ang mga pagbabago sa loob ng iyong katawan, kaya bakit di-suriin ang inyong kalusugan sa pamamagitan ng pagpapasuri sa kalusugan?

    【Subsidyo/tulong-pinansiyal para sa mga gastusin sa pagsusuri sa kalusugan】

    Maliban sa mga gastusing- medikal, ang Kyokai Kenpo ay mayroon ding tulong-pinansiyal para sa mga pagsusuri sa kalusugan.
    Ang layunin ng mga pagsusuri sa kalusugan sa Kyokai Kenpo ay hindi lamang para sa pagsusuri at agarang paggamot ng mga sakit ngunit upang maiwasan din ang mga naturang sakit na nauugnay sa pamumuhay.
    Ang mga empleyadong nasa pagitan ng edad na 35-74 na nakaseguro sa Kyokai Kenpo sa kanilang lugar ng trabaho ay makakatanggap ng detalyadong pagsusuri sa kalusugan para sa humigit-kumulang 7,000 yen. Ang mga miyembro ng pamilya na nakasapi sa parehong seguro (may edad 40 - 74) ay maaaring makatanggap ng mga simpleng checkup tulad ng pagsusuri ng dugo mula 0 yen - humigit-kumulang 1,500 yen (nag-iiba ang mga bayarin depende sa paraan ng pagsusuri).
    Mangyaring makipag-ugnayan sa isang institusyong medikal na nagsasagawa ng mga pagsusuri sa kalusugan o sangay ng Kyokai Kenpo Shiga sa pamamagitan ng telepono (Japanese lamang) kung nais mong magpasuri sa kalusugan.
    Mangyaring suriin ang Kyokai Kenpo HP para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga detalye ng pagsusuri sa kalusugan.

    ★Kung hindi ka nagtatrabaho sa isang kumpanya, maaari kang makatanggap ng subsidyo mula sa iyong lungsod o bayan na tinitirhan para sa mga pagsusuri sa kalusugan.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Mas mura ang pangkaraniwang gamot(Generic Medicine) 

    Sagot

    Ang pangkaraniwang gamot ay may kasing epektibong mga sangkap katulad sa mga may tatak na gamot at may katumbas na epekto ng lunas subalit ibenebenta ito ng mas mura kesa mga may tatak na gamot dahil naibebenta lang ito pagkatapos matatakan ang mga bagong gamot kaya mas mura ito. Karaniwan na sa Japan ang pangkaraniwang gamot na ito, mabibilang na halos 80% ng medikasyon na binibigyan ng reseta ng mga doktor (Ang mga gamot na ito ay maaring mabibili sa mga ospital o sa mga botikang nagbebenta nito.) Kung nais ninyong bumili ng pangkaraniwang gamot na ito sa mga ospital o mga botikang nagbebenta nito.
    mangyaring ipakita ang reseta at sabihin ang “pangkaraniwang gamot”. Kung hindi kayo komportable sa inyong nihongo, maari ninyong ma-scan ang QR code at ipakita ang imahe nito sa tauhan ng ospital/botika.  (May mga karaniwan klase din ng paggagamot na hindi maaring magamit ang pangkaraniwang gamot.)

    I-download ang PDF

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    【Serye 3 Segurong Pangkalusugan】Tungkol sa matatanggap na benepisyo dulot ng Pinsala o Pagkakasakit「Shobyo-teatekin」

    Sagot

    Maliban sa mga gastusing-medikal mayroon din mga matatanggap na benepisyo kung kasapi sa segurong pangkalusugan ng kumpanya.
    At isa sa mga ito ay ang matatanggap na benepisyo dulot ng Pagkakasakit o Pinsala 「Shobyo-teatekin」
    Maaring maharap sa mahirap na sitwasyon ang pamumuhay kung lumiban sa trabaho ng mahabang panahon dahil sa pagkakasakit o pinsala. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagsapi sa subsidiyong matatanggap na benepisyo para sa pagkakasakit o pinsala, kayo ay makakatangagap ng benepisyo mula sa segurong pangkalusugan para sa mga gastusin sa pamumuhay.
    Ipinatupad ang subsidyong matatanggap na benepisyo para sa pagkakasakit o pinsala upang matustusan ang pamumuhay ng nakasaping tao at ang pamilya nito na mabigyan ng subsidyong matatanggap na benepisyo kung sakaling lumiban ito sa trabaho dulot ng pagkakasakit o pinsala.

    【Halaga ng benepisyo】2/3 mula sa kabubuan ng karaniwan sweldo mula sa kamakailang 12 buwan na panahon.

    Mangyaring tandaan, ito ang kabuuang suweldo na naiulat ng kumpanya doon sa kumpanya ng seguro. Hindi ito isasabay sa inyong suweldo pagkatapos ng mga pagbawas.

    【Kondisyon sa pagbabayad】

    1. Lumiban sa trabaho dulot ng Pagkakasakit o Pinsala na nakuha mula sa labas ng trabaho
    2. Hindi maaring makapagtrabaho (kailangan ng kumpirmasyon mula sa doctor)
    3. Hindi ka maaring makapagtrabaho ng mahigit 4 na araw, pati na ang 3 magkakasunod na mga araw.
    4. Walang natanggap na sweldo habang nakaliban sa trabaho (Kailangan ng kumpirmasyon mula sa amo ng trabaho)
    Maaring pakitsek ang HP ng Kyokai-kempo o kaya makipag ugnayan sa tanggapan nito para sa mga detalye.
    Kyokai-kempo Shiga Branch
    ℡ 077-522-1099 (Hapon)

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    【Segurong Pang-kalusugan Serye 2】Paano magpasuri sa ospital ng Japan

    Sagot

    Dalhin ang inyong kard ng segurong-pangkalusugan (Hoken-shou)

    Ang kard ng segurong-pangkalusugan (hoken-shou) ay isang kard na ipinapakita mo kapag nagpunta ka sa ospital. Inihahanda ito ng kumpanya o munusipyo sa Japan, kung ipapakita mo ito sa ospital, maaari kang makakuha ng benipisyong medikal na 30% sa pagpapasuri na itinakda ng pambansang pamantayan, kaya't makakamura ka. Gayunpaman, kung nakalimutan mo itong ipakita hindi lamang babayaran mo ang buong halaga ng bayarin kundi maaaring mas mahal pa ito dahil sa halip na base sa pambansang pamatayan ang singil nito ay malayang makapagpapasya ang ospital sa mga babayaran nito. Huwag kakaligtaaang dalhin ang inyong Kard ng segurong-pangkalusugan (Hoken-shou) kapag pupunta. Ang iyong Kard sa pang-indibiduwal na numero (My Number) ay magagamit mo bilang iyong Kard ng segurong-pangkalusugan sa hinaharap, kaya mas makabubuting iparehistro ng maaga ang iyong My Number Card.

    May mga pagkakataon na hindi maaring magamit ang iyong Kard ng Segurong-pangkalusugan (Hoken-shou)

    Maaaring gamitin ang Kard ng segurong pangkalusugan sa halos karamihan sa mga ospital at mga tambalang parmasya na tumatanggap ng reseta ng doktor sa Japan. Gayunpaman, mayroon din ilan na hindi maaring magamit sa pagpapasuri, bilang karagdagan hindi rin ito maaring magamit sa mga pagpapagamot na hindi naaangkop sa pambansang pamantayan tulad ng mga operasyon pampaganda (cosmetic surgery) at pagpapaayos ng ngipin (orthodontics) na hindi nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi rin nito sakop ang pagpapabakuna, pagpapasuri ng kalusugan, at ang pagpapalaglag ng bata.
    【Mahusay na paraan kung papano makatipid ay depende sa kung paano ka pumunta sa ospital】
    Kung sakaling biglaang magkasakit at kinakailangan ng pangangalagang-medikal sa mga institusyong-medikal sa mga panahon na walang pasok/piyesta opisyal o sa gabi. Gayunpaman, depende ito kung papaano ka pumupunta sa ospital, maaari kang singilin ng mga karagdagang bayad at maaaring mapamahal ang inyong bayarin sa pagpapatingin.

    ◇Magkakaroon ng karagdagang singil kung magpapatingin sa klinika na labas na sa oras ng konsultasyon

    Kung magpapatingin ka sa klinika sa gabi, madaling araw, piyesta opisyal (Linggo/bakasyon), at hatinggabi na labas na sa oras ng konsultasyon, kailangan mong magbayad ng karagdagang bayad bilang dagdag sa regular na bayarin nito. Gayundin, kung tatanggap ng gamot sa isang parmasya mula sa iyong pagpakonsulta na labas na sa oras ng konsultasyon ay may karagdagang bayad. Suriin at kumpirmahin muna ang oras ng konsultasyon sa home page nito bago pumunta.

    ◇Kung biglang pumunta sa isang malaking ospital, may mga karagdagang bayarin

    Kung pupunta ka sa isang malaking ospital na walang dalang sulat ng rekomendasyon, mayroong ipapataw na karagdagang bayarin na 5,000yen o higit pa. Una, magpatingin muna sa iyong lokal na doktor, at kung kinakailangan pumunta sa malaking ospital mas makabubuti kung may dala kang rekomendasyon na sulat mula sa iyong doktor.

    ◇Ang pagpapatingin sa maraming ospital ay nakapagdaragdag ng mga bayarin pang-medikal

    Nagpalipat-lipat ka na ba ng mga ospital? Sa mga kadahilanan tulad ng [ Dahil hindi bumubuti ang nararamdamang sintomas] o [ Dahil malayo ang lokasyon], bawat pagbisita sa ospital ay may babayaran kang paunang bayad (shoshinryo) para maiwasan magdoble ang pagpatingin,pagpagamot at bayarin tiyakin ang inyong doktor at magpatingin sa parehong ospital.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    【Seguro Pangkalusugan Serye 1】 Tungkol sa sistema ng Pambansang Seguro Ng Japan

    Sagot

    Kapag mag umpisang magtrabaho sa isang kumpanya dito sa Japan, ibabawas sa inyong sahod ang mga premyum na bayarin ng segurong-panlipunan Shakai Hoken Hokenryu. Sa Japan ano ang ibig sabihin ng Shakai Hoken at ano ba ang pinupunto dito. Sa Japan ay mayron mga ibat ibang klase ng batas patungkol sa Shakai Hoken, walang pakialam kung ano ang nasyonalidad maari kayong maging miyembro nito.

    Mangyaring alamin po natin ang tungkol sa pagkakaiba ng Sistemang Segurong Pangkalusugan (Kenkou Hoken ) para doon sa mga nagtratrabaho sa kumpanya at sa mga hindi

    Sa mga taong nagtratrabaho sa isang kumpanya na tumatanggap ng sahod
    Sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa kumpanya kailangan pumasok sa Shakai Hoken. Ibabawas ang premyum na bayarin ng seguro (Hokenryo) sa sahod ngunit babayaran ng kumpanya ang kalahati ng bayarin nito, at maari mo ring isali ang iyong pamilya bilang iyong dependent. Walang bayayaran sa hokenryo ang iyong pamilya. Ang kenkou hoken at Nenkin ay magkakasama mo itong sasalihan.
    Sariling nagtratrabaho.walang trabaho,para doon sa mga hindi nagtratrabaho sa kumpanya. (At para doon sa mga taong hindi naangkop sa itaas)
    Indibiduwal na magpapamiyemro kayo sa Kokumin Kenkou Hoken. Ang bayarin sa hokenryo ay kailangan bayaran Sa malapit na munusipyo sa tinitirahan lugar lahat ng bayarin ay sarili mong bayad kasama pati ang bayarin ng bawat isa sa pamilya ganoon din sa pambansang seguro indibiduwal kang magpapamiyembro ito.

    ● Ang bayarin sa ospital ay nasa may 30% alin man sa dalawang seguro ay pareho. dagdag pa riyan kung ang bayarin sa pagpapagamot ay sakaling mataas, maaring makakakuha ng benepisyo, ganon din sa panganganak at sa namatayan may makukuha din benepisyo, Sa Shakai Hoken sa oras na kapag nagpahinga dahil sa sakit at sa panganganak mayron ding benipisyong matatanggap bilang garantiyang bahagi ng sahod, subalit hindi ito sakup ng Kokumin Kenko Hoken.

    Tungkol sa proseso sa pagpasok at paglabas sa Kenkou Hoken (Seguro sa Pangkalusugan)

    Sa panahon na nagtratrabaho sa kumpanya
    Kapag papasok sa Shakai Hoken ang kumpanaya ang naglalakad sa pagproseso nito subalit ang proseso sa paglabas sa kokumin kenkou hoken ay kinakailangan gawin mo ito sa sarili mo. Upang hindi madoble ang iyong bayarin kailangan sumangguni ka sa malapit na munusipyo sa inyong lugar at gawin ang proseso sa paglabas.
    Kapag sa oras na magreretiro sa kumpanya
    Kapag magretiro at mawalan na ng bisa ang iyong shakai hoken, hindi na magagamit pa ang iyong hokenshou ibalik kaagad ito sa iyong kumpanya. At pagkatapos pumunta sa munusipyo at mag apply ng Kokumin Kenkou Hoken kailangan mong gawin ang proseso para magkaroon ng hokenshou. Ang ibang seguro ay boluntaryong magpapatuloy mayron din mga pamamaraan na maari mong ipasok ang iyog pamilya dito maari mong ikumpirma ang tungkol dito.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Ang sinumang nakasalalay sa pamamagitan ng anumang sistema ng seguro sa pangkalusugan ay “limitado lamang para sa mga residente ng Japan.”

    Sagot

    Tungkol sa mga kinakailangan para sa pag–apruba sa mga nakasalalay (insured) sa pamamagitan ng anumang sistema ng seguro sa pangkalusugan (Sistema ng Pampublikong Medikal na Seguro) kung saan ang mga manggagawa ng alinmang kumpanya ay nakatala “Ayon sa tuntunin ang mga naninirahan sa Japan” ay idadagdag “bilang sinusuportahan/sinusustentuhan na naninirahan sa ibang bansa” ay tatanggalin simula sa Abril 2020. Subalit ang sinumang sinusuportahan/sinusustentuhan na hindi nakatira sa Japan ngunit pinahihintulutan bilang nakabase sa Japan (hal, ang sinumang tao na pumunta/nag aaral sa ibang bansa, ang sinumang miyembro ng pamilya na sinamahan ang mga sumusuporta na nagtratrabaho sa ibang bansa, mga temporariyong biyahero atbp. Kasama na ang mga (boluntaryong namamasyal) ay kikilalaning bukod sa mga kinakailanganning ito. Sa kabilang banda naman, ang sinumang bibisita sa japan na may medical-stay visa o kaya long-stay visa sa layunin mamasyal/maglibang (kahit na ang taong iyon ay may address sa Japan) ay hinndi papahintulutan bilang nakasalalay (insured) na sinusuportahan/sinusustentuhan ng anumang sistema ng seguro sa pangkalusugan.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Pagsangguni ukol sa pensiyon

    Sagot

    • “Nenkin Dial”  
      ℡ 0570-05-1165    IP / PHS: ℡ 03-6700-1165
    • Kusatsu Machikado no Nenkin Soudan Center( 1-1-50 Shibukawa, Kusatsu City )
      ℡ 077-564-4311
    • Otsu Pension Office(13-5 Uchidehama, Otsu City)
      ℡ 077-521-1789
    • Kusatsu Pension Office (1-16-35 Nishi Shibukawa, Kusatsu City)
      ℡ 077-567-2220
    • Hikone Pension Office (169-6 Tomachi, Hikone City)
      ℡ 0749-23-1114

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Lump-sum withdrawal payments (dattai ichijikin) – Hindi man kwalipikadong makatanggap ng pampublikong pensiyon, maaaring makakuha ng sumusunod sa mga pagkakataong tulad ng pagbalik sa sariling bansa:

    Sagot

    Kapag nawala ang karapatan sa pagiging miyembro sa National Pension o sa Employees’ Pension ng mga taong hindi Hapon ang nasyonalidad at sila ay umalis ng Japan, maaari silang magpasa ng kahilingan para sa lump-sum withdrawal payment sa loob ng 2 taon mula sa petsang mawala ang kanilang tirahan (address) sa Japan. Ang mga dayuhang babalik sa kanilang bansa ay maaaring makakuha ng kanilang lump-sum withdrawal payment kung sila ay nakapagbayad ng pensiyon sa loob ng 6 na buwan o higit pa.
      ! Ang mga may “eligibility period” na 10 taon o higit pa ay hindi maaaring tumanggap ng lump-sum withdrawal payment.
      !Sa pagkuha ng lump-sum withdrawal payment, ang panahon ng pagbabayad na siyang batayan sa pagkalkula ng makukuhang halaga nito ay mawawalang-bisa bilang panahon ng pagiging miyembro sa pensiyon, kaya’t pag-aralan munang mabuti bago mag-apply sa pagkuha ng lump-sum withdrawal payment.
      !Maaari nang magpasa ng aplikasyon para sa lump-sum withdrawal payment habang naninirahan pa sa Japan.
      !Sisingilin ang 20% na withholding income tax para sa Employees’ Pension Insurance. Upang maisagawa ang kahilingan para sa pagbabalik ng ibinayad (refund) na buwis, kailangang ipasa sa tax office ang “abiso sa pagtatalaga ng isang kinatawang tagapangasiwa sa buwis” o “notification of tax agent” (nouzei kanrinin todokede sho) bago lumabas ng bansang Japan.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Suriin ang mga impormasyon ukol sa inyong sariling pensiyon!

    Sagot

    Matatanggap ang nenkin teikibin (“regular na pag-uulat ukol sa pensiyon”), isang beses sa bawat taon, sa buwan ng kapanganakan ng nakasegurong miyembro ng National Pension at ng Employees’ Pension upang makumpirma ang kanyang rekord. Hindi makakarating sa inyo ang nenkin teikibin kung ang nakasulat na tirahan sa abiso ay naiiba sa kasalukuyang tirahan, kaya’t ipagbigay- alam kung may pagbabago sa inyong address.
    Para sa kumpirmasyon ng rekord ng inyong pensiyon:
    Nenkin net
      “Nenkin teikibin”・”Nenkin net”  ℡ 0570-058-555

    ★ Kumpirmahin pa rin sa pension office kahit na ang panahon ng pagbabayad ninyo ng pensiyon ay kulang sa 10 taon!

  • Tiyakin kung walang nakaligtaan o kung may pagkakamali. (May iba pa bang numero ng basic pension?: Halimbawa ay ang pagkakaroon ng 2 pension booklet. May iba pa bang pangalang nakarehistro?)
  • Siyasatin kung may maituturing na complementary coverage period o gassan taisho kikan. (Ang panahong ipinamalagi sa ibang bansa ng mga permanenteng residente at mga may nasyonalidad na Hapon ay isasama.)
  • ★ May sumusunod na mga pamamaraan upang mapunan ang kinakailangang panahon ng pagbabayad upang maging karapat- dapat sa pagtanggap ng pensiyon (qualifying period):

  • Boluntaryong maging miyembro sa National Pension mula 60 hanggang 65 taong gulang. (Maaaring maging miyembro ang mga ipinanganak bago ang Abril 1, 1965 hanggang sa edad na 70.)
  • Bayaran ang mga panahong hindi pa nababayaran na gamit ang “sistema ng pagpapaliban ng pagbabayad” ng National Pension. (Ang sistema ng 5 taong pagpapaliban ng pagbabayad ay maaaring magamit hanggang Setyembre 30, 2018.)
  • Mga nilalaman ng konsultasyon

    Kasunduan sa Panlipunang Seguridad (Social Security Agreement) (shakai hoshou kyoutei)

    Sagot

    Kung ang isang tao ay naging miyembro ng sistema ng pensiyon sa isang bansa na kasama sa “Kasunduan sa Panlipunang Seguridad” (“Social Security Agreement”) na pinagtibay kasama ng Japan, maaaring ituring ang panahon ng pagiging miyembro niya sa bansang ito bilang panahon ng pagiging miyembro sa sistema ng pensiyon sa Japan. Sa kasong ito, ang halaga ng pensiyong matatanggap sa Japan ay pagpapasiyahan ayon sa panahon ng ginawang pagbabayad ng pensiyon dito sa Japan.
    Bisitahin ang sumusunod na website upang matiyak ang mga bansang kasama sa kasunduan at nilalamang mga detalye para sa bawat bansang kasapi:→ nenkin.go.jp

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Old-age pension (rourei nenkin)

    Sagot

    Sa Old-age pension o “pensiyon para sa matatanda” (rourei nenkin), ang pensiyon na nagiging karaniwang batayan para sa lahat ng kasapi ay tinatawag na “Old-age basic pension” (rourei kiso nenkin). Ang kasapi sa National Pension o “pambansang pensiyon” (kokumin nenkin) ay makakatanggap lamang ng old-age basic pension, subalit ang mga kasapi sa Employees’ Pension o “pensiyon para sa mga empleyado” (kousei nenkin) ay madaragdagan pa bukod rito ng benepisyo buhat sa Employees’ Pension. Kung nakapagbayad ng old-age basic pension ng buong 40 taon hanggang sa edad na 60, matatanggap ang taunang kabuuang halagang ¥779,300 (taong 2017). Ang edad sa pagtanggap ng old-age pension ay tulad pa rin ng dati na mula 65 taong gulang, subalit kung nanaisin, ang pagkakaloob nito ay maaaring maging mas maaga o kaya naman ay ipagpaliban muna (early or delayed pension benefits). Sa sistema ng Employees’ Pension, makakatanggap ng natatanging kabayaran para sa old-age employees’ pension mula sa edad na 60 hanggang 65, kung aayon sa ilang kondisyon na tulad ng araw ng kapanganakan at kasarian.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Ang panahong kinakailangan upang makatanggap ng pensiyon ay pinaikli sa 10 taon.

    Sagot

    Mula Agosto 1, 2017, ang panahon o tagal ng pagbabayad ng seguro na dati ay kinakailangang maging higit sa 25 taon upang makatanggap ng pensiyon para sa pagtanda, ay naging 10 taon na lamang. (Walang naging pagbabago ang mga kondisyon para sa pagtanggap ng “Survivor’s Pension” o “pensiyon para sa pamilyang naiwan ng nakasegurong namatay” (izoku nenkin) at sa “Disability Pension” o “pensiyon para sa mga may kapansanan” (shougai nenkin).
    Upang maging karapat-dapat sa pagtanggap ng old-age pension (rourei nenkin), dapat na ang isa o ilan man sa sumusunod ay may kabuuan (total) na 10 taon o higit pa kapag pinagsama:
      1.+2.+3.+4. > 10 taon
    1. Panahong kayo ay nagbayad sa seguro (panahong nakapagbayad sa seguro ng National Pension, panahon na ang nakaseguro ay miyembro ng Employees’ Pension)
    2. Panahong kayo ay exempted sa pagbabayad ng seguro; panahong tumanggap ng palugit sa pagbabayad (grace period) tulad ng natatanging probisyon sa pagbabayad ng mga estudyante
    3. Panahong kayo ay nakaseguro sa ilalim ng Category 3 (mga nakasegurong dependyente ng kanilang asawa na siyang policy holder)
    4. Complementary coverage period: *(kara kikan)
      *Kara kikan (ika-4.) ay ang complementary coverage period na hindi makikitang kasama sa halaga ng matatanggap na pensiyon subalit isasama sa pagkalkula sa kabuuang panahon ng pagiging sakop sa seguro.

    Ang sumusunod ay kabilang sa complementary coverage period:
      A. Ang panahong ang isang tao na maaaring sumali sa National Pension ay hindi boluntaryong sumali rito bago ang Marso, 1986.
      B. Ang panahong hindi boluntaryong sumali sa National Pension dahilan sa pagiging estudyante bago ang Marso, 1991.
      C. Ang panahong hindi boluntaryong sumali ang asawang dependyente ng isang miyembro ng Employees’ Pension bago ang Abril,1986.
      ! Ang kara kikan na malaki ang kaugnayan sa mga dayuhan ay ang sumusunod:
      D. Ang panahong hindi nakasali ang mga dayuhang naninirahan sa Japan bago pagtibayin ang Refugee Convention (bago ang taong 1981).
        Sakop nito ang mga special permanent resident tulad ng mga residenteng Koreano sa Japan (zainichi), atbp.
      E. Ang panahong nanirahan sa ibang bansa mula Abril, 1961.
         Ito ay para sa mga nagtamo ng nasyonalidad na Hapon at para rin sa mga permanenteng residente.
       
    Kung ang mga nagtamo ng nasyonalidad na Hapon, mga permanenteng residente, at iba pa, ay may panahong inilagi sa ibang bansa, kakailanganin ang mga dokumentong magpapatunay nito sa oras ng kanilang aplikasyon sa pagkuha ng pensiyon. Dahil dito, mahalagang itabi ang ginamit na mga pasaporte hanggang sa kasalukuyan. Ang mga rekord ng “katunayan ng pagkakarehistro ng mga dayuhan” (“certificate of alien registration”) bago ang Hulyo 9, 2012 ay nasa pag-iingat ng Ministry of Justice. Sa kadahilanang ito, upang patunayan ang ukol sa mga nakaraang paglabas at pagpasok sa bansa, kakailanganing humiling ng katunayan ayon sa dating mga rekord ng paglabas / pagpasok (o pagbalik) sa bansa. Bisitahin ang sumusunod na website para sa detalye.
    Ministry of Justice Web site

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Sistema ng Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

    Sagot

    Ang programa sa segurong pangkalusugan ng Japan ay maaaring hatiin sa Employees’ Health Insurance at sa National Health Insurance. Ang mga dayuhang mananatili sa Japan nang mahigit sa isang taon ay kinakailangang maging kasapi ng isa sa mga programang ito ng seguro, kung saan matatanggap ng nakaseguro at ng kaniyang mga dependyente ang mga benepisyong medikal para sa pagpapagamot ng sakit o kapinsalaan.
    Employees’ Health Insurance
    Ang mga empleyadong nagtatrabaho ng full-time ay kusang ipinapasok bilang kasapi sa health insurance ng kanilang kumpanya. Sa ilalim ng programang ito, ang nakaseguro at ang kanilang mga dependyente ay maaaring tumanggap ng mga benepisyo. Ang halaga ng babayaran sa seguro ay kinakalkula batay sa kinikita ng nakaseguro. Ang kalahati ng bayad sa seguro ay babayaran niya at ang kalahati ay babayaran ng kanyang kumpanya. Kailangang bayaran ng nakaseguro ang 30% ng gastos sa pagpapagamot.
    • Iba pang benepisyo: Benepisyo sa pagkakasakit at pinsala, lump-sum allowance para sa panganganak at pag-aalaga ng bata, benepisyo sa panganganak, atbp.
    National Health Insurance
    Ang mga hindi nasasakop ng employees’ health insurance at mananatili sa Japan nang mahigit sa isang taon ay kinakailangang sumapi sa national health insurance sa munisipyong sumasakop sa kanilang tinitirhan. Ang halaga ng babayaran sa seguro ay kinukuwenta taun-taon, batay sa kinikita ng buong pamilya, sa halaga ng buwis sa ari-arian (fixed property tax), at sa bilang ng miyembro ng pamilya.
    Kailangang bayaran ng nakaseguro ang 30% ng gastos sa pagpapagamot.
    • Iba pang benepisyo: Lump-sum allowance sa panganganak, kompensasyon para sa mataas na halaga ng pagpapagamot, gastos sa pagpapalibing (babayaran sa kaso ng pagkamatay ng nakaseguro)
    • Kailangang ipakita ang katunayan ng seguro (health insurance certificate) sa reception counter kapag magpapagamot sa isang ospital o klinika.

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Sistema ng Pensiyon

    Sagot

    Ang pampublikong sistema ng pensiyon ay ipinapatupad para sa lahat ng taong naninirahan sa Japan, anuman ang nasyonalidad batay sa ilang kondisyon, mula sa paghahangad na magarantiyahan ang pamumuhay ng nakaseguro at ng naulilang pamilya sa oras ng katandaan, kapansanan o kamatayan. Ang mga dayuhang nagbabalak na mamalagi sa Japan nang higit sa isang taon ay nasasakop nito.
    Employees’ Pension Insurance (Welfare Pension Insurance)
    Uri ng benepisyo
    Old-age Welfare Pension, Disability Welfare Pension, Survivors’ Pension
    National Pension
    Ang hindi nakaseguro sa Employees’ Pension Insurance ay kailangang sumali sa National Pension para sa mga nasa pagitan ng edad na 20 hanggang 59 na taong gulang.
    Para sa mga tanong
    Makipag-ugnayan sa tagapamahala sa national pension ng bawat munisipyo

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Unemployment Insurance (Seguro para sa Kawalan ng Trabaho)

    Sagot

    Ang unemployment insurance ay isang sistemang nagsisikap na patatagin ang pagtatrabaho ng mga kasalukuyang nagtatrabaho, at nagkakaloob ng mga benepisyo sa mga nawalan ng trabaho upang itaguyod ang kanilang pamumuhay at makatulong upang sila ay muling makahanap ng trabaho. Ang benepisyo para sa kawalan ng trabaho ay tinutustusan buhat sa ibinabayad sa seguro ng manggagawa at ng employer. Kung nagtatrabaho sa Japan, maliban sa mga napatunayang sumasailalim sa unemployment insurance sa ibang bansa, bilang patakaran, maaaring sumali sa seguro anuman ang nasyonalidad (kabilang rito ang mga walang nasyonalidad), sa pamamagitan ng employer. Kapag ang isang manggagawa ay umalis sa trabaho sa personal na dahilan o sa pagsisisante ng kumpanya, dapat na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon, at kung ito ay kikilalanin ng Public Employment Security Office (Hello Work), maaaring makatanggap ng basic allowance:
    • Mga taong walang limitasyon sa trabaho at maaaring paulit-ulit na magtrabaho sa Japan.
    • Miyembro ng seguro ng 12 buwan o higit pa sa loob ng 2 taon bago ang pagtigil sa trabaho. (Sa kaso ng pagkatanggal sa trabaho o pagkalugi ng kumpanya, pagiging miyembro ng seguro ng 6 na buwan o higit pa sa loob ng 1 taon bago ang pagtigil sa trabaho)
    • Napatunayan na nawala ang kwalipikasyon sa pagkakaseguro dahil sa pagtigil sa trabaho.
    • Hindi makakuha ng trabaho kahit na nais na magtrabaho.
    * Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa Public Employment Security Office (Hello Work) na malapit sa inyong tinitirhan